Chapter 4

738 27 3
                                    

                      CHAPTER 4

Bernarditha Dela Cruz

Nandito kami ngayon sa apartment ng Tita ni Cris. Ang may ari ng apartment na uupahan naming apat na malapit dito sa Prime Angel University. Buti nalang talaga may apartment ang Tita ni Cris na malapit dito sa university. Kasi kung uuwi pa kami ng bahay 1-2 hours ang byahe kaya nag-apartment nalang kami. Buti nalang pinayagan kami ng mga parents namin. Napag-usapan naman naming apat na every weekend ay uuwi kami sa Heaven Village.

"Thanks God, buti nalang talaga may apartment 'yong Tita mo dito malapit sa university akala ko mapapagod na naman tayo ngayon kakahanap ng apartment."sabi ni Rachelle kay Cris na nagwawalis ng sala.

Pagdating kasi namin dito sa apartment ay naglinis agad kami kahit wala naman ganong dumi maarte lang talaga 'tong maka baliw kong kaibigan.

"Oo nga eh, buti nalang talaga, at buti nalang pinayagan ako ni Mama na sumama at mangungupahan dito malapit sa university para hindi na raw ako babyahe ng malayo, pero si Papa ayaw akong payagan sabi ko na kasama ko naman kayo at sa apartment ng Tita ni Cris tayo, kaya ayun pumayag din. Si Papa talaga."mahabang sabi ni Arrah with action pa kaya ayun nag tawan kami mga baliw.

"Ako nga rin eh, ayaw ni Daddy, baka daw ano mangyari sakin, tapos sabi naman ni Mommy kay Daddy na "hayaan muna si Rachelle kaya niya na sarili niya malaki na 'yan anak natin payagan mo na" kaya ayun pinayagan ako, umiyak pa ako sa harap nila para payagan ako."mahabng sabi naman ni Rachelle na ginaya pa ang boses ng Mommy niya saan ba nagmana 'tong mga 'to Normal naman mga magulang nila sabi ko sa isip ko. Habang nakikinig sa mga sinasabi nila. Kaya ayun nagtawan naman na naman kami. Isa din pala akong baliw.

"Baliw talaga 'to si Rachelle eh , pinayagan din ako ni Mommy and Daddy para raw masanay ako na mag isa kahit kahit wala sila para kapag dumating daw 'yung araw na wala na sila kaya ko na ang sarili kaya ko ng tumayo sa sarili kung mga paa kahit wala sila." Mahabang sabi naman ni Cris natahimik kami sa sinabi niya. Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Arrah

"Ikaw naman Badeth magkwento ka rin kung paano ka pinayagan ng parents mo."sabi ni Arrah

"Wala naman problema kay Mommy and Tito Manuel okay naman pinayagan naman nila ako."sabi ko naman.

"Nga pala may pasok na tayo sa makalawa, may mga gamit na ba kayo para sa school?" Tanong si Cris

"Oo nga pala wala pa eh, bili kaya tayo ngayon sa mall tapos kumain na rin tayo doon tutal lunch time na rin naman"sabi ko

"Sige, tamang tama gutom na rin ako kakain tayo sa paborito nating fast food walang iba kundi ang Mang Inasal, kaso wala silang Hotdog do'n 'yong jumbo Hahaha" sabi ni Arrah na tumatawa kaya natawa na rin kami gumagana na naman ang kaniyang "Heaven Brain" oh my inocent mind.

"Pero mas masarap yang nasa isip mo, Heaven hmm." Sabi naman ni Cris isa rin to kaya nagtawan kami.

"May inocent mind, hahaha tama na 'yan tara nagugutom na ako gumagana na naman yang utak nyo eh gutom lang kaya Arrrat na."sabi ni Rachelle kala mo talaga inosente eh muka lang naman inosente.

Nanadito kami ngayon sa loob ng Mang Inasal ang paporito naming fast food.

"Ano ba 'yan wala Jumbo Hotdog, I want hotdog big big hotdog." Parang bata na sabi ni Arrah. Nagtawa tuloy kami siraulo talaga to eh di nahihiya myghad!

Ewan ko ba pinaglihi ata ito sa Hotdog eh. Paborito ko ang Hotdog pero hindi naman ako pinaglihi dito.

Sa totoo lang nahawa lang sila sa 'kin. Pero grabe parang pinaglihi pa sa 'kin.

"Gago magtigil ka nga d'yan maraming tao dito at isa pa walang Jumbo Hotdog dito."natatawang sabi ni Rachelle

"Don't worry baby I can buy many jumbo hotdog for you ." Sabi ni Cris na sinakyan ang kalokohan ni Arrah

Natawa nalang ako sa inasal ng mga kaibigan. Hindi ko inakala na aabot kami ng apat na taon bilang magkakaibigan parang mga kapatid na rin ang turingan namin. Masaya ako dahil sila ang naging kaibigan ko kahit mga baliw sila. I love my friends so much. Inggit kayo noh mga plastic kasi kaibigan niyo sa akin ay mga kahoy marurupok eh. HAHAHA

"Tigil n'yo na 'yang mga kalokohan niyo na sa harap tayo ng pagkain ma jumbo ko kayo d'yan eh."sabi ko natawa lang sila sa sinabi ko.

"God Thank you sa foods."sabay sabay naming sabi. Ganyan kami bago kumain nagpapasalamat . Don't forget to thank god everyday. Sana kayo din.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami agad ng National Book Store. Naghiwa-hiwalay muna kami para makapili ng mga gamit para sa school. Pagkatapos kong kumuha ng mga kailangan ko punta ako sa section ng mga Wattpad Books. Grade 7 ako simulang magbasa ng Wattpad. Dahil kay Cris adik na rin ako sa Wattpad. Simula ng makilala ko siya nagbabasa na rin ako ng Wattpad. Tuwing vacant time nagbabasa sya isang beses ay tinanong ko sya kung ano ang binabasa niya sabi niya Wattpad katabi ko kasi siya, siya din ako una ko naging kaibigan. Kaya magkasundo kami niyan pagdating sa Wattpad.

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Cris sa tabi ko.

"Hoy! andito kalang pala sabi ko na nga ba eh libro na naman." Sabi ni Cris na naghahanap na rin ng bagong libro. Pareho kasi kami may collection ng Wattpad Books.

"Papatayin mo ba ako sa gulat ah, kasalanan mo 'to na nalululong tuloy ako sa Wattpad na 'to."sabi ko tinawan lang ako ng adik na 'to.

"Halika na nagbabayad na 'yung dalawa sa counter." Sabi ni Cris

Pagkatapos naming magbayad lumabas na kami. Habang papalabas kami ng mall may nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaki may kasamang tatlong lalaki. Hanggang sa makaalis na ang kotse na sinakyan nila. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako.

Nagulat ako ng may sumapak sakin. Naka tingin na pala silang tatlo sakin.

"Hoy! Badeth anyari sayo bakit tulala ka riyan." Sabi ni Cris

"Makasapak naman 'to, may nakita lang akong lalaki na pamilyar sa'kin 'di ko alam kung saan ko siya nakita."sabi ko sabay hawak ulo ko kung saan niya sinapak.

"Bukas na pala tayo lilipat sa apartment." Sabi ni Arrah na sa loob na kami ngayon sa sasakyan pauwi kami sa aming mga bahay. Bukas na kami lilipat sa apartment. Mag-iimpake pa kami ng mga damit at mga kailangan namin sa apartment.

"Oo nga eh, mamimiss ko ang pamilya ko."sabi ni Cris na akala mangingibang bansa eh baliw talaga.

"Kala mo naman mangingibang bansa tayo, uuwi naman tayo every weekend OA mo." Sabi ni Rachelle na natawa nalang kami

"Sabay sabay tayo bukas papuntang apartment ah. Goodnight mga baliw." Sabi ko

"Goodnight" sabay sabay na sabi nilang tatlo.

Habang nakahiga ako sa kama iniisip ko kung sino ba talaga ang pamilyar nalalaking 'yon. Parang si ano, bigla akong umupo imposeble namang siya 'yon? Hindi kaya siya 'yon? Baka kamukha lang? Si Paul ba talaga 'yon? 'Di ba nasa France siya? Oh syete nakalimutan ko magkokolehiyo na rin pala siya. Ang sabi niya sakin noon dito siya mag-aaral ng kolehiyo. Kung siya nga 'yon, paano kapag nagkita kami? Bahala siya sa buhay niya akala niya ah, galit ako sa kaniya. Akala niya 'di ko alam ang ginawa niya sa France ah. Humanda ka Paul. Gagawin talaga kitang Jumbo Hotdog. At ipapakain kita sa mga kaibigan ko.

Hanggang sa nakatulog na ako.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon