Chapter 24

361 19 4
                                    

           
                    CHAPTER 24

Jhon Paul Levinson

Nagsimba kami ng mga magulang ko at si Sky dahil linggo ngayon. Pagkatapos ay kumain na rin kami sa Restaurant sa loob ng mall.   Pagkatapos ay hinatid na namin sila Mom at Dad sa sasakyan. Mamaya pa kami uuwi ni Sky dahil bibili pa kami ng costume para sa Holloween Party. Nandito na rin naman kami kaya bibili na kami.

"Pagkatapos niyong bumili ng kailangan niyo umuwi agad, we have a dinner later okay?" Sabi ni Dad.

"Okay po Dad." Sagot ko. Sumakay na sila ng kotse at umalis na. Pumasok na uli kami sa loob ng mall.

Naghanap kami kung saan makakahanap ng Holloween Costume Party. Pumasok kami sa Department store at doon naghanap.

"Excuse me miss, do you have a Holloween costume here?" Tanong ko sa sales lady.

"Yes sir, this way sir."sabi niya.

Sinundan namin siya papunta sa mga costume para sa Holloween. Habang pumipili kami ni Sky ng costume na pansin ko na nakatingin sa amin ang sales lady. Tuwing lumilingon ako nginingitian ko nalang. Nang makapili na kami ni Sky ay agad naman namin itong binayaran. Ang na pili niya ay Clown costume at sa akin naman ay Vampire costume.

Na pa isip tuloy ako kung ano ang costume na gagamitin ni Badeth sa Holloween party? Dapat pala tinanong ko siya para pipili ako ng costume ko na babagay sa costume niya.

Bakit hindi ko na isip 'yon?

Bobo na ba ako no'n?

Kaparehas ko pa naman siya sa Holloween party.

Pagkalabas namin ng Department store ay saktong naka salubong nami Si Badeth at Zayn. Kaya pare-pareho kaming nagulat na para bang hindi inaasahan na magkikita. Hindi naman talaga?

Bigla ay may nararamdaman na naman akong selos at kirot sa aking puso. Pero hindi ko iyon pinahalata.

I'm a great pretender!

"Oh? Andito rin kayo?" Gulat ko kunwaring sabi.

"Yes, where here to buy a Holloween costume. How about you?" Sagot sa akin ni Zayn.

"Kakabili lang namin ni Sky." Sagot ko naman. Na pa tingingin ako kay Badeth na parang hindi alam ang gagawin.

Anong nangyari sa kaniya?

Umiiwas siya sa tingin ko. Mukhang may tinatago siya sa akin. Kung ano man 'yon alam kung sasabihin niya rin sa akin. Nginitian ko lang siya nang tumingin siya uli sa akin.

"Hindi niyo kasama ang ibang niyong kaibigan? Sila Cris?" Tanong ni Sky.

"Hindi eh, sinamahan ko lang si Zayn nagpapasama kasi siya." Sabi naman ni Badeth.

Akala ko ba kaya sila nag-overnight para hindi na sila lalabas tapos ngayon nandito silang dalawa? At sila lang talaga dalawa! May pa sama-sama pa siyang nalalaman.

Hindi ba siya makabili ng siya lang? Kailangan may kasama talaga?

Tsk. Feeling ko talaga may gusto ito kay Badeth. 

Para sa akin hindi siya bagay kay Badeth.

Bakit?

Dahil sa akin na babagay si Badeth.

Iba pa naman ang pakiramdam ko sa lalaki na ito parang may tinatago.

"Mauna na kami sa inyo. May pupuntahan pa kami." Sabi ko.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon