Chapter 23: Marry

41.8K 1.3K 792
                                    

#HHFM Chapter 23:

Marry

* * *

"Are you pregnant?"

Nasamid si Ryo sa iniinom na tubig at ilang ulit na umubo. Si Nate na nakaupo sa tabi niya, mabilis na kinuha ang baso ng tubig sa kaniyang tapat at inubos iyon sa isang lagok. Napatigil si Raianne sa pag-scroll sa phone niya habang kumakain at inangat ang tingin sa akin. This woman beside me looked at me like I was a ghost. Cali looked like all her blood dropped to her toes and wanted to get out of this house as quickly as possible.

"Ako?" maang-maangang tanong ni Cali sa akin.

I raised a brow. Tatatlo kaming babae rito sa lamesa. Ryo and Nate couldn't bear kids. Obviously, I couldn't be pregnant. Kapapanganak ko lang. I have no idea about Raianne's love life, pero hindi naman siya ang mukhang blooming. Hindi naman siya ang mukhang hindi nakakain nang ilang araw sa sobrang ganang kumain. Hindi rin siya ang may ibang aura. Si Cali.

I was not sure if it was because we have been friends for so long, but I knew that there was something different. Maybe she just did her hair and makeup well today. I had no idea why but my guts sensed that she's pregnant, but I could also just be imagining things.

"Sino pa ba?" tanong ko pabalik. Saglit na tumayo si Ryo at nagpunta sa lababo na ilang hakbang lang naman ang layo. Hindi pa rin siya natatapos sa kauubo niya.

Cali chuckled. Nervously. I mentally took note of that. She averted her gaze and waved her hands as if dismissing the topic.

"Hindi, a! Ang sabihin mo, na-miss mo lang ako. Saka bumagay 'yung gupit ko sa 'kin," aniya bago magpatuloy sa kinakain.

I let my stare linger on her face for a moment. She was right, though. Bumagay sa kaniya ang apple cut. She looked younger. Pero hindi ko pa rin maiwasang magkaroon ng ibang pakiramdam. Memoryado ko na si Cali sa tagal naming tumira nang magkasama. Napapakiramdaman ko kung may nagbabago sa kaniya. Even the slightest change in her mood, I could tell.

I didn't press on the topic further. Bumalik na si Ryo sa puwesto niya, nahimasmasan na mula sa pagkakasamid. Bago siya umupo, kitang-kita ko ang pagpapabalik-balik ng tingin niya kina Cali at Nate, tapos, iiling na parang nangingilabot sa kung ano.

Earlier, when Raianne arrived here with Cali and Nate, lumukot na nang todo ang mukha niya. Up until now, wala pa ring nababanggit si Cali sa akin tungkol sa kanila ni Nate. All she told me was work related. I was convinced that her "work tea"—which has been revolving around a certain intern going in and out of our building—has something to do with Nate. Ayaw niya pa kasi akong diretsahin. Imbes na building namin ang sabihin niya, aminin na niyang opisina lang ni Nate ang tinutukoy niya.

Nate remained silent, and I didn't fail to notice how his posture went rigid. Parang gusto na nga niyang sawayin si Ryo na pinipilit hulihin ang mata niya. Mahina kong sinipa ang binti ni Ryo mula sa ilalim ng mesa para senyasan siyang tigilan si Nate. Hindi kasi makakain nang maayos iyong tao.

Mukhang pagod si Raianne sa biyahe at walang idea kung ano ang pinag-uusapan namin kanina. Hindi na ako nagtanong kung bakit nila kasama si Nate, pero siyempre, si Ryo, nang-usisa pa. Cali and Nate both ignored his interrogation, though.

"Saan kayo nagsi-stay?" tanong ko para mawala ang awkward silence. Hindi na tinatanan ni Ryo si Nate at talagang nagpupumilit na silipin ang mukha para mahagilap ang mata.

"Diyan lang sa malapit." Si Nate ang sumagot. I was sure that he was sharing a room with Cali, pero sinarili ko na lang ang komentong iyon. "May masa-suggest ka bang puwedeng puntahan dito? Baka puntahan namin ni Love bukas."

Fleeting MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon