Chapter 1

2K 47 5
                                    


                     CHAPTER 1

Bernarditha Dela Cruz

"Congrats anak." Sabi ni Mommy sabay halik sa pisngi ko.

"Congrats Badeth" sabi naman ni Ate Jackie sabay yakap sa akin.

Si ate Jackie ay anak sa unang asawa ni Mommy. Tatlo ang anak ni Mommy sa una niyang asawa, si ate Jackie ang pangalawa, si kuya Jackarias ang panganay na nasa ibang bansa na ngayon, at ang pangatlo naman ay si kuya Jack na nasa Maynila ngayon.
Sila nalang ate Jackie at kuya Jack ang nakatira sa bahay namin sa Maynila.

Ako naman ay anak sa pangalawang asawa ni Mommy. Hindi ko pa nakikita ang aking ama. Simula ng ipinanganak ako ay si Mommy lang ang nagaalalaga sa akin, minsan naman ay si ate Jackie. Ang sabi sa akin ni ate Jackie simula ng pinagbuntis ako ni Mommy,
pumupunta pa raw ang aking ama sa bahay doon sa Manila. Lumipas ang araw, buwan, hanggang sa ipinanganak ako hindi na nagpakita ang aking ama. Kaya ng ipinanganak ako, dinala ako ni Mommy dito sa Laguna. Ang nakatira nalang sa Maynila ay si ate Jackie at kuya Jack.

Dito na ako lumaki at nag-aral sa Laguna. Nakatira lang kami ni Mommy sa pinsan niya. Limang taon ako ng makilala ni Mommy si Tito Manuel Martin. Dito sila nagkakilala tuwing bakasyon ay umuuwi  si Tito Manuel dito sa Laguna, kapitbahay lang namin ito. Isang araw nalaman ko na may relasyon sila, okay lang naman sa akin nakikita ko naman na masaya si Mommy sa kaniya kaya masaya na rin ako dahil may nagpapasaya na sa kaniya. Nalaman ko na may anak pala si Tito Manuel nasa Maynila ito. Matagal ng hiwalay si Tito Manuel at ang kinyang dating asawa, kaya pinakasalan niya si Mommy. Isang taon na ring kasal si Mommy at Tito Manuel.

Hindi ko pa nakikita ang anak ni tito Manuel. Sabi niya ay lalaki ito isang taon lang daw ang agwat namin. Ang pangalan niya ay Micheal John Sky Martin.

"Thank you Mom, thank you ate" sabi ko sabay yakap sa kanila. Napalingon ako sa likod ng may nagsalita.

"Congrats Badeth" sabi ni Paul nasa likod nito ang kaniyang mga magulang. Nag-iisang anak lang si Paul.

"Congrats sa'ting dalawa dahil graduate na tayo ng elementary hahaha" natatawang sabi ko sabay yakap sa kaniya,  natawa na rin ang aming mga kasama.

Hindi namin kasama ngayon si Leah Amor Fernandez, dahil noong nagtapos kami ng grade 2 nagbakasyon sila sa Maynila sa kaniyang lolo at lola. Simula noon ay hindi na siya bumalik dito. Ang balita ko ay nasa ibang bansa na raw ito, kasama niya na raw ang kaniyang ama. Buti naman ata nakita niya na ang kaniyang ama, masaya ako para sa kaniya. Simula ng bata palang kami ni Leah ay magkaibigan na kami. Kahit ilang taon lang kaming magkaibigan ni Leah, siya lang ang tinuring kong matalik na kaibigan. Pareho kami noon ni Leah na hindi namin kilala o nakita ang aming ama simula ng ipinanganak kami, at masaya ako dahil nakita niya na rin ito sa wakas. Ang alam ko ay gamit niya ang apilyedo ng kaniyang ina noon, kaya ngayon nakita niya na ang kaniyang ama posibleng iba na ngayon ang kaniyang apilyedo, hindi na Fernandez.

Balang araw ay makikilala at makikita ko rin ang aking tunay na ama. Kung sa kaling buhay pa ito. Pinagdadasal ko na sana magtatagpo rin ang aming mga landas.

"Jackielyn doon na lang kayo sa bahay maghapunan may kaunting salo salo kami para kay Paul at para na rin kay Badeth." Sabi ni Tita Pauline ang Mommy ni Paul.

"Sige Pauline pupunta nalang kami mamaya, may pupuntahan lang kami." sabi naman ni Mommy kay tita Pauline.

"Picture tayo, para may remembrance tayo." Sabi ni Paul sakin.

"Okay" sabi ko na nakangiti.

"Dad pwede mo ba kami kuhaan ng picture ni Badeth?" Tano ni Paul sa kaning Daddy.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon