Zeus's POV
Pilit pumapasok sa isip ko yung nangyare kahapon. Bakit naging ganun ka agresibo si Gaby. Parang hindi sya yung Gaby na kilala ko. Enough. Papunta ako ngayon sa canteen, at habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na hindi mapalingon sa classroom ni Gaby.
"Gaby San Jose" dinig kong sabi ng guro.
"Sir may sakit po" dinig kong sabi ng pamilyar na boses. Si Aimy.
May sakit? Eh kalakas lakas nga nun muntik na akong mapatay.
'Shit'
Biglang kumirot yung sugat ko sa kamay. Mga ilang minuto ay nakarating na ako sa canteen. Dahil wala naman kameng guro ay nanatili lang ako sa canteen hanggang mag recess. Mga ilang oras ay tumunog na ang bell at naglabasan na ang lahat ng mga estudyante para kumain. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Aimy.
"Aimy dito" tawag ko sakanya habang kumakaway.
Agad naman ako itong nakita ang nagmamadali na pumunta sakin.
"Uyyy Zeus, oh anong nangyare sa kamay mo?" nagtatakang sagot nya.
"Ahhhh eto? May nakaaway lang ako sa kanto samen. Eh may kutsilyo palang dala ang duwag ayon nahiwa ako pero bugbog parin sya saken kahit may kutsilyo sya" pag sisinungaling ko.
Mas mabuti na hindi malaman ni Aimy na si Gaby ang may gawa nito dahil matatakot lang ito sa kanyang kaibigan. Ang totoo nyan si Aimy talaga ang may dahilan kung bakit kame nagkakilala ni Gaby at hindi yon isang coincidence na bungguan dahil sadya yon. At alam ko din na si Gaby yung namatayan ng magulang na kaibigan ni Aimy.
~Flashback~
"Aimy, ano na nangyare sa kaibigan mo?" tanong ko.
"Ayon iniwan ko sa loob ng dorm, at sigurado ako na umiiyak na ngayon yon. Eh kung kaibiganin mo nalang kaibigan ko? O jowain mo na kung gusto mo"
Eh?
"Para hindi lang puro ako ang kasama nya sa buhay. Dapat may iba din HAHAHAHA. Ganito gawin mo ah diba bago ako umalis ng room aayain ko sya sa canteen tapos kapag pupunta na syang canteen. Bungguin mo" natatawang sambit nya.
"Hindi kaya magalit saken yon?" Tanong ko.
"Hindi yon kilala ko yon"
"Osige gagawin ko" tuwang tuwa sya na pumayag ako.
-Kinabukasan-
Nandito kame ngayon sa dulo ng hallway kung saan ang room ni Gaby at Aimy. Kasama ko sya ngayon at kitang kita ang saya sa mga mata nga. Baket ba kase pumayag ako eh. Wala nadin ako magagawa nandito na eh. Mga ilang minuto ay wala padin senyas si Aimy. Tagal naman non naiinip nako. Hindi nagtagal ay tinapik na ako ni Aimy at senyales na iyon na lumabas na si Gaby.
"Ayun yung babae na yon. Yung naka bag na black" turo nya.
Well maganda naman pala sya. Nagsimula na ako na maglakad papunta sa direksyon ni Gaby. Agad kong hinawakan cellphone ko at kunwaring binubutingting ito. Mga ilang minuto ay nagkabanggaan na kami.
"Ay pasensya na po" sabi nya.
"Mukang madami kang iniisip ah? Ayos lang yon, ako din may kasalanan hindi rin ako nakatingin sa dinadaanan ko-" sabi ko habang nagkakamot ulo."-ah btw I'm Zeus" dagdag ko.
"Gaby, and Zeus? Like God of Thunder? Maybe your parent loves Greek Mythology. Kaya yan ang ipinangalan sayo"
"I don't know, maybe? Saka i think maganda ka maging model sa mga photoshoot ko"
'wtf Zeus ano bang mga pinag sasabi mo!'
"Nice to meet you, Gaby. Mauna nako sayo" sabi ko habang tumakbo papalayo.
Puta ano yon? Bigla akong kinabahan. Babawi nalang ako sa susunod tae. Naging torpe ako dun ah.
Pero pwede na yon atleast nakuha ko pangalan nya kahit alam ko naman talaga. Para akong tanga na tumawa mag isa.'Gabi, huh'
-End of Flashback-
"Nako, nako, ayan away pa more. Wala ka naman napapala sa away na yan tignan mo nga nagkasugat ka pa" sabi nya habang nakaturo sa kamay ko.
"Hayaan na nangyare na eh" natatawang sambit ko.
"Tara na nga lang at kumain na tayo" aya nya.
Mas mabuting sakin nalang yung nangyare kahapon. At gusto kong linawin ang lahat kung bakit nya ginawa yon. At ayoko din na magkaroon sya ng problema sa skwelahan dahil alam kong madami na syang problema na iniisip. Gusto kong malaman ang lahat ng nangyayare sa kanya dahil simula nung unang kita ko sakanya tinamaan na agad ako sakanya. Yes i'm inlove with Gaby.
BINABASA MO ANG
Room 178 [Completed]
Mystery / ThrillerCan Gaby find out who is behind of this madness? Written by: -Whomightbe- Start: April 20, 2020 End: May 02, 2020