#HHFM Chapter 21:
Ring
* * *
"Wala bang multo rito?"
I chuckled. Ryo kept on looking around the room, kahit na wala naman siyang makikita kundi pader na kumupas na ang pintura at malaking cabinet. Raiko is awake, and miraculously, tahimik sa crib niya. Kabababa lang ni Nanay kanina para maghanda ng almusal.
I told Ryo that Lolo used to occupy this room. Hindi siya pinayagan ni Nanay na sa kuwarto ko matulog. Mas malala nga si Tatay dahil mula sa ibaba, rinig na rinig kong ayaw nitong dito tumuloy si Ryo. It was better for him to have this room instead of renting an inn kaya wala siyang choice.
"Aayusin ko na ba ang gamit mo? O ikaw na?" I asked, ignoring his silly question earlier.
Sasagot pa lang siya nang biglang may kumatok sa bukas namang pinto. Sino pa ba iyon kundi si Tatay. Wala ring doorknob ang pinto kaya hindi talaga iyon puwedeng i-lock ni Ryo kahit gustuhin niya. Hindi siya dapat matakot sa kaluluwa ni Lolo. Mas matakot siya na bigla siyang pasukin ni Tatay rito.
"Kung may gusto ka raw bang kainin, sabi ng nanay mo," aniya. Ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Ryo.
Maybe he would let us off the hook for today. Well, sana. Ryo and I are tired. Gusto ko munang makapagpahinga bago nila kami gisahin.
"Kahit ano po, 'Tay," sagot ko.
Hindi pa siya umalis pagkasagot ko. Meaning, he did not go up here just to ask me what I want for breakfast. Lumipat ang tingin niya kay Ryo at napakibit. I internally sighed. At least, he won't be able to kick Ryo out. Hindi ako papayag. At isa pa, pumayag na si Nanay na dito tumuloy si Ryo.
"Bakit nandito ka sa kuwarto niyan?" He couldn't even address Ryo properly, as if the mere sound of his name disgusts him.
Ang tingin ni Tatay sa akin, matalim. Parang malaking kasalanan na nandito ako sa kuwartong tinutuluyan ni Ryo. Parang walang baby roon sa crib na pare-pareho naman naming alam kung paano nabuo.
"May iimisin pa raw po ro'n sa kuwarto ko. Do'n naman po 'ko matutulog maya-maya," kalmado kong sabi. As much as possible, ayaw kong sabayan ang inis ni Tatay. Mag-aaway lang kami, at mas mahihirapan si Ryo na magpa-goodshot sa kaniya dahil paniguradong iisipin lang lalo ni Tatay na inaagaw ako sa kaniya ni Ryo.
Nagtagal ang tingin niya sa akin bago kami iwan. I glanced at Ryo and when I heard him sigh, probably out of relief, I noticed the worry in his eyes before he covered his face with his palms.
"Simula pa lang 'yan," paalala ko sa kaniya. Mahirap naman talagang kalkulahin kung paano kikilos sa harap ng tatay ko. Lalo na ngayong masyadong mainit pa ang ulo, talagang mangangapa kami.
"Kailan pupunta sina Tita?" tanong ko, para maihanda ang sarili at para na rin masabihan si Nanay.
Kung ako ang tatanungin, hindi naman ako nagmamadaling pabinyagan si Raiko. Kaso, hindi ko alam kung ganoon din para kina Tatay. Makikipag-usap pa kami sa parokya, at papupuntahin ko pa sina Cali rito. Ayaw ko namang pabinyagan si Raiko nang hindi pa nagkakaayos sina Tatay at sina Tita.
"Baka mamayang hapon," sagot ni Ryo. Inilapag ko nang maayos sa sahig ang bagahe niya at nagsimulang buksan iyon. Hindi pa man ako nangangalahati sa pagbukas ng zipper, sumulpot siya sa harapan ko at pinigilan ang kamay ko.
"What?"
He smiled. "Ako na. Magpahinga ka na kaya?"
I shook my head and tried to shake off his hold on my hand, but it was firm. "Hindi ako puwedeng matulog dito, magagalit si Tatay, lalo sa 'yo. May inaayos pa sa kuwarto ko kaya hindi rin ako puwede pa ro'n. Do'n ka na kay Raiko, aayusin ko na 'to."
BINABASA MO ANG
Fleeting Moments
RomanceTHE WATTY AWARDS 2021 WINNER: ROMANCE Due to an unexpected pregnancy, ex-lovers Ryo and Frankie are forced to live under the same roof. They can't stand each other but when the moments from their past are slowly catching up, their lingering feelings...