CHAPTER 3

12 2 0
                                    

CHAPTER 3

Binura ko ito at ibinulsa ang aking cellphone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Binura ko ito at ibinulsa ang aking cellphone. Binuksan ko ang gate at naglakad papasok ng bahay.

Hindi ko na tuloy nasundo si Izee kanina dahil nagyaya si Chelsea na magdate kami. 

Tinanggihan ko s'ya na naging dahilan ng pag-iyak n'ya habang nasa school parking lot kami. Pinagkaguluhan tuloy kami ng mga tao at para maiwasan ang pagdami ng umuusisa, pinagbigyan ko na ito. 

Kaya ngayon, ako naman ang nahihirapan dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin kong dahilan kay Izee.

Nadatnan ko si Izee na nasa sala at abalang nagchecheck ng mga papel. Naramdaman n'ya yata ang presensya ko dahil napatingin s'yang saglit sa akin ngunit agad ding pinagpatuloy ang ginagawa n'ya.

Umupo ako sa tabi n'ya. 

"Oy?" sabi ko sabay kalabit sa kanyang balikat. Tinabig n'ya naman ang kamay ko at mas dumistansya sa akin. Sinubukan kong muling lumapit sa kan'ya pero patuloy lang s'ya sa paglayo.

"Hay." 

Napabuntong hininga na lamang ako. 

Ayaw n'ya akong kausapin. 

Nag-ipon ako ng lakas ng loob saka huminga ng malalim at sinimulang magpaliwanag.

"Izee, I'm sorry. Huwag ka nang magalit sa 'kin o? Si Chelsea lang 'yung kanina. Oo, tama 'yung sinabi n'yang girlfriend ko nga s'ya pero makikipagbreak din ako sa kanya. Promise! Humahanap lang ako ng tamang tiempo. Kaya, huwag ka nang magalit sa 'kin o? Izee naman." panunuyo ko sa kanya. 

Hindi ko alam sa sarili ko pero naramdaman ko lang na kailangan kong magpaliwanag sa kanya. At hindi rin mabuti kung magagalit pa kami sa isa't isa, e kami lang dalawa ang laging magkasama sa bahay na 'to. Ang awkward kung nagkataon.

"Bakit ka nagsosorry? Hindi naman ako galit sa 'yo." sabi n'ya na nakapagpangiti sa 'kin.

"Talaga?" tanong ko. Humarap s'ya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"Oo naman. Tsaka wala akong karapatang magalit o magselos. Hindi naman tayo seryoso at mag-asawa lamang tayo sa papel, 'di ba?" sabi n'ya.


"Mag-asawa lang tayo sa papel, 'di ba?"


Tila may mga aspiling tumusok-tusok sa dibdib ko matapos ko itong marinig. Napatayo ako at umakyat sa kwarto namin. Nahiga ako sa kama at napasapo sa aking mukha.

Bakit ba ako naaapektuhan sa sinabi n'ya? 

Tama naman si Izee. Mag-asawa lang kami sa papel.

Napabalikwas ako ng bangon at saka ginulo ang buhok ko. Mababaliw na yata ako sa pag-iintindi dito sa nararamdaman ko. 

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at humiga ulit. Bumungad sa akin ang notification na 14 missed calls. Sino naman kaya 'to? 

BETTER HALFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon