Baby
Ang kulay kahel na kalangitan ay bumabalot sa paligid. Ang kalmadong dagat at ang malamig na hangin ay nagpapakalma sa akin.
Andito ako muli sa ilalim ng lamesa kaharap ang baso. Dala ko ito kahit saan ako magpunta.
Gusto kong mas maintindihan pa ang gustong iparating saken ng buhay gamit ang basong ito.
Kung tutuusin pangalawang buhay ko na ito. Kaya dapat lang na matuto ako mula rito. Nakapagdesisyon na ako sa bagay na dapat ay matagal ko ng ginawa.
"Andito ka lang pala"
Umupo sya sa tapat ko.
Kung titingnan mabuti may itsura ring itong si Juan. Matangos ang ilong nya may malalim na mga mata at ang pilikmata nyang kay haba. Mapula run ang kanyang mga labi at depina ang istraktura ng kanyang katawan. Bagay rin sa kanya ng morenong kulay. Papasa itong artista pag dinala mo sa maynila.
"Maganda ba ang Maynila?"
Laki sya rito sa isla. Bata pa lang mang sya andito na sya. Alam ko makapag aral naman sya kahit paano.
"Mas maganda rito Juan"
Bumaling sya saken. At parang sinusuri ang aking naging sagot.
"Tingin ko nga ay mas maganda rito" hinaplos nya ng daliri ang kanyang baba. Tilay sigurado sa kanyang sinasabi.
"Puno ng kalungkutan ang iyong mata. Samantalang rito sa isla ay puro ngiti ang aking nakikita. Marahil ay maganda rin sa Maynila marami daw ang oportunidad doon. Pero kung magiging kasing lungkot ng mga mata mo ang mata ko pag dating ko roon ay wag nalang"
Isang ngiti ang iginawad nya saken. Tama sya wala pa kong nakita sa isla na ito na malungkot.
"Juan.. nakapag aral ka ba?"
Nakita ko ang gulat sa ekspresyon ng kanyang muka ngunit napalitan din agad ito ng ngiti.
"Aba oo naman. Ayaw ko lang iwanan si inay rito pero isa akong arkitekto. Sa ngayon ay puro freelanced lang muna ang kinukuha ko. Madaming gustong kumuha saken na kompanya ngunit tinatangihan ko muna. Matanda na si inay atska sa nakikita ko sayo mas lalo akong nakumbinsi na panget nga talaga sa Maynila"
Bahagya akong natawa sa kanya. Halata na offend ko sya sa aking tanong pero mayabang nya akong sinagot.
Isa pala sya arkitekto. Big time!
"Bakit hindi mo nalang dalhin si manang sa Maynila?"
"Mahal nya ang lugar na ito. Masaya sya rito. Maiksi nalang ang panahon nya"
Mahal ni manang? Bakit? Oo dito na siguro sya tumanda pero pwede na iwan ang isang lugar para sumubok ng iba.
"Ikaw... hindi ko ba nanghihinayang sa panahon? Andito ka sa isla, nangingisda at walang permaneteng kompanya"
"Muka ba akong nanghihinayang? Tingin mo ba kung hindi ako masaya ay mag titigil ako rito? Liana... choose to be happy and you will understand"
Tumayo na sya at aamba na sa pag alis.
"Explore the island. Wag mo ikulong ang sarili mo sa lugar na hindi ka naman masaya. It is okay to isolate yourself in a place where you find happiness"
Isang makahulugan ngiti ang iginawad nya saken bago sya tuluyang nawala sa aking paningin.
Maganda ang Maynila pero hindi ako masaya roon. Ilang taon kong ikulong ang sarili ko at nagpanggap na hindi ako dahil lang walang kasiguraduhan na pag tanggap.
YOU ARE READING
Beautiful escape ( Conquering the sun's beauty series#1)
RomantikHe wants to forget. She wants to disappear. Two problematic being finding an escape. Together, would they heal or worst, be each other's another downfall. Credict to @feismexx. Thanks for my book cover. Date Published: 04/27/20 Date Completed: 05...