Chapter 10

807 22 1
                                    

Gaby's POV

Makalipas ang isang linggo, madaming nangyare at tila ba wala pang ginagawang hakbang ang tao na gustong pumatay saakin. Nandito kame ngayon sa gym dahil may announcement tungkol sa field trip bukas. Ay pinatawag ang lahat ng estudyante.

"Okay, so field trip naten ay tomorrow at ang destination naten ay ang Forest Lake, mananatili kayo doon ng mahigit 3 araw. Walang kahit anong gadyet cellphone, laptop etc. just the beauty of nature" Sabi ng Dean.

Biglang umingay sa loob ng gym dahil sa pagka dismaya ng mga estudyante.

"Okay sige, dahil halatang ayaw nyo ng wala kayong gadyet. Pwede na kaso doon lang sa loob ng cabin basta bawal sa labas or kapag may activity maliwanag ba?" Pahabol nya.

"Opooooooooooo" sabay sabay na sagot ng mga estudyante.

Hindi magkamayaw ang mga estudyante sa tuwa agad nilang pinagpaplanuhan ang ganap bukas. Yung iba ay nag uusap usap sa dadalin nila. Yung iba naman ay nag uusap usap kung ano yung mga dapat nilang bilhin.

"Eh tayo ba anong plano naten?" dinig kong sabi ni Zeus sa likod ko.

"Uhm...Zeus pakasal na kayo ako ninang" natatawang sabat ni Aimy at tumawa naman si Zeus.

'Putanginang babae to'

"Babalik nalang ako sa dorm at mag aayos ng gamit ko para bukas" sabi ko habang naglakad na sa direksyon kung saan ang dorm namen.

"Hoy wala ka manglang bibilin na pagkain? Mga kailangan sa camping? Tent, flashlight etc.?" Tanong ni Aimy habang sinusundan ako.

"Oo nga" sang ayon ni Zeus.

"Haaaaaaays, oo na" sabi ko at tuwang tuwa naman si Aimy at niyakap ako.

Talagang pinagtutulungan nyokong dalawa. Haaaaaaays dahil wala choice eto kame ngayon sa Mall. Bumibili ng kailangan para sa camping. Maya maya ay naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Btw may bago nakong phone bigay sakin ni Aimy nung araw na kakalipat ko palang sa dorm. Sinabi ko kase sakanya na nalaglag ko yung phone nung tumawag saakin papa nya.

"Hello po? Chief." sagot ko, medyo nagpahuli ako ng lakad ng hindi nila madinig na may kausap ako.

"Hello Gaby? Sorry Gaby, hindi ko nalutas kaso ng mga magulang mo. Sabi ng boss namin na bitawan na yung kaso dahil hindi manlang makahanap ng clue. Saka madami nadin kaseng ibang kaso na natambak dahil nakatuon lang ako sa kaso ng mga magulang mo"

"Ayos lang po yon Chief. Ayos napo yung ginawa nyo saken ni Aimy. Masaya napo ako dun" sagot ko.

"Gusto ko talaga masolve kaso ng tatay mo, kase naging matalik ko syang kaibigan. At lagi nya akong tinutulungan, kaya ang kapalit non ay ang alagaan ka at isulba ang kaso nya pero nabigo ako. Nabigo ako isulba, kaya pasensya kana Gaby" dinig ko ang panginginig sa boses ni Chief.

"Ayos lang yon chief, alam ko pong ginawa nyo ang best nyo. Saka paano na nga po pala yung bahay namen?"

"Pwede kana ulet dun tumira, inayos na namen ang lahat. At saka sayo nadin nakapangalan ang lahat ng yaman ng pamilya mo, dahil ikaw lang naman ang nag iisa nilang anak."

"Chief, pwede ko ba isama si Aimy sa bahay wala po kase akong kasama don eh. Para hindi nadin po kayo nag babayad ng upa ni Aimy sa dorm" sabi ko habang nakatingin sa likod Aimy.

"Ay nako, eh nakakahiya naman"

"Ayos lang po yin Chief, payag na kayo"

"Osige payag nako, ayain mo nalang si Aimy"

"Yes salamat po Chief"

"Salamat din Gaby, at pasensya na. Sige na tinatawag nako ng boss namen, para sa panibagong kaso. Ingat kayo sa field trip bukas" sabi nya.

"Ayos lang yon Chief, maraming salamat din po" at pinatay na nya ang tawag.

Pwede na ulet ako tumira sa bahay kaso ako nga lang magisa, saka nasa akin nadin lahat ng yaman ng magulang ko. Saan ko naman gagamitin lahat ng yon. Kung dun ko nalang din patirahin si Aimy para hindi na sya nag babayad ng upa sa dorm. Para may kasama ako.

"Aimy" tawag ko sakanya.

"Oh baket may problema ba?"

"Dun nalang tayo tumira samen, para wala kana babayaran na upa sa dorm. Pwede na daw ulet akong bumalik sa bahay"

"Nako po gusto ko sana pero ang tanong papayag ba?"

"Ano sa tingin mo?" ngumiti ako.

"Pumayag? Waaaaaa, magpaparty party tayo sa bahay nyo" sigaw ni Aimy.

Halos lahat ng tao sa mall ay tinignan sya. Puta nakakahiya. Agad na tumakbo si Aimy at sinundan namin sya ni Zeus. Aba hindi nag sasalita parang hindi namin kasama.

"Hayop nakakahiya yon" hinihingal na sabi ni Aimy.

"Ano Zeus sama ka?" Tanong ni Aimy.

"Saan?"

"Dun tayo kila Gaby titira" WTF?!

"Sige, pero ang tanong papayag ba?" sabi nya at tumingin saken.

'Shit'

So ayon wala na akong nagawa kung hindi ang sumang ayon. Tuwang tuwa ang Aimy, dahil titira daw kame sa mansion at kasama pa daw namen si Zeus. Bumili na kame ng mga kakailanganin namen para bukas. At may pakiramdam ako na may hindi magandang mangyayare bukas.

Room 178 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon