Head ache
Kinapa ko ang aking phone nag alarm kasi ako nung mga nakaraang araw ay laging tanghali na ko kung magising tapos lageng masaket pa ang ulo pero hindi ko nalang pinansin baka kasi naninibago lang ako.
Niyaya ako nina Dean kaya naman kaylangan gumising ng maaga dahil nangako ako nasasama sa kanila sa pag tuturo sa mga bata at iba pang gawin.
Bumangon ako pero biglang kumirot ang aking ulo. Nahihilo ako marahil hang over dahil sa dami ng ininom ko kagabi.
"Ugh! Hang over!" Inis kong sinabunatan ang sarili.
Binalewala ko iyon at pumunta na sa banyo para makapagbihis. Nang matapos ako maligo ay nasapo ko ang aking noo. Wala akong ibang damet na pwede casual. Puro short at crop tops o kaya naman damet na pwedeng gamitin pag nasa beach at swim suits.
Binuklat ko pa ang aking bag hanggang sa ilalim pero wala rin. Naiinis ako at wala akong ibang mapili na pwedeng isuot.
Dinampot ko ang isang terno ng spaghetti strap at short. Siguro ay pwede na iyon.
Matapos lahat ng seremonyas ko ay lumabas na ko para hanapin si Dean. Hindi ko kasi alam kung saan ako unang magsisimula.
"Coffee?" Alok nya ng magtagpo ang aming mata.
"Sure mejo masaket nga ulo ko" Saad ko at umupo sa isang bakanteng upuan.
Narinig ko ang pagtawa nya habang nagtitimpla ng kape siguro para saken.
"Hang over?" Tanong nya.
"Uh huh" tipid kong sagot habang hinihilot ang aking sentido.
"Ikaw ba naman, daig mo pa broken hearted" mejo natatawa nyang sabi.
"So broken hearted ka rin?" Balik ko sa kanya. Paano ang lakas nya din uminom.
"Hindi, na back to you naman ako doon" sabi nya at inabot saken ang kape.
"Dean! Tara na!" Napabaling kame ni Dean sa pintuan.
Dumungaw doon sina Jessica.
"Hi goodmorning Lianna" sabi nya.
"Hello, coffee?" Inalok ko sya.
"No thanks, tapos na kame" sagot nya saken.
"May hang over" sabi ni Dean
"Oh edi masaket ulo mo Lianna?" Tanong naman ni Letty.
"Mejo lang" sabi ko.
"Sina Ash?" Pagbago ni Dean ng usapan.
"Andoon na sa venue nagseset up ng mga block boards at kung ano ano pa, ay Lianna ikaw ang mga story telling ha" sabi saken ni Jessica.
"Marunong ka ba?" Bigla namang sabat ni Letty.
"May konti akong alam" nahihiya Kong sagot.
"That's great" masigla ang sagot ni Letty "gusto ko na kasi sumali sa pakikipaglaro sa mga bata" she giggles.
"Ayun lumabas na ang totoo. Lalarong laro si Inday" natatawa kame dahil sa sinabi ni Jessica.
Nagtungo na kame sa lugar. Andoon na ang mga bata bakas ang tuwa at galak dahil sa paparating na kame.
Nakita ko ang pagbaling ng tingin ni Adrian saken. Ngumiti ako sa kanya saglet at binaling na ang atensyon sa ibang bagay na pwede kong maitulong.
"Mga bata! Makinig kayo..." pag agaw ni Jessica sa atensyon ng mga bata.
Sa tingin ko ay ibat iba sila ng edad, binase ko iyon sa mga sukat nila. May maliit na bata na tuwang tuwa habang inaabutan ni Ash ng kendi. May isang bata naman naiyak dahil inaaway ata nung isa pa. Nilapitan ko sya dahil busy sina Dean.
YOU ARE READING
Beautiful escape ( Conquering the sun's beauty series#1)
RomanceHe wants to forget. She wants to disappear. Two problematic being finding an escape. Together, would they heal or worst, be each other's another downfall. Credict to @feismexx. Thanks for my book cover. Date Published: 04/27/20 Date Completed: 05...