Bulag, Pipi, Bingi (His)

3 1 0
                                        



By Chiiineee

Bulag

Alam ko , ramdam ko

Lahat Ng pinapakita mo

Pero binalewala ko lahat Ng iyon

Iniwasan ka

Yon ang Alam Kong solusyon

Umaasang titigil ka na sa

iyong ilusyon

Na Hindi  tayo pede, may

Mahal na akong iba.

Kaibigan Kita, Tama na. 

Ayoko Ng saktan ka pa

Pero manhid ka ata. At eto

ako walang ginagawa

Hindi ako bulag. Ang totoo

alam ko. Nakikita ko

Pero magbubulag bulagan
ako.

Mata'y ipipikit

Inusal ang isang dasal

Na sana'y tumigil na

Ang lahat Ng nararanasan nating sakit








Pipi

Minsan Hindi ko

maintindihan

Ang iyong pananahimik

Na tila may pumipigil sayo

Na ilabas lahat Ng

nararamdaman mo

Naiinis ako sa iyo

Ilang beses Kong binalak

Na pagsalitaan ka Ng lahat

Ng maisip Kong masama

Pero sa tuwing napapatingin ako sa iyong mga Mata

At sa iyong maamong mukha

Nakikita ko ang sakit

At ang ngiting iyong pinipilit

Napapatanong ako "dapat mo ba talagang maranasan to?"

Ilang beses na bang nauumid ang aking mga dila?

Sa pagpupumilit na bigkasin ang mga salita

Na sa huli'y Hindi rin nailabas

Palagi na Lang  nagiging Pipi

Bingi

Nagawa ko na ding iparating sa iyo

Ang mga salitang matagal Ng kinikimkim

Ngunit nagpanggap Kang bingi

Nagpakita pa Ng pilit na ngit

Kasabay Ng paglandas Ng luhang

Iyong pinipilit na pigilan

Sa likod ng masayang musika

Akala mo ba'y di ko naririnig?

Ang iyong mga hikbing pilit mong pinatatahimik

Nasawa na Rin siguro ako sa aking pagpapanggap

At ninais na Lang

magpakatotoo sa lahat

Kaya Eto ako nasa gitna man

Ng masayang musika at ng lahat

Ay Hindi ko magawang makisaya

Kase pakiramdam ko ako ay nabingi na.....

Dapat sa simula pa Lang

gumawa na ako Ng paraan

Upang Hindi na tayo umabot Ng ganito

Parehas nagkasakitan

Hindi lang ikaw ang naging

bulag, Pipi at bingi

Maging ako mismo, naging katulad mo Rin

Patawad, pero Alam Kong

kahit ang aking paumanhin

Di na nito kaya pahupain

lahat Ng sakit

Mas makakabuti na siguro

Kung tayo'y magkalayo

At kung tayo' muling magtagpo

Sana ay Wala Ng sakit

Pagkakaibigan sana'y bumalik.

Just Another PoemWhere stories live. Discover now