Gaby's POV
Naglalakad kame ngayon papunta sa camp site ng Forest Lake, may kasama kameng mga tour guide para hindi kami maligaw sa lugar. Napagusapan din ang history ng lugar na ito at ang mga hayop na nakatira sa lugar na ito.
"Papagod nako" sabi ni Aimy.
"Aimy konting tiis nalang malapit na tayo" sabi ng isa naming guro.
Kumuha ako ng bottled water sa bag ko at binigay yon kay Aimy, nakita ko ang kislap sa mga mata nya sa sobrang tuwa.
"Life saver ka talaga Gaby" sabi nya with matching iyak iyak pa.
Mga ilang oras na paglalakad ay narating nadin namin ang camp site. Agad nagsi upuan ang mga estudyante dahil sa sobrang pagod ng mga ito. Naupo ako sa ilalim ng puno para hindi masyado mainit, at nakita kong papunta si Zeus sa kinaroroonan ko.
"Alam kong wala kanang tubig dahil binigay mo kay Aimy" sabi nya sabay abot ng tubig.
"Salamat" sabi ko sabay ngiti.
Hindi ko alam kung bakit ilang parin ako kay Zeus. Hindi ko ineexpect na ma iinlove ako sakanya, tapos akala ko pa naman sya yung gustong pumatay saakin.
'nakakatawa'
"Oh baket ka tumatawa mag isa? Baliw kana ba?" tanong nya.
"Hindi no" natatawang sabi ko at itinulak sya.
"Ahhh ganon?" natatawang sambit nya.
"I love you" sabi ko.
"I love you too, Gaby" sabi nya akmang hahalikan nya ako ng madinig ko boses ni Aimy.
"HEEEEEEEEEEEEEP, BAWAL YAN! PUBLIC PLACE PO ITO!" sigaw nya at nagtawanan ang iba naming mga kasama.
At pati kami ay natawa nadin. Tumayo na sya at inaabot ang kamay nya. Kinuha ko iyon at tumayo nadin, kinuha na namin ang gamit namin at nagsimula ng ikabit ang mga tent namin.
"Waaaaaaa, ang ganda naman ng tent mo Zeus at ang laki" dinig kong sabi ni Aimy.
Napalingon naman ako kung saan naroroon si Zeus. Malaki nga yung tent nya pero akalain mo yun marunong pala sya magkabi ng tent ako kase hindi. Kaya eto hirap ako mag ayos.
"Kailangan mo ng tulong?" dinig kong tanong ni Zeus.
"Yes please" natatawang sabi ko.
Nagsimula na nya ayusin yung tent ko. At ngayon naman ay kukuha ng mga pang gatong para sa camp fire mamaya. Nagtulong tulong ang mga estudyante sa pagkuha ng mga kahoy para sa bonfire mamaya.
"Mag ingat ka" sabi saken ni Zeus at hinalikan ako sa noo.
"Opo" sabi ko at naglakad na para maghanap ng kahoy.
Zeus's POV
Tangina. Sumapit na ang gabi ngunit hindi parin dito nakakabalik sa Gaby, halos lahat naman ng babae namin na kasama ay kumpleto sya lang talaga ang nawawala. Sobrang nag aalala nako. Tinignan ko si Aimy at kitang kita sa mukha nya ang pag aalala.
"Tawagan mo kaya?" sabi ni Ken.
"Sige wait"
Agad kong kinuha phone ko at idinial number ni Gaby.
"Fuck! Cannot be reached" sabi ko.
"Tara hanapin na natin" sabi ni Ken.
"Pano? Hindi pa nga nalalaman ng lahat na nawawala si Gaby diba?" tanong ko.
"Oo nga mabuting hanapin natin, baka kung mapano na yon" sang ayon ni Aimy.
Agad kameng pumunta nila Ken at Aimy sa kakahuyan. Gamit namin ang mga cellphone namin pang flashlight alam namin na bawal pero mas okay na dinala namin.
"Gaby! Gaby!" Sigaw ko at ni Aimy.
Nakakatakot sa loob ng gubat lalo na kung gabi. Madidinig mo ang ibat ibang uri ng kaluskos at huni ng mga hayop. Maya maya ay may natapakan ako na matigas.
"Argggghh putangina ayon yon?! Fuck!" daing ko.
Agad akong nilapitan ni Ken at Aimy, inilawan nila kung anong bagay yung natapakan ko. Putangina namamalipit sa sakit yung paa ko.
"Bear trap ba yan?" nauutal na sabi ni Aimy.
Napansin ko ang dahan dahang pag tayo ni Ken. At bigla nyang tinakpan ng puting panyo ang bibig ni Aimy, napansin kong dahan dahang nanghihina ang buong katawan ni Aimy hanggang sa mawalan ito ng malay.
"Putangina mo! Anong ginawa mo?!" galit na sabi ko kay Ken.
"Sorry dre, business is business" sabi nya at sinuntok ako dahilan para mawalan ako ng malay.
Gaby's POV
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Shit nahihilo ako, naramdaman kong may nakalagay sa mga pulso ko at sa mga binti ko. Hindi nag tagal ay nawala na ang pagkahilo ko.
'Nasan ako bakit ako nakagapos sa upuan'
Tumingin ako sa paligid ko. Gubat padin kame pero sure ako na napakalayo nito kung saan ang camping site, pinilit ko na magpumiglas na baka sakaling matanggal ko pagkakagapos saakin. Eto naba yung araw na ikinakatakot ko? Napansin kong may dalawang upuan sa harap ko at kada upuan ay mayroong tao na nakasako ang ulo.
"Well gising na ang ating munting, Doña. Hintayin nalang natin magising ang dalawa at magsisimula na ang palabas" Agad akong napalingon kung saan nanggagaling ang boses.
"Tulong! Tulong! Sigaw ko.
"Walang makakadinig sayo dahil malayo tayo sa kabihasnan" sabi nya.
"Lumabas ka magpakita ka" sigaw ko.
Mga ilang minuto ay bigla nalang nagpupumiglas yung dalawang tao sa harap ko. Lumabas ang taong pinakahihintay ko sa likod ng dilim, nagulat ako kung sino ang taong iyon.
"Pete?"
"Ow yes, cousin the one and only Pete" natatawang sambit nya.
Agad sya na lumapit sa dalawang tao na nasa harap ko at tinggal ang sako sa mga ulo nito. Nagulat ako kung sino ang mga taong nasa harap ko.
"Aimy?! Zeus?!" sigaw ko.
"At simulan na ang palabas" sabi ni Pete.
_______________________________________________________
A/n: Dyan nalang po muna HAHAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Room 178 [Completed]
Mystery / ThrillerCan Gaby find out who is behind of this madness? Written by: -Whomightbe- Start: April 20, 2020 End: May 02, 2020