Gaby's POV
Habang naglalakad ako papunta sa aking upuan, nagsimula na ang pakikiramay ng mga kaklase ko.
'Condolence Gaby,
'Oo nga, condolence'
'Condolence'
"Salamat" sambit ko.
Hindi nagtagal dumating nadin ang aming guro at nagsimula na ang klase. Hindi ako masyadong makafocus sa klase dahil may biglang pumasok sa isip ko. Yung sinabi sakin ni Pete nung wastong papaalis na ako sa bahay namin. Sino kaya ang gustong pumatay saken? Hindi nag tagal natapos na ang kaklase at lahat ay nagpuntahan na sa canteen.
"Gaby, tara na" aya sakin ni Aimy.
"Susunod ako mauna kana don"
"Osige sabi mo eh" at tuluyan na syang lumabas ng kwarto.
Mga ilang minuto at inayos ko na ang mga gamit ko. Pero may isang bagay ang pumukay ng atensyon ko. May isang papel- No, isang sobre sa lamesa. Dahil sa kuryosidad ay pinuntahan ko iyon upang buksan at tignan ito.
'What is taken before you can get it?'
Huh? A riddle?
"Picture" sagot ko.
Nagulat ako ng may malaglag sa loob ng sobre, at dahan dahan iyong nalaglag sa lapag. Meron pa palang isang laman yon. Kinuha ko iyon at natulala sa aking nakita. Picture ko to ah, picture ko to nung nasa tapat ako ng kwarto kung saan pinatay ang mga magulang ko. Hindi ako nagkakamali na flash nga iyon ng isang camera.
'Sino kaba talaga'
Inayos ko yung sulat at ibinalik ko sa sobre pati na yung litrato. Itinabi ko ito sa bag at umalis na. Pero bakit ganun? Ganun na ganun yung sulat ni Aimy. Si Aimy kaya yung taong gustong pumatay saken? Pero baket? At kung si Aimy yon dapat pinatay na nya ako dahil magkasama lang kame sa iisang bubong. Sa dami ng iniisip ko ay may nabunggo na akong tao.
"Ay pasensya na po"
"Mukang madami kang iniisip ah? Ayos lang yon, ako din may kasalanan hindi rin ako nakatingin sa dinadaanan ko-" sabi nya habang nagkakamot ulo.
"-ah btw I'm Zeus" dagdag nya.
"Gaby, and Zeus? Like God of Thunder? Maybe your parent loves Greek Mythology. Kaya yan ang ipinangalan sayo"
"I don't know, maybe? Saka i think maganda ka maging model sa mga photoshoot ko"
Tila ba nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil don. Naalala ko yung sobre na may laman ng picture. At letter na sulat kamay ni Aimy. Naguguluhan nako kung ano ano na pumapasok sa isip ko. At nakakasigurado akong isa sa mga nakakahalubilo kong tao ay ang taong gustong pumatay sakin.
"Nice to meet you, Gaby. Mauna nako sayo" sabi nya habang tumakbo papalayo.
Habang papunta na ako sa canteen nakita ko si Aimy sa hindi kalayuan na naka ngisi. Alam ko na mangyayare neto. Pero hindi parin maalis sa isip ko na baka si Aimy nga ang nagsulat ng yon. Isasantabi ko nalang muna iyon dahil wala pa naman akong pruweba na sya nga ang nagsulat non.
"Ehem...at sino naman yung lalake na yon? Ikaw ha may tinatago kadin palang landi" sabi nya sabay hampas sa braso ko.
'What the f...?'
"Wag moko igaya sayo" at umupo na ng upuan sa canteen.
"Aray ha. Hindi ako malandi"
Kung ano anong bagay kinekwento sakin ni Aimy. Pero isang pumapasok sa isip ko, baket simula ng pinatay mga magulang ko saka ako may na eencounter na ibang tao. Coincidence lang ba lahat ng ito o hindi. Si Pete na biglang sumulpot sa bahay namen at si Zeus na nasa Photography Club. Kailangan ko agad malaman kung sino yung nagbigay ng sobre bago nya ako maunahan.
BINABASA MO ANG
Room 178 [Completed]
Mystery / ThrillerCan Gaby find out who is behind of this madness? Written by: -Whomightbe- Start: April 20, 2020 End: May 02, 2020