CHAPTER 5

8 1 0
                                    



"Baby? Bakit mo ako pinapunta dito? Ano'ng gagawin natin dito sa rooftop?" Nabaling ang atensyon ko sa nagsalita. Si Chelsea.

Hindi ko s'ya sinagot at muli akong tumingin sa malayo habang patuloy ang paghithit sa sigarilyo.

"Baby?" muli n'yang sambit. Kinuha ko ang sigarilyong nakapasak sa aking bibig at saka ito itinapon sa sahig at tinapakan. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang palad sa aking balikat dahilan upang mapaharap ako sa kanya.

Marahas kong tinanggal ang kanyang kamay at binitawan ang mga katagang dapat ay matagal ko nang sinabi sa kanya.

"Let's break up."

"What?" gulat n'yang sabi.

"I said let's stop this!" sigaw ko. Kasabay nito ang pagkabiling ng aking mukha. Nagulat ako dahil sa ginawa n'ya at napatingin sa kanya.

"Kaya mo ba ako pinapunta dito para lang sabihin 'yan?" nanginginig ang tinig n'ya sa pagsasalita.

"Yes," walang gana kong sagot.

"Bakit Steven? May nagawa ba ako? Hindi ba, no'ng isang araw lang may pa-surprise surprise ka pa para sa 'kin? Bakit biglang gan'to? Ba- baka nagugulat ka lang?" sunod-sunod n'yang pahayag.

"You want to know why, Chelsea? Because I don't love you, okay?! At hindi kita minahal! Sawa na akong magpanggap at gumamit ng ibang tao para lang makuha ang atensyon ng babaeng mahal ko. Ayokong lumala pa 'to, kaya, I'm sorry, Chelsea." sabi ko sabay talikod ng makita ko ang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. At iniwanan ko na s'yang mag-isa sa rooftop.


🐻🐻🐻


Matapos ang nangyari ay dumiretso ako sa parking lot dala ang bouquet of flowers na binili ko bilang peace offering kay Izee.

Napag-isip-isip kong hindi naman yata mabuti kung papalalain pa namin 'to at sa kabilang banda, kami na nga lang ang magkasama sa bahay, tapos magkaaway pa kami. Ito rin ang dahilan kung bakit ko tinapos ang namamagitan sa amin ni Chelsea.

Sumandal ako sa kotse ko habang naghihintay sa kanya. Pabalik-balik ang tingin ko sa relo at bouquet.

Ilang saglit lang ay dumating na si Izee pero may kasama s'ya, si Chavez.

Nagmadali akong pumasok sa loob ng aking kotse at mula doon ay sinubaybayan ko sila.

Magkahawak kamay sila habang naglalakad palapit sa sasakyan ni Jaydee. Nang marating nila ang kinalalagyan ng kotse nito ay isinandal ng lalaki si Izee sa kotse at napakuyom ang aking kamao ng makita kong hinalikan nya sa pisngi ang asawa ko.

Agad kong pinaharurot ang aking sasakyan paalis. Oras na pagkauwi ko ay itinapon ko ang bouquet sa basurahan at kinuha ang lahat ng alcoholic beverages na nakita ko sa ref. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak dahil sa nararamdaman ko ngayon. Ngayon lang ulit ako nasaktan ng ganito mula nang mamatay ang mommy ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Tiningnan ko ang gallery nito kung saan puro larawan ni Izee ang laman.

"Bakit, Izee? Bakit napakawala mong pakiramdam? Hindi mo ba alam na simula noon pang mga bata tayo, mahal na kita? Ginawa ko na ang lahat para mapansin mo 'ko, pero bakit gan'to? Ganyan ka na ba kamanhid, ha?" Napasubsob ako sa mesa at sinubukan kong pigilan ang pagkawala ng mga luha buhat sa mga mata ko.

BETTER HALFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon