Gaby's POV
Papunta ako ngayon sa locker room para kunin ang damit kong pang PE. Hindi ko kasama si Aimy, nakikipag chikahan na naman siguro yon sa mga kumare nya. Hindi nagtagal nakarating na ako sa locker room. Hindi masyadong madami ang tao. Wala pa naman ako sa mood mag PE ngayon pero kailangan pumasok dahil ma dodrop out ako konting konti nalang.
Sa hindi kalayuan napansin kong may kulay pula na nakasulat sa locker ko. Habang papalapit ng papalapit ay unti unti kong nababasa ang nakasulat dito.
'Want to see my little present for you? Just open your locker and you'll see'
Sino ba kase yung tao nato. Binuksan ko na ang locker ko at laking gulat ko sa nangyare sa loob ng locker ko. Napasigaw ako at halos nasakin ang atensyon lahat ng tao sa locker room. Nagsimula na ang ingay sa loob ng locker room. Habang ako hindi makagalaw at nanginginig ang tubod ko sa sobrang takot dahil sa nakikita ko. Dahil sa hindi ko masikmura nasuka ako. I-isang pugot na ulo na puno ng saksak at puro hiwa ng kahit anong patalim. Umaalingasaw ang amoy nito sa loob kaya nagsilabasan ang lahat.
"Ano ba nangyayare dito?" dinig kong sabi ng isang lalake.
"A-ano mo may pugot na ulo po dun sa locker ng isang babae"
"Sige kame na bahala dito, magsibalik na kayo sa kanya kanyang klase"
"Tara na po maam kame na po ang bahala dito"
Napatingin ako sakanya. Sya yung guard dito sa loob ng skwelahan. Sumunod naman ako sakanya at pumunta sa labas. Pinaupo nya ako at sinamahan. Sobrang takot na takot ako, hindi ko masagot lahat ng itinatanong nya saakin. Paulit ulit nag rereplay sa isip ko yung pugot na ulo.
"Maiwan na kita. Tatanungin ka nalang namin kapag medyo okay kana" tumayo na sya at umalis.
Someone's POV
Pinagmamasdan ko ngayon sya habang nakaupo at tila ba windang na windang sa nangyare. Halata mo na takot na takot sya dahil sa panginginig ng buong katawan nya. Hindi ko magawang mapangiti dahil sa nakikita ko. Hindi lang yan ang matatanggap mo sisiguraduhin kong mababaliw ka sa mga susunod na mangyayare.
"Excuse me po, excuse me" napangiti ako dahil pamilyar yung boses na yon.
"Hi Aimy" bati ko.
"Ohhh ikaw pala HAHAHAHAHA Hello, puntahan ko lang kaibigan ko may nangyare na naman hindi maganda eh" nagnod ako.
*Evil grin*
Aimy's POV
Nagmamadali ngayon akong papunta sa locker room. Oo alam ko ang nangyare. Chismosa ako remember? Hindi ako makapaniwala sobrang natatakot na ako baka sa susunod sya na ang patayin ng tuluyan. Hindi nag tagal nakarating nadin ako sa locker room. Sobrang daming tao na nakikichismis kung ano nangyare. Nakita ko si Gaby na nakaupo medyo malayo sa locker room.
"Excuse me po, excuse me" tumabi kayo yung kaibigan ko kailangan ng tuloy nyeta.
"Hi Aimy" sabi ng pamilyar na boses.
"Ohhh ikaw pala HAHAHAHAHA Hello, puntahan ko lang kaibigan ko may nangyare na naman hindi maganda eh" nagnod sya.
Agad ako na pumunta sa kaibigan ko at umupo sa tabi nya. Kawawa naman tong babaeng to. Una mga magulang, pangalawa yung eto naman. Nako kung ako may buhay na ganyan baliw na siguro ako.
"Huy Gaby, wag kana matakot" sabi ko at agad na niyakap sya.
"Aimy? Gusto ko muna mapag isa" sabi nya.
"Eh ngayon mo ako mas kailangan. Tignan mo nga sarili mo, para kang ginahasa ng sampung kalalakihan"
"Please?"
"Osige basta mag iingat ka wa" at niyakap sya ng mahigpit.
'nginitian nya ko'
Haaaaaaays. Ano pa nga bang magagawa ko? Siguro nga mas mabuti na yon para mas makapag isip isip sya. Mabuting wag ko muna sya pakielaman. Sasabihin ko kay papa na tulungan nya si Gaby. Para wala ng susunod na mangyayare. Tumayo na ako at naglakad na papunta sa dorm.
Gaby's POV
Nandito ako ngayon sa dorm, nakahiga sa kama ko. Actually kaya ko lang naman sinabi kay Aimy na gusto kong mapagisa dahil ayoko syang madamay dito. Kase baka sa susunod sakanya naman may gawin, at ayokong may mangyareng masama sakanya. Mga ilang minuto biglang tumunog yung phone ko. Natawa ako ng makita ko kung sino iyon.
"Gaby, ilang araw ba yung gusto mo mapag isa?" Text nya.
"Ewan ko hindi ko alam" natatawa ako.
"Miss you na, may bago pa naman akong mga chika sayo :("
'Chismosa talaga'
"Basta hintayin mo nalang na ako ang pumansin sayo"
"Osige :(, nasa mall ako ngayon kasama ang aking mga alaga HAHAHAHAHA"
"Sige sige, enjoy"
Pinatay ko na ang phone ko. Kung sino ka man na nanggugulo ng buhay ko hahanapin kita uunahan muna kita bago kapa mandamay at may gawin sakin na masama. At ipinikita ko na ang mata ko para makapag pahinga sa mga nangyayare.
BINABASA MO ANG
Room 178 [Completed]
Mystery / ThrillerCan Gaby find out who is behind of this madness? Written by: -Whomightbe- Start: April 20, 2020 End: May 02, 2020