Tara sex!

1 1 0
                                    


Pssst.
Oy, wag ka ng lumingon sa iba
oo, ikaw nga
Gusto mo bang sumama sa akin
Sa biyaheng patungong langit
at paniguradong gugustuhin mo
Baka nga sa susunod
ulit- ulitin mo

Wag kang mag alala
Hindi to illegal
Pero ang sarap na mararanasan mo
yun ang legal at totoo
Tatanggalin lang natin Ang lamig sa ating katawan

Hawakan mo aking kamay
sabay nating lasapin ang init
Pawisan man ay wala na tayong pakialam
Sa paglapat ng mapupulang labi
ay ang paglabas ng mumunting ungol

psst, wag kang maingay!
Atin atin lang to
Sa isang madilim na sulok
Panatilihin ang sekreto
Naniniwala ka na?
Ang sarap di ba?
Isubo mo na
Yannnn, sige pa
Kainin mo lahat
Sasabayan kita

Lasapin bawat subo
Abutin natin ang rurok
Isusubo ko sa iyo
Kainin mo din ang sa akin
Namnamin bawat pasok...









Ng mapanuksong kutsara
na may lamang kanin
at sisig na kapareha
Oh? ayos ba?
Masarap di ba?
Tara sex!
Mainit-init na
Sisig Express

Just Another PoemWhere stories live. Discover now