Chapter 08: Christmas

48.2K 1.7K 1.3K
                                    

#HHFM Chapter 08:

Christmas

* * *

"Girl, ang OA mo, ha?"

I immediately shot daggers at Cali. She rolled her eyes as a response before letting her fall from the mattress. If strangers were to look at us, it would seem like this is Cali's place. She's comfortably lying on my bed while I'm sitting in front of my desk, desperate for a writing assignment.

It's been almost a week of ignoring Ryo. Kahit isang beses ay hindi ako pumalya. During my checkup, I kept silent and avoided any contact with him, most especially skinship. Sa ilang araw na iyon ay panay rin ang parinig niya sa akin. He kept on asking Raianne "Ano kaya'ng iniinarte ng isang bata riyan?" which obviously, nilalakasan niya para marinig ko. Hindi ko naman iyon pinapatulan kaya lalo siya yatang nairita.

Today, I invited Cali. Hindi ko kayang tumagal nang walang nakakasama o nakakausap for how many days straight. Lalo na't napaaga yata ang holiday break namin, wala na akong distractions.

Whenever Ryo's not around, I would go out and spend the rest of the day at their garden, pabalik-balik na maglalakad hanggang sa mapagod ang binti ko. I couldn't do that today because I woke up late and it's muddy out there. Paulan-ulan kasi at baka magkasakit pa ako kapag naabutan sa labas.

"Bulag ka na katitingin diyan sa laptop mo, wala kang mapapala," Cali said. She lazily got out of the bed, dragging my comforter with her, before shutting my laptop screen. I sighed. She arched one of her fully-done brows at me.

"Bakit ba kasi hindi mo kinakausap? E mukhang sa kaniya nga, hindi big deal 'yong niy—"

"Shut up," I cut her off, covering my ears. Malakas siyang napahalakhak bago pilit na sinubukang tanggalin ang pagkakatakip ng mga palad ko sa tainga.

"Para kang tanga!" natatawa niyang sabi.

Maling idea nga yata iyong ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari. I only told her because she kept on nagging me. Akala ko, matatahimik na ako pagkatapos pero parang lumala pa yata.

Fortunately, Cali decided to shut up when someone brought us food. Nalibang din siya sa panonood kaya nakalimutan na niyang inaasar niya ako kanina.

"Uuwi ka ba ngayong Pasko?" she asked while finishing my cake slice na hindi ko maubos.

"No," sagot ko. Isa pa ito sa pinoproblema ko. All their househelps and drivers would be out for the holidays, which meant na solo ko itong bahay.

Okay lang naman sana e, but I got a hint that Ryo's planning to ditch their usual New York trip and to just stay here with me. Mas pipiliin ko na lang na mag-isa rito kahit na napakahirap gumalaw dahil sa takot na may masira ako, kaysa naman sa mahigit dalawang linggo akong maiiwan na siya lang ang kasama!

"Totoo? E di, dito ka lang?"

"Yup. Hindi yata puwedeng hindi sila aalis e. Tita also has some work-related stuff to settle abroad," I answered. Palapit nang palapit ang Pasko ay palala rin nang palala ang kaba ko. I could most probably handle myself. Gusto ko mang kausapin si Ryo na puwede naman siyang sumama kina Tita ay hindi ko magawa kasi hindi ko siya pinapansin.

I shrugged. "Maiiwan yata si Ryo rito. I don't know what to do to convince him na sumama na lang."

Her eyes widened, and I already knew what her grin meant. Umiling na lang ako sa kung ano-anong naiisip niya. Aware naman siyang break na kami ni Ryo, ilang buwan na nga ang nakalipas, pero ganiyan pa rin siyang mag-isip. Para siyang na-stuck sa mga panahong inaasar-asar niya kaming dalawa ni Ryo noong college.

Fleeting MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon