Someone's POV
*Click*
"That's what you get Gaby" habang nakatingin sa litrato nya at naglakad na ako palayo.
"Ikaw na ang susunod"
*evil grin*
Gaby's POV
Ano yon? Flash ba yon ng camera? Mabilis akong tumakbo papunta sa dulo ng hallway. Dinig ko ang pagtawag saakin ni Chief. Lorenzo ngunit hindi ko sya pinakinggan. Nang makapunta na ako sa dulo ng hallway at wala naman akong nakita na tao. Sigurado ako. Sigurado akong sya yon. Sya talaga yon.
"Gaby, bakit ka ba bigla biglang tumatakbo? May nakita kaba?"
"Wala Chief. Akala ko may tao dun sa dulo ng hallway" sagot ko.
"Siguro, mag dorm ka muna sa loob ng skwelahan mo. Wag ka mag alala sasabihin ko kay Aimy na samahan ka, habang nag iimbestiga kame sa nangyare dito. At pwede ka namang bumisita dito dahil malapit lang yung skwelahan mo sa bahay nyo"
"Sige po Chief. Salamat po"
Nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto ko para kunin lahat ng gamit na dadalin ko. Hindi ko padin lubos na maisip na nawala na sila agad sa isang iglap. At yung kanina sa hallway, nasisiguradong tao yon na kumukuha ng litrato mula sa malayo. Sya kaya yon? Sya kaya yung pumatay sa mga magulang ko?
"Ano? Nakagayak naba lahat ng gamit na dadalin mo? Wala kana bang nakalimutan?" umiling ako.
"Tara na isabay na kita pauwi nadin naman ako ibababa nalang kita sa tapat ng skwelahan nyo, sya nga pala may bisita ka"
"Hello cousin, buti naman at ligtas ka. Sobrang nag aalala si mama sayo nung nalaman nya nangyare kila tito at tita. Okay kalang ba? Hindi ka ba nasugatan manlang?" sambit nya habang patuloy ang pagtingin sakin kung may sugat ba akong natama.
"Pete, b-baket ka nandito?"
"Syempre nag aalala ako para sa pinsan ko. Nakakatampo ka naman parang ayaw mo ata na nandito ako kung kailan mas kailangan na kailangan moko"
"Sige na mamaya na kayo mag usap. Gaby, tara na para maayos mo nadin yung mga gamit mo sa dorm" at naglakad na palabas si Chief. Lorenzo sa kwarto.
Nagmadali na akong mag ayos ng gamit at dali daling umalis. Bago pa man ako makalabas ng pintuan ay hinablot nya ang kamay ko, habang nakatingin saakin.
"Mag ingat ka ikaw na ang isusunod nya"
Binawi ko ang kamay ko at naglakad na palabas ng kwarto. Mag ingat ako? Kanino? Sino ang gustong pumatay saken? Baket? Anong kailangan nya?
"Gaby?"
"Gaby?"
"Gaby" sabay hawak sa balikat ko.
Bumalik ang diwa ko ng hawakan ako ni Chief. Lorenzo. Hindi ko parin matanggap yung mga nangyayare saken ngayon. Ni hindi ko alam kung paano magsisimula ulit. Na para ba akong mababaliw.
"Pasensya na Chief."
"Ayos lang yon, nandito na nga pala tayo sa tapat ng skwelahan mo. Nandyan lang sa tapat ng hallway si Aimy naghihintay." at binuksan nya ang pinto ng kotse.
"Salamat po ng marami Chief."
"Gawain talaga namin yong mga pulis, sige na mauna nako sayo at Gaby? Condolence" at sinarado na nya ang pinto at nagmamadaling umalis.
"Gaby, ayos kalang ba? Nasaktan kaba? Alam mo usap usapan ngayon sa school yung nangyare sa mga magulang mo. Condolence Gaby" malungkot niyang saad.
"Ayos lang ako, Aimy at salamat" masayang saad ko.
"Tara na punta na tayo sa dorm, samahan daw kita sabi ni papa"
Si Aimy nga pala. Anak ni Chief. Lorenzo. Matalik kong kaibigan simula nung bata palang kame. Parang ama nadin ang turung ko kay si Chief. Lorenzo. Kaya nag papasalamat ako na may tao pa akong makakasama at makakaintindi saakin.
BINABASA MO ANG
Room 178 [Completed]
Mystery / ThrillerCan Gaby find out who is behind of this madness? Written by: -Whomightbe- Start: April 20, 2020 End: May 02, 2020