#HHFM Chapter 03:
Who Else?
* * *
"May ibabagal pa ba 'yang kilos mo?"
Mabilis akong napalingon sa nagsalita. Ryo's peeking his head through my doorway, at base sa pagkakakunot ng noo niya e naiinis na naman siya, pero wala naman nang bago roon. Ang ipinagtataka ko lang e ano'ng nginangawa niya roon dahil hindi ko naman siya tinawag?
I looked at the wall clock. Bihis na ako pero nakabalot pa rin ang buhok ko sa tuwalya. Hindi ko man lang namalayang nabuksan na niya ang pinto. Wala talaga siyang manners! Paano kung nakatapis lang ako?
"Mamaya pa naman 'yung appointment, a?" sabi ko. We are scheduled to go the doctor today. Free naman ako sa oras na sinabi nila pero siya, hindi ko sure. Wala naman akong pakialam dahil siya naman ang pagagalitan ni Tita kapag late kami.
"Oo nga," parang naiinis niyang sabi. "E akala ko ba, pupunta kang office ngayon?"
My brows furrowed. I did tell him that I have to go the office to get some of my files tapos ay kikitain ko si Cali para kunin ang iba kong gamit. But that didn't mean na isasama ko siya.
"O tapos?" I asked, removing the towel wrapped around my hair. Lumukot ang mukha niya at tuluyan nang pumasok sa kuwarto ko. Parang dahil bahay niya ito e puwede siyang pumasok dito sa kuwarto kung kailan niya gusto.
"Matagal pa ba 'yan?" aniya, at sumilip sa kaniyang relos. I got my comb and started to blow-dry my hair.
"Bakit mo ba 'ko hinihintay? At saka umalis ka nga rito," I told him. Ang aga-aga, ang hilig niyang magsimula ng away. Muntik pa nga kaming mag-away sa harap nina Tita kanina kasi ayaw niya raw akong katabi sa hapag. As if namang gusto kong siya ang katabi ko!
Mabuti na lang at naroon ang kapatid niya kaya nagpalit sila. Tita's still mad at him for what he did, kaya siguro sa akin binubunton ang frustration niya sa nanay niya. Hindi naman big deal sa akin na masama ang ugali niya. Sina Tita lang talaga ang may problema sa kaniya.
"Kailangan kang ihatid do'n. Saka 'yung meetings mo, every Monday 'yon, 'di ba? Ayaw ko ng babagal-bagal."
Kumunot lang lalo ang noo ko. "I thought I have a driver?"
He rolled his eyes. "Ipagmamaneho na nga kita, ang dami mo pang sinasabi."
Pinatay ko ang blower. I looked at him with my mouth wide open. Hindi ko rin kinakaya minsan ang ugali niya. Ang hirap niyang basahin dahil para siyang bata. Siya rin naman ang nagsabi sa akin kahapon na bibigyan ako ng driver para ihatid tuwing Lunes sa office at kung may pupuntahan pa ako. Hindi naman ako ang nag-request na ihatid niya ako tapos mamadaliin niya ako ngayon?
"Ayaw ko sa 'yo," I bluntly told him. He scowled.
"Ang arte-arte mo. Bilisan mo na riyan. Hihintayin kita sa baba." Before I could even complain, he walked out of the room and slammed the door loudly. Para siyang batang nagta-tantrums!
Napailing na lang ako. I just hope that our child won't take after him. Okay na ang sa mukha—kahit na feeling ko, magkakaproblema ako kapag araw-araw ay may makikita akong maliit na Ryo. Pero sa ugali, sana talaga ay huwag. Sasakit naman masyado ang ulo ko at baka mapaaga ang pagputi ng buhok ko.
Para lang lalo siyang mainis e binagalan ko pa ang kilos. I'm not the type to wear makeup on a regular day, pero dahil gusto ko ngang mang-inis e napa-makeup ako nang wala sa oras. I took my time, at kung mayroon nga lang pang-unat ng buhok sa cabinet ko, nag-unat na rin ako ng buhok para lalo lang maubos ang pasensiya niya. He likes to piss me off so it's only fair that I annoy him back. Nananahimik ako rito sa bahay nila pero siya itong mauuna laging sirain ang araw ko, kaya ginusto niya rin ito.
BINABASA MO ANG
Fleeting Moments
RomanceTHE WATTY AWARDS 2021 WINNER: ROMANCE Due to an unexpected pregnancy, ex-lovers Ryo and Frankie are forced to live under the same roof. They can't stand each other but when the moments from their past are slowly catching up, their lingering feelings...