14th
Agad na bumaba ang mga mata niya sa packbag na hawak ko na ngayon. Kumunot ang noo niya na nagtataka.
"Can I stay here?" Pinigilan kong pumiyok ang boses. Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko.
Nilakihan na niya ang bukas sa pinto. Nauna na akong naglakad papasok sa living room. I immediately saw his readings on the table. Hala nakaabla pa ata ako sa pagbabasa niya ng cases.
"Sorry to barge in," Ani ko at umiling siya.
"I'm about to finish," Sagot niya. Tahimik akong tumango at napaupo sa sofa. I deeply sighed as I remembered why I'm here.
Tumunog ang telepono ko kaya agad kong kinuha ito. My eyes widen when I saw Mama's name on the caller i.d. of the call.
"Darling?"
Nagtaka agad ako sa lambing ng boses niya. She was never gentle nor sweet to me. Tiningnan ko muli ang caller i.d. at baka kasi namalikmata lang ako sa nakita pero pangalan talaga ni Mama ang nakalagay.
"Po?" Sagot ko nung makabawi.
"Can you go to Albrecht Hotels? I reserved a table in their dine in," Ani muli niya sa malambing na boses.
Is this for real? Parang gusto kong maluha sa saya. My mother wants to eat out, she wants us to bond. Unbelievable! Kahit kailan ay hindi ito nangyari dahil ayaw niya nga sa akin.
Sino ba naman kasi ang magugustuhan ang anak ng asawa niya sa ibang babae?
Nalukot ang puso ko sa kaisipan na iyon. Tho I'm being optimistic about that fact. At least, she let me live with them. Binuksan niya ang pamamahay niya at tinanggap ako, kahit hindi niya ako tinuturing na anak. I can see and feel her silent hatred for me, iba kasi ang alaga niya sa mga Kuya ko.
"I'll be there po, Mama," Sagot ko agad, hindi mapigilan na marinig ang tuwa sa boses ko.
"Okay, take care," Sagot niya bago naputol ang linya.
"Is that your mother?"
I glance at Ria beside me. Hindi siya nakatingin sa akin at nakatutok sa phone nito.
Tumikhim ako. "Yes,"
Everyone knows that she's my birth mother even if it's not the truth. Kahit ang katotohanang iyon ay hindi ko masabi sa best friend ko dahil bawal ito ipagsabi sa iba. Gusto ko man pero magagalit ang pamilya ko kapag nalaman nilang sinabi ko sa kanya.
And I'm scared that if everyone else knew, they'll probably hate me. Anak sa labas, bastarda, bunga ng kataksilan.
I can almost hear those coming from other people. Sobrang sakit.
Nakita ko agad ang sasakyan ni Mama na pumasok sa gate. Napatayo ako sa pagkakaupo.
"I have to go," Paalam ko kay Ria at hinalikan siya sa pisngi.
"See you, bitch!" Ria said as she waved at me.
Natatawa akong napailing at kumaway na rin sa kanya.
Napatigil ako nung lumabas ang driver at pinagbuksan ako ng pinto sa likod. I was about to greet my mother but she wasn't there. Napakunot ang noo ko.
"Where's Mama?" Hindi ko mapigilang itanong sa driver. Hindi naman ito sumagot at napatungo.
Nagkibitbalikat na lamang ako at pumasok. Baka nauna na siya sa hotel. The drive towards there wasn't long, it only took us fifteen minutes to be there.
BINABASA MO ANG
Falling Irrevocably
Romance𝙵𝚊𝚕𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 #𝟺 𝙏𝙝𝙚 𝙇𝙖𝙬𝙮𝙚𝙧 Dennilah Kadynce Lexington is a brat, party girl, and a hidden artist, who's head over heels with one of her brother's closest friend, Enzo Chanler Lee-Del Vecchio. The aspiring lawyer who's not o...