Prologue: Congrats, Ryo!

85K 2K 1.3K
                                    

#HHFM Prologue: 

Congrats, Ryo!

* * * 

"Frankie, we should visit a doctor."

Napatigil ako sa paghihilamos. Nilingon ko si Cali na mukhang alalang-alala na naman sa akin. I only laughed at her reaction because, obviously, she's overreacting. Kung hindi ba naman kasi ako tinambakan ng articles na pending, hindi sana ganito. Ang hirap kaya ng kailangan kong kumita ng pera tapos kailangan ko ring alagaan ang sarili ko. It's like every night is a battle between choosing sleep or work, and I always end up choosing the latter. Parang tumanda lang ako para maging alipin ng salapi.

"Pagod lang ako," I told her, and smiled just to ease her worries. Nakalimutan ko pang bumili ng blood supplement kahapon kaya parang mas hinang-hina ang pakiramdam ko. I picked up my toothbrush and went back to the sink to brush my teeth.

"Sure ka? Hindi 'yan about kay ex mo? Baka naman iniiyakan mo pa 'yon?"

That made me halt. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. It's not like talking about him is taboo. Hindi naman na ako super affected. Paano ba naman, e mukhang immune na ako dahil kung saan-saan ko naman nakikita ang pagmumukha niya. Araw-araw pa nga dahil nakapaskil ang buong katawan niya sa billboard gawa ng endorsement niyang energy drink.

Sinungaling talaga iyon. Hindi naman siya umiinom n'on e.

Wala rin namang point kung iyakan ko siya nang matagal. It's been a month. I don't really care anymore. Ako naman ang nakipag-break, tapos pumayag siya. Hindi naman ganoong ka-messy kaya tanggap ko naman. Tama na siguro ang tatlong gabi akong nag-senti. Takang-taka pa nga si Cali dahil ang tagal ng relationship namin ng ex ko! Apat na taon naging kami tapos tatlong araw ko lang iniyakan?

And besides, wala na rin namang panahon para magmukmok ako. Again, pagtulog pa nga lang at pagtatrabaho, kain na kain na ang oras ko. Saan ko pa isisingit ang feelings ko?

Nagmumog ako nang ilang beses at kahit na ganoon, pakiramdam ko'y nalalasahan ko pa rin ang isinuka ko. I shuddered a bit. Kadiri talaga! Never na akong kakain nang super late.

"Gaga, magpa-check up ka na kasi," sabi ni Cali na nakasunod pa rin sa akin.

"Sayang pera do'n," I said before turning off the lights in our room. Binuksan ni Cali ang dim light sa gilid niya dahil hindi siya nakatutulog nang maayos kapag wala kahit kaunting liwanag.

Pumunta na siya sa kama at ako ay bumalik sa puwesto ko sa sahig. Double deck naman talaga ang kama namin at ako ang nakapuwesto sa itaas, pero madalas kasi akong mahilo kaya sabi ko, dito na lang ako sa sahig. Usually rin, medyo naaalog ko ang kama kapag nagtatrabaho nang gabing-gabi na, tapos nagigising si Cali. Mas komportable na rin naman ako rito sa kutson sa sahig.

"Doktor ang tiyahin ko. Bilis na, ilalakad kita! Libre na!" pangungulit niya. I chuckled and picked up my laptop. Kinuha ko rin ang ballpen sa gilid at nagsulat sa sticky note ng reminder na bumili ako ng vitamins. I couldn't afford getting sick, sayang ang ilang araw ng trabaho at mas mahal ang gamot.

"Next time na, Cal," I told her. Naglagay ako ng unan sa likuran ko at sa hita bago ipatong doon ang laptop. Cali gave me a disapproving look.

"Ano na naman ba 'yang gagawin mo?" tanong niya, at napabangon agad.

"Transcript lang ng interview. Tatapusin ko na para mabawasan ang gagawin ko bukas," I answered. Magsusuot pa lang ako ng earphones nang agawin niya iyon mula sa akin.

"Sige, papayagan kita ngayon, ha? Pero matutulog ka na by 2 a.m.!"

I nodded while trying to get my earphones back. Baka masira! Sayang din ang 300 Pesos para sa earphones! "Oo na nga."

Fleeting MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon