08

48 21 17
                                    



Matapos ng ilang buwan ay nagimprove na ang grades ni Gab dahil sa tulong ko. Ako na ksi gumagawa ng mga assignments niya, ayos lng nman saakin para naman sknya ehh. Sa loob ng ilang buwan mas lalong naging busy si Gab pero ayos lng naiintindahan ko nman. Tinetext nman nya ako. Naghihinala na nga sknya si Ali ehh pero sabi ko busy lng siya. 


Ngayong araw pla na ito balak ko ng sagutin si Gab susunduin niya ako ngayon dahil may date daw kmi. Habang naghihintay ako ay may bumusina sa labas kaya agad akong tumayo dahil siguradong si Gab na iyon.


"Mommy! Aalis na po ako!" sigaw ko dahil nsa kusina siya. Inayos ko pa ang Dress na suot ko bago lumabas at nakita ko si Gab na nakasandal sa kotse nya at hinihintay ako.


"Gab" tawag ko sknya saka siya tumingin saakin


"Yan ang isusuot mo?"tanong niya saakin kaya tumango ako sknya. 


Ang suot ko ngayon ay black long sleeve dress na hanggang tuhod ko saka ako nagsuot ng mahabang medyas at itim na sapatos. Sobrang pinaghandaan ko ito dahil nga sa sasagutin ko na siya ngayon.


"Ayos ba?" tanong ko sknya habng pinupunasan ang salamin kong malabo at inayos ang ipit sa buhok ko.


"Ahh, Yeah You're beautiful" aniya saka umubo na tila nasusuka kaya nag-alala ako.


"Are you ok?" nag-aalalang tanong ko at lumapit sknya.


nagiwas pa siya ng tingin at inayos na ang pagkakatayo niya


  " Yeah, I'm fine nasamid lng ako" anito at pinagbuksan ako ng pinto kaya nagpasalamat ako. Habang nasa byahe kmi ay hindi mawala sa labi ko ang sobrang pagkakangiti dahil tiyak na matutuwa si Gab pag sinagot ko na siya. 


Maya-maya lang ay huminto na ang sasakyan kaya tumingin ako sa labas upang tignan at ganun nlng ang pagkagulat ko dahil nsa pinaka sikat na restuarant kmi ang Sky Deck View Bar alam kong napaka mahal dito kaya biglang nangilid ang luha ko dahil dinala ako dito ni Gab sobrang mahal niya tlga ako.


"Let's go" aya niya saakin kaya ngumiti ako sknya ng sobrang lapad.


Nang makapasok kmi ay agad kming sinalubong ng staff at inalalayan kmi papunta sa magiging table nmin. Panay ang tingin saakin ng mga tao kaya bigla akong nahiya. Alam kong iisipin nila na hndi kmi bagay ni Gab dahil sobrang gwapo nito smantalang ako ito pangit na nerd pa pero sabi ni Gab maganda daw ako kaya dedma nlng sila.


"Ang Ganda dito" namamanghang sabi ko habang pinapalibot ang tingin sa paligid medyo papalubog na ang araw na kitang kita mo dto sa itas sobrang nakakamangha kaya hindi ako mag tataka kung bkit dinadayo ito.


Habang nililibang ko ang sarili ko kakatingin sa lugar naito ay hindi ko namalayan na dumating na pla ang pagkain nmin kung hndi pa nagsalita si Gab.


"Let's eat" gaya niya sa pagkain kaya sinimulan ko ng kumain. Habang kumakain kmi ay tahimik lng kmi kaya ako na unang nagsalita.

The Sweet Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon