( Her perspective )
Tatakpan ko ang aking mga Mata
Upang Hindi ko na Makita
Ang katotohanang nakatago
Sa likod Ng lahat Ng kasinungalingan
Patuloy na paniniwalaan
Pipikit na Lang, magkukunwari
Na ang lahat Ng Ito'y di totoo
Tama.
Panaginip Lang to.
Tama
Ang totoo'y ako ang Mahal mo
Hindi sya. Hindi kayo. Kundi tayo.
Patuloy pa rin sa larong ito
Sa pagbubulag-bulagan pagdating sayo.
Pipi
Mga salitang nagpupumilit kumawala
Mula sa aking bibig
Na tila may nais iparating
Nais isigaw tinatagong damdamin
Ngunit bakit di ko magawa?
Mga salitang tangi'ng hangin ang nakarinig
Mga salitang kahit anong
gawin ay di mo maririnig
Nakontento na Lang sa pananahimik
Pilit itinago Ng ngiti
lahat Ng hinanakit
Na minsan Hindi mo napansin
Siguro nga mas mabuti nang ganito
Mananatili na Lang Pipi
Para sa ikakabuti nyo...
Bingi
Ang musika'y patuloy na
nangingibabaw
Dinaig ang mga salitang nais mong sabihin
Tama.
Wala Naman talaga akong narinig.
Tama.
Sa gitna ng mga nagsasayahan
Sa gitna Ng malakas Ng musika
Magkukunwaring bingi, noong sinabi mong
Dapat na akong dumistansya sa iyo
Wala Naman akong naririnig
Sige... Magsaya pa tayo...
"Itigil mo na ito..."
Patuloy Lang sa pagsasaya
Pinilit na iniinda ang sakit
Ang mga luhang nais kumawala
Mula sa aking mga mata
Na kanina pa pinipigilan
"hanggang magkaibigan Lang talaga tayo."
Sumilay ang ngiti sa mga labi
Sumabay sa ritmo Ng musika Ng gabi
"'Ang ganda Ng kanta noh?
Teka? Anong sinabe mo?
Pasensya na, Hindi ko narinig
Ano nga ulet yon?"
Gugustuhing maging bingi na lamang
Para manatili ito
Para sa Kung anong meron tayo...
YOU ARE READING
Just Another Poem
PoetryA compilation of expression. Language : Filipino and English
