Trenta Otso

74 17 34
                                    

Ring

Kalabog ng nababasag na mga gamit at lagapak ng pinto ang aking narinig mula sa kusina. Mabilis na mga hakbang ang aking ginawa habang papalapit ako sa kwarto nya.

"Lianna!" Sigaw ni Vince mula sa loob nito.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kanyang kwarto ng bigla iyong bumukas ng marahas dahilan ng aking pag kagulat. Iniluwa nito ang takot na takot na si Vince. Ang pawis na tumatagaktagk sa kanyang pisngi kasabay ng kanya mabilis na pag hinga.

"Baki-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nya akong kinulong sa kanyang mga bisig. Ang bilis ng tibok ng puso nya ay rinig na rinig ko. Takot na takot sya dahil sa akala nyang umalis ako.

"Don't do that again. I'm scared" sabi nya habang mas hinihigpitan pa ang pag yakap saken.

Dahan dahan kong inangat ang mga braso patungo sa kanyang likod at marahan ko iyon hinaplos pababa at pataas para pakalmahin sya.

"I won't okay? I'm here Vince" malambing kong sabi sa kanya.

Unti unti ay lumuluwag na ang kanya pag yakap saken. Hudyat na tuluyan na syang kumalma. Iniharap nya ako at hinawakan sa aking dalawang balikat. Tinitigan nya akong maige at doon ko na pag tanto ang takot na dulot ng ginawa ko.

"I'm sorry" yun lamang ang tangi kong nasabi.

Umiling sya at ngumiti saken bago tuluyang yakapin ulit.

Isang nasusunog na amoy ang kumuha sa atensyon namen. Shit! yung niluluto ko. Agad ko syang itinulak at tinakbo ang direksyon patungo sa kusina.

"Careful Lianna!" Narinig ko ang taranta nya boses pero hindi ko iyon pinansin.

Agad kong pinapatay ang lutuan at hindi ko na inintindi ang init ng kawali kaya naman na paso ang aking kamay.

"Ouch" agad kong hinipan ang namumula kong palad.

"Damn! What happen?!" Agad nyang hinablot ang ang aking kamay at pinag masdan iyon. Marahan nyang hinipan iyon para mawala ang hapdi.

Namilog ang mata ko bigla nya iyong hinalikan ng paulit ulit.

"I told you be careful" may halo pa ring inis sa kanyang boses.

"I'm sorry" sabi ko pag tapos ay kinagat ang aking labi. Feeling ko kasi ay nakagawa na naman ako ng kasalanan.

"Hmm paano na to ngayon? Sunog na yung hotdog" mejo nag aalangan ako sa aking naging tanong.

"Walang kwenta yang hotdog kung nasaktan ka naman" mariin pa rin ang kanyang pag sasalita.

Galit ba sya?

"Kasi sayang naman!" Tumaas ang boses ko ng sinabi ko iyon.

Pinaghirapan ko iyon lutuin tapos sasabihin nya walang kwenta. Anong gusto nya sabihin na hindi ako marunong mag luto.

May kinuha syang ointment sa first aid kit na nalagay sa isang cabinet. Malamig iyon ng dumampi sa aking palad.

"I'll cook" tipid nyang sabi habang busy sa pag gamot sakin.

"Marunong din naman ako ah" pag rereklamo ko sa kanya.

Ngayon ay nasa sink ako nakaupo at sya nasa harapan ko. At naka kunot ang noo titig na titig sa aking palad. Para bang inis na inis sa kanyang nakikita.

"Tapos ano masusugatan ka lang?!" May banta sa kanya boses.

"Hindi sana ako masusugatan kung hindi ka nagwala doon! Inisip lang naman kita!" Pag sagot ko.

Beautiful escape ( Conquering the sun's beauty series#1)Where stories live. Discover now