CHAPTER 4

15 2 0
                                    

CHAPTER 4

"Hey, are you alone?"

Napalingon ako sa nagsalita at tumambad sa akin ang isang babaeng kulot ang buhok, may mapungay na mga mata, matangos ang ilong at mapula ang labi.

Umupo ito sa bakanteng stool sa tabi ko. Kasalukuyan akong nasa isang bar ngayon upang mag-inom.

"Yeah," sabi ko sabay ngiti sa kanya. Nilaklak ko ang alak na laman ng shot glass hanggang sa maubos ito. Gumuhit ang mainit at mapait na likido sa aking lalamunan diretso sa sikmura ko.

"So, would you mind if I join you? By the way, let me buy you another drink." At kumindat pa ito sa akin. Sumenyas s'ya sa bartender na nasa harap namin at agad naman itong lumapit.

"No, miss huwag na—"

"Serpentine. Call me, Serpentine." pagwawasto nito.

"Serpentine, h'wag na. I can buy myself a drink," sabi ko.

"No. I insist. Mr. Bartender, give us an order of Florida Sunshine mix and a whiskey, please?" utos niya. Umalis ang bartender at sinimulang ihanda ang aming inumin.

Napatitig ako sa babaeng katabi ko. Kung titingnan ang kanyang itsura, mukhang mas matanda lang s'ya ng ilang taon sa akin pero hindi maipagkakailang kaakit-akit s'ya. May maganda s'yang mukha ngunit mas nakakatawag atensyon ang perpekto n'yang katawan lalo na ang malulusog n'yang dibdib na halos kumawala na sa suot n'yang fitted na damit na medyo may kaluwangan ang harapan.

Umiling-iling ako. Mali itong naiisip at pinaggagagawa ko.

"Hey, are you checking me out?" Bago ko pa namalayan ay nakalapit na pala ang mukha ni Serpentine sa akin.

Ikinurap-kurap pa nito ang mahahaba at nakalantik niyang pilik mata. Nakaramdam ako ng temptasyon at pinilit kong isantabi ito. Pero bigla na lang sumagi sa isipan ko ang namamagitan kina Izee at Jaydee na sa aking palagay, ay mas lumalalim pa ngayon. Siguro panahon na para gumanti ako... Maybe it's the time to re-unleash my inner casanova side...

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga n'ya at saka nagsalita.

"No, I'm staring at a goddess. An epitome of Venus who's now in front of me. You're so gorgeous, Serpentine." Idinistansya ko ang aking mukha upang makita ang reaksyon nya. Napangiti naman ako ng masaksihan kong namula s'ya dahil sa mga sinabi ko.

Napatingin s'ya sa akin at mas lalo s'yang namula nang magtagpo ang aming mga mata. Napahawak s'ya sa kanyang pisngi. Humarap si Serpentine sa akin at muling nagsimulang magtanong.

"By the way, you are?"

"Steven," sagot ko.

"What a coincidence! Parehas pang S ang initial letter ng mga pangalan natin," sabi n'ya.

Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay dumating ang bartender at inilapag ang aming mga inumin sa aming harapan.

"Here are your drinks."

Ibinigay ni Serpentine ang bayad at bumalik na ang bartender sa kanyang pag-aasikaso sa ibang order.

Kinuha ng babae ang inumin at saka s'ya ngumiti sa akin.

"Cheers?" At iniangat nito ang baso n'ya. Pinagtama ko naman ang labi ng aming mga shot glass at saka ininom ang whiskey na laman nito.

"Hindi ka club goer, 'no? Ngayon pa lang kasi kita nakita dito," saad niya.

"Actually, yes. But I used to go here back then when I was in high school. Ngayon na lang ulit ako napunta dito," pagsasalaysay ko.

Tumango-tango s'ya at saka inubos ang in-order n'yang Florida Sunshine.

BETTER HALFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon