26th

1.9K 61 44
                                    

26th



"Andra, stay still,"

I am putting the dress on her. Binili namin ito sa mall kahapon dahil wala naman siyang dress na formal dito sa closet. Naiwan ata namin sa Italy. I bought mine too yesterday after hers. Medyo matching kaming mag ina. Andra's dress is a lace sleeveless, a-line, in the color of pink. My daughter loves it, she was the one who choose it. It has flower designs in the lace.

Ang akin naman ay criss-cross body hugging dress, magkakulay ang dress namin ni Andra, ang haba nito ay isang dangkal mula sa tuhod.

Katatapos lang namin parehas maligo at inuuna ko siyang ayusan at bihisan bago ako.

"Watch ka na lang sa ipad," Sabi ko nung matapos na siya ayusan. Baka kasi magtatakbo na naman ito at pawisan.

I braided her hair into a patterned creating a crown on her head. I just let some strands fell on her face. Nilagyan ko siya ng lipbalm lang. Natural na namumula ang pisngi nito. Her lashes was already long and curled up. Ganda talaga ng anak ko! Yeah, I'm boasting that one.

Naglakad na ako pabalik sa vanity mirror matapos ibigay sa kanya ang ipad ko. I'll just iron my hair straight. Tapos ay maglalagay ako ng light make up.

It almost took me an hour to finish everything. Inayos ko na lamang ang dadalhin ni Andra. Pinakaimportante sa dala niya ay ang inhaler nito.

"Mommy, put this too," Aniya at lumapit sa akin hawak ang pouch niya. Napangiti na lang ako at kinuha iyon. Kasya naman sa handbag na dadalhin ko.

"Oh you're holding that?" I said when I notice the locket on her hand. Umiling ito at inabot sa akin ang locket.

"Put it to me, Mommy,"

Aba himala na isusuot niya. Kinuha ko ito mula sa kanyang kamay at pinatalikod siya. Well, I could say the locker looks good on her outfit. Bumagay naman.

I glance to he clock hanging the wall.

"Let's go na, your uncles are waiting for us,"

Bigla na itong nagtatalon sa tuwa.

"Uncle Psalm? Uncle Isaac?"

"Yes. And you'll meet your Grandpa and Grandma too,"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Shit! Hindi ko pa pala nababanggit sa kanya na ipapakilala ko siya kay Mama.

"Remember Grandpa, the one with the same color of your hair who visited us a year ago... back in Italy," Tumango tango sa Andra.

"I remember him, he looks like my pogi uncles. And Grandma?"

Napabuntonghininga ako sa tanong niya.

"This will be the first time you'll meet her. Just be yourself, 'kay?"

I don't want her to pretend just to be loved. Kung ayaw ni Mama sa anak ko ay ayos lang sa akin. Hindi ko pipilitin na magustuhan o mahalin niya ito, kayang kaya kong gawin iyon bilang ina niya. Tho I hope that she'll fell for my daughter's cuteness and witty.

Kinakabahan na ako nung makitang palapit na kami sa mansion. Ang bahay kung saan ako lumaki. Memories flowed to my mind as I saw the tall white gates.

"Wow, Mommy, this place is huge and beautiful!" Ani ni Andra na nasa likod ko. Napangiti na lang ako.

Simula nung umuwi kami ay hindi pa ulit ako nakakaapak sa lugar na ito. Kahit nga yung kotse ay pinakuha ko lang kay Kuya Isaac. Ayoko lang talaga makasama sa iisang lugar si Mama dahil baka makarinig lang ako ng hindi maganda. Iyon na agad ang expectation ko palagi.

Falling IrrevocablyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon