Chapter 01: Moving In

60.2K 1.6K 1.1K
                                    

#HHFM Chapter 01:

Moving In

* * *

"Patay tayo sa mommy mo."

I looked at Tito. Nilapitan na niya kaming dalawa. Ryo remained silent; maybe he was still in a state of shock. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. At least, Tito already knew. Hindi na ako mahihirapang sabihin kay Tita Rayi kasi . . . trabaho na nila iyon. Hindi naman sa masungit si Tita sa akin, sadyang ilag lang ako sa kaniya mula pa noong una kasi feeling ko, nasa ibang level siya.

"Ilang buwan na 'yan?" tanong ni Tito.

"Two, I think po," I answered. Wala ako masyadong natandaan sa sinabi ni Doktora kanina kasi nga ito ang bumabagabag sa isip ko.

"Putragis, Ryo. Patay talaga tayo sa mommy mo," mariin niyang sabi. "Dalawang buwan tapos hindi mo alam?"

Ryo's jaw tightened. Tiningnan niya ako nang masama. Tinaasan ko lang siya ng kilay. He shifted his gaze away from me with a sneer. I clenched my fists so hard, dahil kung hindi, baka lumipad na ang mga ito sa pagmumukha niya.

What's with that look? It's not like I wanted to see him!

"Break na kasi kami, Tito," sabi ko sa tatay niya. Tito Finn pursed his lips and scratched his nape. Sinulyapan ko si Ryo at nahuli ko siyang inirapan ako. I sighed heavily. Matinding pagtitimpi talaga ang kailangan ko sa lalaking ito. Para sa bata.

"Oo nga," awkward na tugon ni Tito. Halata sa mukha niyang inis na inis na rin siya kay Ryo. Hindi ko nga alam kung gusto na ba niyang batukan si Ryo kasi hindi nagsasalita; pero ako, gustong-gusto ko na.

"Alam na ba ng mga magulang mo?" Ryo asked, still refusing to look at me. I doubt na focused pa siya sa game dahil masyadong pirmi ang mga mata niya. Whenever I watched a game with him before, hindi napipirmi ang bibig at mata niya.

"No," I replied. Wala akong balak na ipaalam. Napahilot na lang ako ng sentido. For sure, pauuwiin agad ako at hindi iyon puwede dahil may trabaho pa ako rito. Higit sa lahat, ayaw ko ngang mag-aalala sila sa akin. I think I can do this. I have Cali. Maybe she can help.

At isa pa, kahit na ex ko na ang gunggong na ito, nag-aalala pa rin ako sa puwedeng gawin ng tatay ko sa kaniya. Noong unang bisita niya nga sa amin, kulang na lang e pakitaan siya ng pamugot-ulo at tutukan ng revolver. Partida, boyfriend ko pa lang siya noon. Hindi na iyon nasundan dahil bukod sa mahaba ang biyahe pauwi, nakahihiya kay Ryo.

Alalang-alala pa ako noong una kung paano magkikita ang mga magulang namin, kaso hayon nga, nag-break kami kaya wala nang ganoon na naganap o magaganap.

"We need to tell Mommy," ani Tito Finn na sobrang hina, parang ayaw niyang iparinig. He gruffed and smacked Ryo lightly on his head. I bit the insides of my cheeks to keep myself from laughing.

"What?!" iritableng tanong ni Ryo sa tatay niya. "She'll be furious kapag nanganak na si Frankie tapos saka lang niya malalaman. My child would be her first grandchild. She would be surprised. Magdadasal na lang akong hindi niya ako palayasin."

"Ikaw, 'di ka palalayasin n'on. Anak ka e! Ako'ng pagagalitan n'on!" Tito pointed at himself. Nasapo na lang niya ang kaniyang noo. "'Tangina, Ryo. 'Sakit mo sa ulo."

Napabuga ng hininga si Ryo. Sabay na lumukot ang mga mukha namin nang magtama ang paningin namin. I shook my head as I looked away. What I was expecting after we broke up was that our paths would never cross again. Mula naman noon, I had always considered him out of my league. Ang inaasahan ko na lang ay makita siya araw-araw sa TV at sa mga endorsement niya.

Fleeting MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon