Kabanata 01

428 12 4
                                    

I'm preparing my camera nearby the runway. I had the opportunity to stay close to the runway for taking a photos. Kaya ko pang magpanggap na magaling ako sa larangan na ito para lang maging matagumpay ang plano namin.

Maya't maya rin ang paghawak ko sa aking taenga na may nakakabit na earpiece para makakuha ng impormasyon galing sa mga kagrupo ko na siyang nagsasabi ng mga direktiba sa dapat kong gawin.

I'm Pietro Guilleno and I am a con artist. I'm wearing a black polo shirt at maingat sa bawat galaw.

"Hindi pa ba nagsisimula?" tanong ni Wealthrone sa kabila. Hinawakan ko ang aking taenga para makasagot sa kanya.

"Hindi pa." sabay tingin sa pambisig kong relo.

Si Wealthrone Huang naman ang nakatuka sa kompyuter. All the things that are related to cyber security siya ang gumagawa. Galing siya ng China at kalaunan ay naging pusong Pinoy na rin at natutong managalog.

"Okay! After the show pumunta ka kaagad sa after party at kailangan mo kaagad na makalapit kay Brenda." ani Wealthrone.

"Okay sige. Magsisimula na ata." at hindi na muling nagsalita si Wealthrone.

Biglang nagdilim ang buong paligid. Unti–unting umilaw ang screen at lumabas ang mukha ng designer na si Brenda at ang pangalan nito, kasama ang mga gawa niyang damit. Maya't maya pa ay isa–isa nang nagsilabasan ang mga modelo.

Palihim kong tinitignan ang mga galaw ng mga tao. Sinisiguro kong walang makakahadlang sa plano namin ngayong gabi. 

Muli akong napabaling sa matrabahong entablado. One beautiful and sexy model caught my attention. Kakalabas pa lang niya nang makita ko siya. Kaagad akong naging interesado sa kanya. I can't help but to look at her every single walk she made.

Natigilan lang ako ng magsalita si Blaine sa nakakabit na air piece sa aking taenga.

"Matagal pa ba?" tanong nito. Kasama rin namin siya sa grupo. Bali tatlo kaming ganito ang ginagawa.

"Kakasimula pa lang."

"Ang tagal naman." reklamo nito. Palibhasa naka–upo lang ito sa kotse at hinihintay ang paglabas ko dito.

"Matulog ka muna. Baka matagalan pa ako dito." hindi ako nakakaramdam nang bagot habang ginagawa ko ang parte ko sa plano na ito. Maliban sa perang pwede naming makuha kapag magtagumpay kami ay nalilibang rin ako sa mg modelong aking nakikita. Higit lalo ang kaninang umagaw ng aking atensiyon. I don't really remembered her face pero kapag makita ko ito paniguradong matatandaan ko.

Isa–isang nagsilabasan ang mga modelong babaeng at lalaki. Palalim na ang gabi at mukhang patapos na ang show. Nagpalakpakan ang mga tao nang makita nilang lumabas si Brenda at naglakad ito sa runaway habang may kasabay na dalawang modelong babae. Hudyat na tapos na ang show.

Inayos ko ang sarili ko bago tumuloy sa after party. Nailigpit ko na rin ang mga camera ko at handang handa nang simulan ang totoong plano.

"Hey David." pagtawag sa akin ni Brenda habang papalapit ako sa pwesto nila. Kausap niya ang isang bakla rin ata.

I introduced myself to Brenda as David Vidal. Bawat trabaho ko ay kailangan kong gumawa ng bagong pangalan para sa seguridad. 

Kiss For Me | Los EstafaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon