CMC-18

5.6K 156 7
                                    

natauhan ako sa kakatingin sa kanya, nang tumingin sya sakin,

nag iwas tingin ako..

nakaka inlove masyado ang tingin nya, baka ma sobrahan ako.

"Grace, gusto mo bang sabihin ko sayo kung gano kahalaga ang punong ito satin?" saad nya,

tinignan ko ang puno, mahalaga? sa amin?

"mahalaga satin?" curious kong tanong

.

"umupo ka," dinala nya ko palapit sa puno, at umupo kami malapit dito. ang bango ng simoy ng hangin, pakiramdam ko nasa isang romantic place ako, lalo na't si Seven ang katabi ko ngayon

alam mo yung feeling? yung puso ko, kanina pa tumatalon sa saya, kahit yung isip ko hindi pa rin makapaniwala.. yung konsenya ko, kanina pa nagsasabing BAHALA NA, isa itong biyaya, isa itong pangarap na tinupad ng wish ko lang. ganun man, kanina pa paulit ulit sa kokote ko nah 'hindi ba, may girlfriend na si Seven?' pero sa mga oras na ito, ayokong isipin.. gusto ko lang isipin ng lubos, ang meron sa amin ni Seven noon at ngayon..

.

tinitignan ko lang si Seven, nakaupo sya ngayon sa mga nakakalat na dahon sa paligid o sa ilalim ng puno, malinis naman kasi, dahil din autumn ngayon. parehas lang kami ng upo,

kumuha sya ng isang dahon sa lupa, malapit lang yun sa amin,

?

kumuha naman sya ng ballpen sa pocket ng polo nya.

tinitignan ko lang sya na may halong pagtataka. may sinusulat kasi sya sa dahon

"basahin mo" mangiting baling nya sakin, at binigay sakin ang dahong yun

may nakasulat [BESTFRIEND KITA]

uh??

ako? bestfriend nya? tanong sa isip ko..

tinignan ko sya matapos kong mabasa yun

he smiled and say "bestfriend kita, bago pa man naging tayo, , grade 5 pa lang tayo nun, lagi kitang iniinis kasi natutuwa ako palagi na inisin ka. . pero naging magkaibigan din tayo bago tayo nag grade 6. at itong lugar na to? dito sa punong ito, palagi tayong nag i study, kumakain, nagkukwentuhan, nagkukulitan, minsan pa nga nag aaway, tapos umiiyak ka,...... pero isang lollipop lang ang kayang magpa ngiti sayo kapag umiiyak ka, at ako lang ang laging nag bibigay sayo nun... naalala mo kahapon? nang binigyan kita ng lollipop?, umiiyak ka kasi noon,, alam kong malaki ka na, at hindi na tayo grade school. pero sinubukan pa rin kitang bigyan, dahil ayoko ng nakikita kang umiiyak, , pasensya ka na rin pala kung lagi kitang hindi pinapansin, o kung lagi kang naiinis sa mga sinasabi ko, alam ko yan, kahit hindi mo nasabi sakin, narinig ko lahat ng sinabi mo nung lasing ka, ,gusto talaga kitang pigilan noon na wag nang uminom, pero natutuwa ako sa mga naririnig kong sinabi mo, , that you? love me?" parang tanong na sabi nya.

"sinabi ko ba yon?" atah, oo naman atah diba, pero pano? pano sya nandun? o paano nya narinig yon..

"oo, sinabi mo yon, sobrang lasing ka na nga non, ni hindi mo napapansin nandon lang ako, at binabantayan ka. . naka upo lang ako non sa kabilang table malapit sayo,, lalapitan na nga sana kita, pero dumating na rin lang si Jack" bigla syang ngumiti

"oh? bat naka ngiti ka dyan?" tanong ko

"ehe, wala. pati si Jack kasi nun, akala mo ako, nag i love u ka, binanggit mo pa pangalan ko.. dun ko napatunayan sa sarili ko, nah mahal mo pa rin nga ako.. pero..... teka lang, hindi ba, nawala na rin ako sa ala ala mo? pano? pano mo nasabing mahal mo pa ko?"

its just that, sa loob ng isang buwan, hinahangaan, ginusto at minahal na nga kita, & i think, i love Seven now, hindi dahil sa dati, pero dahil sa simula nang dumating ulit sya sa school na ito, e sa kanya lang umikot ang isipan ko, ang puso ko, ang buhay ko.

"hindi ko alam" sagot ko sa tanong nya "hindi ko alam" inulit ko pa, hindi ko rin masabi sa kanya ngayon na mahal ko sya talaga.

.

"hindi mo alam?" he asked

hindi na ko sumagot, nahihirapan talaga akong tumingin ng deretso sa kanya, ewan, hindi atah kasi ako sanay nah nag uusap kami ni crush,, nah magkasama kami ni Crush, kalain mo ba naman kasi, my crush is my long time boyfriend na pala..

haaaaaai,sayang yung mga araw na dumaan, kung alam ko lang, kung alam ko lang talaga.. kulang pang hindi ko sya yakapin nang dumating sya, pero uhum? can't imagine my self doing that haha -.- 

pero sana kasi, hindi na lang ako nag kaamnesia, at sana hindi na lang sya umal- umalis?? bakit nga ba sya umalis noon nang hindi nag paalam sakin?

gusto ko syang tanungin. pero.... para saan pa? ang mahalaga e, parte pala ako ng buhay ni Seven..

napatingin na naman ako sa inabot nyang dahon, nah may nakasulat

kinuha ko muna yon bago binasa [GRACE, BE MY GIRLFRIEND?]

dug dug dug kasalukuyang nagwawala ang puso ko ngayon nang nabasa ko yan.

ni hindi ko magawang bitawan ang dahon

tumingin ako kay Seven

nakatingin sya sakin 

nagsalita rin "gusto ko lang ipa alala sayo, kung pano naging tayo noon.. high school na tayo nang mga oras na sinulat ko ang ganyan sa isang dahon din, ganyan din ang sinulat ko noon, mahilig kasi tayong magsulat sa mga dahon noon. kaya sa ganyang paraan ko ginawa"

ang sweet, at this time, napangiti ako..

Capturing My Crush (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon