Chapter 3

14K 585 83
                                    

Chapter 3
Stefano

●●●

"Ma'am, hindi po ba kayo natatakot sa bodyguard niyo?"

Napatigil naman si Meghan sa paglalagay ng mga relief goods sa trunk ng Ford Ranger pick-up truck niya nang tinanong siya ni Annie. Kasama niya kasi ang dalawang yaya sa pagrerepack ng mga relief goods. Kaninang madaling araw, ibinalita sa kanya na nagkaroon ng malaking sunog sa isang slum area ng isang barangay na sakop ng syudad. She immediately instructed the barangay captain na gawin munang evacuation site ang city gym para sa mga biktima. Bukas magmemeeting siya kasama ang iba pang mga staff, councilors, pati na rin ang vice mayor para pag-usapan kung saan i-rerelocate ang mga tao.

This morning, bumili sila ng mga grocery items at nagrepack para gawing relief goods. She also asked some donations like clothes, blankets and towels for the fire victims. Marami-rami kasing tao ang nasalanta ng sunog.

"Bakit naman po, Ate?" She asked Annie and looked at her bodyguard, Lt. Velasco. Tumulong din ito kanina sa pagrepack at paglalagay ng mga relief goods sa sasakyan. It has been a week since she got discharged from the hospital. So far, kahit minsan ay masungit ito at naiinis siya dahil sa pagiging stiff nito, everything is okay.

"Kung alam mo lang, Ma'am. Minsan nakakatakot lalo na 'pag nagigising ako ng maaga para maghanda ng almusal, nililinis ko muna kasi yung veranda natin tapos iyang bodyguard niyo po, nakatayo lang diyan. Minsan, nakaputing poloshirt o kaya naman barong tagalog. Ma'am, alas-kwarto pa 'yan ng umaga! Wala pang liwanag. Sino pong hindi matatakot? Parang multo!"

Natawa naman siya sa sinabi nito. Meghan was still looking at her bodyguard while helping her other yaya, Remi in bringing the relief goods. Sabay pa ang dalawa na naglakad papunta sa kanila para ilagay ang mga ito sa trunk. After that, Lt. Velasco went back in getting more relief goods.

"Hoy, Remi!" Hinatak naman ng isang yaya niya si Remi na sasabayan sana ang bodyguard, "Singkwenta ka at nilalandi mo pa 'yang bodyguard ni Ma'am! Iyong edad niya, kalahati lang sayo!"

Meghan laughed again at her helper's banters.

"Kill-joy ka talaga, Annie! Minsan na nga lang tayo makalapit sa isang afam, kumokontra ka pa!"

"Hindi ko kasalanan kong pangit iyong asawa mo. Sinabihan na kita noon na mag-Amerikano ka pero hindi ka nakinig sa 'kin!"

"Kesa naman sayo, kwarenta-siyete na pero virgin pa rin!"

"Aba't siraulo itong matandang 'to! Iyong bodyguard, para lang kay Ma'am!"

"Mga Ate!" Meg was already laughing so hard because of the two. Napapahawak na lang siya sa tiyan niya habang tinatawanan ang mga ito. These two women has already been with her since she was a teenager. Kahit na lumipat na siya ng bahay at tumira ng mag-isa, pinaki-usapan niya ang mga magulang niya na isama pa rin ang mga ito sa kanya. Her two helpers have become her second family. Pati ang mga pamilya nito ay naging malapit na rin sa kanya.

Isinama rin niya ang dalawa sa city hall para tulungan siya sa parerepack ng mga relief goods.

"Huwag na kayong mag-away," She said instead and noticed Lt. Velasco was already done putting all the relief goods  on the trunk of the pick-up truck, "Tara na, aalis na tayo," She added, gesturing her two helpers to go inside first in the backseat of the pick-up. Nagtulakan pa ang dalawa bago pumasok.

She also walked towards the door of the passenger seat at the front. Before she could open its door, her bodyguard was the one who opened it. Napatigil naman siya sa ginawa nito at napatingin dito. As usual, his face expression was blank.

Danger and Poison (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon