CHAPTER 8

11 1 0
                                    

"Mr. Santiago!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Pagharap ko ay nakita ko si Professor Castro na naglalakad palapit sa aking direksyon.

"Bakit po, Ma'am?" tanong ko.

"Puwede bang pakidistribute na itong invitations sa buong block n'yo? Para 'yan sa year end ball mamayang gabi. Nagpasobra na rin ako ng isa para kay Ma'am Izee. Pakibigay na lang din sa kanya. Salamat." Ibinigay niya sa akin ang patong-patong na invitations.

"Sige po." Kinuha ko ito at naghiwalay na kami ng landas.

Dumiretso na ako sa classroom namin. Oras na pagdating ko ay ipinamigay ko na ang mga invitations sa bawat isa. Matapos ito ay napagpasyahan kong maglakad papunta sa aking upuan ngunit may isang babaeng nauna nang maupo roon.

"Excuse me, Miss? That seat is mine," sabi ko.

"Oh? Gano'n? Sorry. Anyway, long time no see, baby Steven." Ngumiti siya ng nakakaloko oras na pagharap niya sa akin.

Si Chelsea.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko.

Hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi niya. Tumayo s'ya buhat sa upuan. Hinigit n'ya ako sa neck tie ko dahilan upang mapalapit ako sa kanya. Ngayon ay halos magkadikit na kami.

"Wala nangangamusta lang," sabi niya habang mapang-akit na nakatingin sa akin.

"Tss, imposible. Sabihin mo na. Ba't ka ba nandito ha?" Tinanggal ko ang pagkahawak niya sa aking kurbata at dumistansya ako sa kanya. Sumimangot naman siya dahil sa ginawa ko.

"Aw, bakit ka lumayo sa 'kin? May magagalit ba? Wala naman 'di ba? Wala naman dito si Professor Izee e, ba't natatakot kang makipagflirt sa 'kin, baby Steven?"

"A— ano? Bakit naman magagalit si ate kung sakali—"

"Hahahaha! You're a great pretender, Steven. Ang galing ninyong dalawa ng ate mo dahil napaniwala n'yo ang buong St. Martin University sa kasinungalingan n'yong 'yan! Biruin mo nga naman, apat na taon n'yo kaming napaniwalang magkapatid kayo pero ang totoo pala, mag-asawa kayo? Wow, you both deserve an award. Ang galing n'yo, grabe!" Pumalakpak pa si Chelsea. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa mga sinabi n'ya.

"A— ano bang sinasabi mo, Chelsea? Magkapatid kami ni Izee," sabi ko. Pinilit kong magsalita ng diretso para hindi s'ya maghinala pero inirapan n'ya lang ako at mula sa kanyang bag ay may kinuha sya't hinagis sa harapan ko.

"Enough! Kitang kita na sa mga pictures na 'yan ang pruweba! Game over, Steven." sigaw niya.

Pinulot ko ang nga larawang nagkalat sa harap ko. Tiningnan ko ito isa-isa. Mga kuha ito noong christmas eve. Mukhang kinuhanan kami mula sa labas ng bahay namin. Bigla kong naalala na noong magkayakap kami ni Izee ng gabing iyon ay tila may nakita s'yang taong nagmamasid sa amin buhat sa bintana.

"Ikaw?! Ikaw ang taong—"

"Yes, my dear. Ako nga. Ako ang nakasaksi sa paglalambingan n'yo noong gabing 'yon. Ang sweet n'yo nga e. Ba't hindi natin ipangalandakan sa buong university kung gaano kayo ka-sweet? Siguro ngayon lang din sila makakakita ng magkapatid na naghahalikan 'no?" Napatingin ako sa picture na nasa kamay n'ya. Sinubukan ko itong kuhanin pero agad n'ya itong naiiwas.

"Give that picture to me!" utos ko sa kanya.

"No, hindi puwede. But don't worry, I'll keep my mouth shut. Hindi ko ipapakalat itong mga photographs na 'to. Pero sa isang kundisyon," sabi n'ya.

BETTER HALFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon