Bente

75 25 37
                                    

Bending kness        

"Lianna may problema ba?" Tanong nya.

Ako dapat ang magtatanong noon sa kanya. Wala ba syang balak sabihin saken ang kahit ano? Nalilito na ko pero wala akong lakas ng loob para tanungin sya.

Dapat ba ay malaman ko pa sa iba?

"Wala naman" ngumiti ako sa kanya na para bang normal lang ang lahat.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone, hudyat na may tumatawag. Nagtagal ang tingin ko sa phone nyang nakapatong sa lamesa.

Bakas sa mukha nya ang inis. Sinapat ko ang tumatawag at kuya Victor ang pangalan na nakaregistor roon.

"Hindi mo ba sasagutin?"

Niyakap nya lang ako mula sa aking likod at hindi  sya umimik. Inumpisahan nyang halika ang aking leeg. Para na naman akong kinukuryete sa kanyang ginagawa

Tumunog ulit yon dahil sa panibagong tawag at this time mama na nya ang nakalagay na pangalan doon.

"V-Vince ang mama m-mo" hinampas ko ng bahagya ang kanyang braso para makuha nag tensyon nya pero bigo ako.

"Hmm" tanging iyon lang ang narinig ko mula sa kanya.

Patuloy pa rin sa pagtunog ang phone nya. At si Vince patuloy pa rin sa pag gala ang kamay sa aking katawan. Nakatalikod pa rin ako sa kanya. Pinagpipyestahan nya ang leeg ko, ang collar bone ko at ang panga ko na para bang paborito nyang pagkaen.

"V-Vince" malambing na ang aking boses hindi ko na makilala ito. Hindi iyon akin. "Ang m-mama mo"

Jusko Lianna kanino bang boses yan. Gusto kong sabunutan ang sarili sa ginagawa ko.

"Fvck!" Inis na inis ito. Tilay hindi nya nakuha ang gustong mangyare.

Malalim ang aking pag butong hininga. Andito kame sa condo ko. Madilim at tanging dim lights lang ang nagsisilbing liwanag.

"Yah! I know don't worry" nahihimigan ko ang inis at pagod sa kanyang boses.

"Yes, I will. Ma, trust me. I know what I'm doing" Yun na ang huli Kong narinig sa mga sinabi nya dahil lumabas mejo lumayo sya saken at hindi ko na maintindihan ang mga sumunod pa.

Huminga ako ng malalim isa lang ang sigurado ko ngayon may mga bagay na hindi nya gustong ipaalam saken.

Kaylangan ko na yun alamin at si Mia lang ang sagot sa mga tanung ko. Kaylangan ko sya makausap.

Kung ano man ang nangyayari ngayon at sinasabi nyang katotohan ay panirgurado akong magkaugnay.

"Can I sleep here?"

Napalundag ako sa gulat ng bigla syang mag salita. Nakabalik na pa sya, ngayon ay mukang mas maliwalas na ang kanyang muka.

Naayos nya ba ang problema o itinatago nya lang saken.

"Vince umuwe ka na. Tumawag ang mama siguro ay dapat doon ka matulog sa kanila" paliwanag ko.

Lumapit sya saken at hinawakan ang makabilang byewang ko.

"Please baby" ang malambing nyang boses at maamong mata ay kumukumbinsi saken na pumayag sa gusto nya "I'll be good. Promise magbebehave ako" he chuckled.

"Talaga?" Mapanghamon ang akong tanong.

"Ah huh. Yakap lang promise, tatabi lang promise" itinaas nya pa ang kanyang kamay tanda ng pangako nya.

May nag sasabi sa utak ko na wag syang paniwalaan dahil maaring scam yun pero may nagsasabi rin saken na paniwalaan ko kasi boyfriend ko sya ta nag promise ito.

Beautiful escape ( Conquering the sun's beauty series#1)Where stories live. Discover now