Gaby's POV
Nandito ako ngayon sa canteen mag isa. Kase nga dumidistansya muna ako kay Aimy dahil ayoko syang madamay. Tila ba walang kalakas lakas ang aking katawan kaya nakadukdok na lamang ako sa lamesa. Kaboring puta.
"Hi Gaby" dinig kong sambit ng pamilyar na boses.
Dahan dahan kong inangat ang ulo ko para makita kung sino ba ang tao na iyon. Si Zeus lang pala. Muli ko na ulit ibinalik ang ulo ko sa pagkakadukdok.
"Bakit di mo ata kasama ngayon si Aimy?"
'Huh? Pano nya nakilala si Aimy? Kailan nya pa kilala si Aimy?'
"Kilala mo pala si Aimy? San mo sya nakilala?"
Baket parang konektado ang lahat ng nangyayare ngayon. Isa kaya sa kanila ang may gustong pumatay saken o silang dalawa ang may gustong pumatay saken? Pero malabong gawin ni Aimy yon. Nakakapagtaka.
"Ahhhh nakilala ko sa dyan sa bahay na malaki na malapit dito sa skwelahan, sya nga yung napag tanungan ko kung ano ba nangyare at bakit sya umiiyak eh" sagot nya habang pinaglalaruan yung pagkain nya.
Teka, nandun sya nung araw na yon? Hindi kaya sya yung pumasok sa loob ng bahay at kumuha ng litrato? Pero kung sya nga yon edi kaharap ko ngayon yung taong gustong pumatay sakin. Pero hindi padin ako sure kung sya nga, kailangan ko talaga ng malakas na ebidensya. Siguro wag muna ako magpadalos dalos sa pagtatanong.
"Tapos sabi nya yung kaibigan daw nya pinatay yung mga magulang nya"
"Ahhhhhhhhh ganun ba? Sige salamat sa time medyo hindi nako nabored dahil may nakausap ako. Una nako sayo babalik na ako ng dorm wala nako klase" at tumayo na ako sa kinauupuan ko.
"Sige sige ingat ka"
Actually hindi talaga ako pupunta ng dorm dahil pupunta ako ngayon sa bahay namin. Ayoko pumunta ng maliwanag pa kaya dumaan muna ako sa isang convenience store para magpalipas ng oras. Kinuha ko ang phone ko para tignan ang oras.
'6:00 palang pala matagal na hintayan to'
Hindi sa kalayuan nakikita ko parin ang mga pulisya malapit sa bahay ko. Kaya dahil sa sobrang bagot ay naglaro muna ako ng mobile legends. Sobrang nanggigigil ako sa mga kakampi ko dahil napaka tatanga. Bakit ba hindi nalang ako dun nakampi sa mga kalaban jusq. Ilang oras na pag mml at pag iiscroll sa facebook ay dumating na ang oras. Nagsi alisan na ang mga pulisya.
'9:00 na tangina tatlong oras nasayang ko sa kakahintay'
Naglakad na ako sa tapat ng bahay namin na akala mo ay normal lang na tao na dadaan dito. Nang mapansin ko na wala ng mga tao agad ako na tumakbo at pumunta sa likod ng bahay. Argggghh i miss this place. Agad kong binuksan ang pinto, nagtaka ako kung baket hindi nakalock? Pero ayos nadin yon at nakapasok ako. Binuksan ko ang flash ng phone upang magmistulang ilaw ko.
'Ang lamig puta'
Hindi nagtagal nakadinig ako ng malakas na yabag ng paa. Kaya nagtago ako sa loob ng CR na malapit na kwarto kung saan pinatay ang mga magulang ko. Pinatay ko ang flash ng phone ko. Akala ko ay nagsi alisan na lahat ng pulisya yun pala ay meron pang natitira. Sumilip ako sa pinto ng CR para malaman kung sino yung tao na yon. At hindi ako makapaniwala sa nakita ko, buhay ang mga magulang ko. Nanigas ang buong katawan ko hindi ko maigalaw maski ang mata ko.
'P-pano? Pano pa silang buhay?
'P-patay na dapat sila, kitang kita ng dalawang mata ko-'
'-na walang mabubuhay sa ganung kondisyon'
Pinanood ko lang sila na naglalakad sa hallway hanggang sa lumiko na sila. Dahil sa kuryosidad ay sinundan ko sila, saktong pagliko ko kung saan sila dumaan ay wala na ang mga ito. Ang bilis naman nila nawala. Isang kumikinang na bagay sa sahig ang nakapukaw ang atensyon ko. Agad ko iyon na kinuha at pinagmasdan.
'Isang necklace na ang disenyo ay kidlat'
Agad na pumasok sa isip ko ay si Zeus. Neto na ang sagot sa tanong ko. Si Zeus nga ang taong gustong pumatay saakin. At bago pa sya may gawin saakin uunahan ko na sya. Nagmadali akong lumabas ng bahay dahil gutom na gutom na ako at hindi pako kumakain ng hapunan. Sana may tinirang pagkain sakin si Aimy.
BINABASA MO ANG
Room 178 [Completed]
Mystery / ThrillerCan Gaby find out who is behind of this madness? Written by: -Whomightbe- Start: April 20, 2020 End: May 02, 2020