Gaby's POV
Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nakita ko ang mga magulang ko na buhay na buhay at ang kwintas na may disenyo na kidlat. Papunta ako ngayon ng library upang makapag isip isip ng mabuti at walang gagambala saakin. Ibinigay ko sa librarian ang library card ko. Pumunta ako sa pinakadulo at sulok na upuan para wala masyadong gumambala saakin. Kinuha ko sa bulsa ang kwintas.
"Nakakasigurado nako na ikaw ang taong gustong pumatay saakin" sabi ko habang tinitignan ang kwintas.
"Uy Gaby, nandito ka pala. Pwede maki join sayo?"
'Speaking of-'
Tumango lang ako. Masaya syang nakatingin sakin habang ako pinagmamasdan lang yung mukha niya. Wala na akong balak tanungin sya dahil buo na sa loob ko na sya nga yung nag papadala sakin ng kung ano ano. At tugma naman lahat yon. Sa dulo ng hallway sa bahay kung saan nakita ko ang kwintas. At camera dahil sya ay nasa photography club. Pero ang nakakapagtaka padin ay yung sulat. Ahhhhhhhhh bastaaaaaaa.
"Zeus? Pwede bang samahan moko?" nagtataka syang tumingin sakin.
"Saan naman? Sa dorm maliligo lang ako ang init eh"
"Sa dorm?" nauutal na sabi nya.
Ang galing mo din mag panggap ah. Tignan naten kung makapag panggap kapa mamaya. Uunahan na kita bago mo pa ako maunahan. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at dali dali syang hinitak papunta sa librarian para kunin ang library card at umalis.
"Nandito na tayo" masayang sambit ko.
"Diba bawal dito ang lalaki? Kase puro babae mga nandito?"
"Eh baket ba bisita kita, saka wala namang tao. Tara na" at hinatak sya papasok sa loob.
Agad kong tinanggal ang polo shirt ko at sando na panloob saka isinunod ang mini skirt ko at stocking. Kaya ngayon bra at panty nalang ang natira sakin. At humarap ako kay Zeus. Kita ko sa mata nya ang pagkagulat.
'Huh'
Zeus's POV
*Gulp*
"Dyan ka muna sa sala at manood ka muna habang hinihintay moko"
"S-sige sige" nauutal sa sambit ko. At pumasok na sya sa loob ng banyo.
Hindi agad pumasok sa isip ko ang mga nangyare dahil sobrang bilis. Bumalik na ako sa huwisyo, nagsimula akong maglakad lakad upang libutin ang lugar na tinitirahan niya. Mga ilang minutong paglilibot ay nagsalamin muna ako. Naistatwa ako ng makita ko sa salamin na nasa likod ko si Gaby na nakabalot ng tiwalya at may hawak na kutsilyo. Akmang sasaksakin na nya ako ay agad akong umiwas.
"Wtf Gaby!!!" sigaw ko.
"Alam ko Zeus! Alam kong ikaw lahat ng may pakana lahat ng yon!" At sinugod na naman nya ako akmang tatamaan na ako sa puso.
'Shit hindi ako makakaiwas'
Ginamit ko ang kanang kamay ko pang depensa. Argggghhh fuck! Tumagos ang talim ng kutsilyo sa kamay ko. Fuck! Fuck! Fuck! Pinipilit nya padin na gustong ibaon sa puso ko ang kutsilyo. Napahiga na ako dahil palalim ng palalim ang baon ng kutsilyo. Agad ko syang sinipa sa sikmura dahilan para matumba ito.
"Look Gaby, hindi ko alam yang mga sinasabi mo" mahinahong sagot ko habang nakahawak sa butas kong kamay.
"Then explain this" tinaas nya yung kamay nya at ipinakita ang kwintas.
Nagtaka ako kung bakit napunta sakanya ang kwintas na iyon. Matagal ko na hinahanap yung kwintas na yon. Nasa loob ng locker ko yung kwintas na yon. Tapos nawala at ngayon hawak ni Gaby na para bang may pinaghihinalaan sya na hindi ko naman ginawa.
"Look, Nasa akin pa yan nasa loob ng locker ko yan bago yung araw na nagkaroon ng pugot na ulo sa loob ng locker mo okay? Matagal kong hinahanap yan kase espesyal yan saken bigay sakin yan ng matalik kong kaibigan. Saka pano napunta sayo yan?" Tanong ko.
Baka maubusan ako ng dugo. Agad kong pumunit ng piraso ng tela sa damit ko at ipinalupot sa kamay ko at ibinuhol gamit ang kanang kamay at bibig ko. Argggghh putanginaaaaaaaaa. Naiiyak na ako sa sobrang sakit. Tumingin ako kay Gaby na nakatingin saakin. Medyo kumalma na sya.
"S-sorry, s-s-sorry" nauutal na sabi nya.
At hindi nagtagal ay pumatak na ang mga luha nito. Binitawan na nya ang kutsilyo na puno ng dugo. Tumayo na ako sa pagkakahiga at agad na lumabas sa kwarto na iyon. At iniwan sya ng walang manlang akong sinabi.
BINABASA MO ANG
Room 178 [Completed]
Misterio / SuspensoCan Gaby find out who is behind of this madness? Written by: -Whomightbe- Start: April 20, 2020 End: May 02, 2020