CHAPTER 9

18 2 0
                                    

Mabilis naming narating ang ospital. Oras na pagpasok ko ay dumiretso ako sa emergency room kung saan naroon si Izee. 

 Nadatnan kong nakaupo si Daddy sa labas ng silid. Mukhang napansin n'ya ang pagdating ko. Tumayo siya buhat sa kanyang kinauupuan at sinalubong n'ya ako ng suntok.

 "Tangina, Steven! Ano ba'ng ginagawa mo ha? Hindi mo maalagaan ng maayos ang asawa mo! Paano na lang 'pag nalaman ito ng Papa n'ya? Nakakahiya ka!" sunod-sunod niyang pahayag.

 Naramdaman ko ang pamamanhid ng mukha ko maging ang pagtulo ng dugo mula sa aking labi. Pinahid ko ito at saka ako naupo sa mga upuan na naroon.

 "50/50 siya, Steven. Kritikal ang asawa mo. Mabuti na lang at may nakakita sa kanya matapos bumangga ang sasakyan niya sa isang puno. Bakit hinayaan mong mangyari 'to? Napaka-iresponsable mo!" 

 Napatingin na lang ako sa taas upang pigilan ang pagbagsak ng mga luha mula sa 'king mga mata. 

 Naiinis ako sa sarili ko. Tama ang lahat ng sinabi ni Daddy, napaka-iresponsable kong asawa. Wala akong kwenta. Alam kong ako ang dahilan kung bakit siya umalis sa ball, kung bakit siya naaksidente at kung bakit siya kritikal ngayon.

 "Mr. Santiago?" Napatingin ako sa nagsalita at ito ay ang doktor. Inayos ko ang sarili ko at tinatagan ang loob ko sa maaari niyang sabihin.

 "Doc, how's my daughter-in-law?" tanong ni Daddy. Tumingin muna siya ng mataimtim sa amin at napabuntong hininga bago magsalita.

 "Wala pa rin s'yang malay hanggang ngayon, Mr. Santiago. Your daughter-in-law fractured her leg in three places including her femur, kneecap and ankle. We need to do surgery and we'll put in iron rods to support her leg, kung papayag kayo. She also lost a lot of blood due to some minor cuts that requires her to undergo blood transfusion," paliwanag ng doktor. 

 "Yung anak namin doc? Kamusta ang baby namin?" balisa kong tanong. Puno ng gulat na tumingin si Daddy sa akin.

 "About your baby, it's a miracle na nabuhay ang bata. Mabuti na lamang at malakas ang kapit n'ya."

Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang malaman kong ligtas ang bata. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa anak namin dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakali.

 "Do everything that you can, doc. Please, para makasama pa namin ang mag-ina ko," pakiusap ko.

"We'll work on that. Pero sa ngayon kailangan natin ng blood donor o blood bags na magmamatch kay Mrs. Santiago. Excuse me," sabi nito bago tuluyang umalis. 

 Napatingin ako kay Daddy.

 "Steven, hindi mo—"

"Yes, Dad. Magkakaapo ka na. But for the meantime, I need to find blood bags to save their lives." 

 Tumakbo ako upang maghanap ng kinakailangang dugo ni Izee. Agad akong nakabili ng blood bags at isinagawa na nila ang blood transfusion at ang surgery.

Tayo ako ng tayo sa aking kinauupuan at sinusubukang sumilip sa pinto ng silid kung saan isinasagawa ang surgery. Panay din ang pagdadasal ko na sana ay maging maayos ang lahat.

 "Steven, magiging okay din ang lahat. Don't worry too much," sabi ni Daddy. 

 "Pero Dad, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na mag-alala para sa kanila. Natatakot ako para sa mag-ina ko."

Napabuntong hininga ako. 

Biglang tumunog ang cellphone ni Daddy at saglit s'yang lumayo upang sagutin ang tawag. Nakasimangot naman s'yang bumalik at lumapit sa akin.

BETTER HALFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon