CHAPTER 10

4 0 0
                                    


A/N: First of all, I want to thank YOU for reading the whole story and yes, you're on the LAST chapter! Please keep on supporting me and my stories! Keep safe this quarantine period guys xx

--

 CHAPTER 10

"Mommy! Mommy!" tumakbo siya papalapit sa akin oras na nakita n'ya ako. Sinalubong ko naman siya at kinarga papunta sa kotse.

"How's school today, baby? Everything's fine?" tanong ko sa kanya. Umiling-iling naman s'ya at sumimangot.

"No. Magkakaroon na naman po kami ng family day bukas," sabi niya.

"That's fun, honey! For sure, you'll be enjoying the activities tomorrow." Ngumiti ako sa kanya pero mas sumimangot pa s'ya.

"Bakit, anak? May problema ba?" tanong ko. Iniupo ko s'ya sa passenger's seat at kinabitan ng seat belt. Nagsimula na akong magmaneho pauwi.

"Sabi kasi ng classmates ko isasama daw nila ang Mommy at Daddy nila, pero ako wala akong Daddy." Nalungkot ako dahil sa sinabi niya.

"May Daddy ka, Stephen. Kamukha mo nga siya e. Kung ano ang nakikita mo sa sarili mo ngayon, ganyan din ang itsura ng Daddy mo. At kahit hindi ka pa n'ya nakikita, alam kong mahal na mahal ka no'n." Napangiti ako habang inaalala ko ang itsura ng ama niya at kung gaano sila nagkamukha. Sa bilugan at deep brown nilang mga mata at matangos na ilong pa lang ay hindi na maipagkakailang mag-ama sila.

"Po? Ibig sabihin maliit din siya?" inosenteng tanong ni Stephen. I chuckle as I hear his query.

"Hindi. Syempre mas matangkad sa 'yo ang Daddy mo," sabi ko.

Ikinunot pa niya ang kanyang noo. Maging sa mga gestures at facial expressions ay kuhang kuha niya si Steven.

"E? Nasa'n po ba kasi ang Daddy? Bakit hindi natin s'ya kasama? Mommy, pauwiin mo na kasi s'ya! Kasabay ng family day ang father's day celebration sa school namin. E, hindi ka naman father kaya pauwiin mo na po si Daddy, please?" pakiusap niya.

Iginarahe ko ang kotse at tinanggalan na s'ya ng seat belt.

"Mommy, please?" muling pakiusap niya. Napabuntong hininga na lang ako.

"I can't promise honey. I'm sorry," sabi ko.

"I hate you, Mommy! Ayaw mong pauwiin si Daddy! Lolo Pa!" Tumakbo pababa ng kotse si Stephen at dumiretso kay Papa na naghihintay sa harap ng bahay namin.

Sinalubong siya nito at kinarga papasok ng bahay. Sinundan ko naman sila.

"Apo, bakit ka umiiyak ha?" tanong ni Papa sa kanya. Isiniksik naman ni Stephen ang mukha niya sa balikat ng lolo niya.

"Si— si Mommy po kasi. Ayaw n'yang pauwiin ang Daddy. Bukas pa naman po ang father's day celebration sa school namin," pagsusumbong niya. Napatingin naman sa akin si Papa.

"Sssh... Tahan na, Stephen. Kung gusto mo si Lolo Papa na lang ang sasama sa inyo ni Mommy mo bukas?" Tumango naman ang bata pero tuloy pa rin ito sa pag-iyak.

Napasimangot na lang ako. Siguro kung pinakinggan ko noon si Steven, malamang ay hindi ito nararanasan ng anak namin. Pero huli na para magsisi ako. Halos limang taon na ang nakaraan...


🐻🐻🐻


BETTER HALFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon