Salitang walang laman

5 1 0
                                        


by Chiiineee

'Kulang ang mga letra
Sa paghabi ng mga salita
Para lang mailahad
tunay na nadarama'
Pwe! korni
mga gasgas na linya
gamit na gamit na
ngunit patok na patok pa
ayun, nakisabay ka pa
Bawat lingon ko sa madla
Nakita ko pinapalakpakan ka
Daig mo pa daw ang isang makata

Ngunit bakit letra pa?
Salita lang ba?
sa chat lang ba? sa text?
Nasan ang gawa?
ay mali! dapat pala
Nasan ka?
Nung panahong nahulog ako
Pero may sinalo kang iba

Sa tuwing nakakausap kita
Ngumingiti na lang ng kusa
Ang marupok kong labi... noon
Ngunit ngayon ito ay  naging ngiwi
sa tuwing naalala
mga korning batuhan ng linya
Bawat ginagawa natin, alam natin parehas
'mahal, kain ka na po'
'beh, ano gawa mo?'
'love, magluluto lang ako'
at dumating pa sa puntong
maging pagligo
ipinapaalam mo

'Mahal kita' sabi mo
kinilig at umasa naman si ako
Pero ang gago
chat to all' pala hobby mo
May pa ' I miss you miss you ka pa
Naseen ko lang ng ilang minuto
Ayun, nasa iba ka na

Sana naman ininform mo ako
Yung tipong "hey, may bago na nga pala ako"
o kaya ' sawa na ako sayo'
Hindi yung magugulat na lamang ako
Ilang araw, buwan tayong magka chat
Nandon na yung feelings
Tapos, bigla na lang nawala
Tas ilang linggo lang
'in a relationship' na status mo
So ano ako?
for the sake of entertainment mo?
Tapos balik na lang ulit pala tayo
sa "hi, kumusta na?"
Sorry, pero di na ako ngayon tanga.

Nakakalungkot lang
Napakadali na palang sabihin
Mga salitang may malalim na pakahulugan
Na dapat mula sa puso
Ngayon ay mula na lang sa nguso
Salitang dapat pinapahalagahan
Ngayo'y salitang walang laman
Dahil sa mga taong katulad mo
Hindi naman talaga alam ang tunay nitong kahulugan
Magaling lang sa salita
Hindi naman marunong panindigan

Just Another PoemWhere stories live. Discover now