Chapter 14

455 27 1
                                    

                     CHAPTER 14

Bernarditha Dela Cruz


Nang makalabas na si Kuya Micheal ay sakto naman ang dating ng mga kaibigan ko. Parang nakakita sila ng kung sino dahil sa mukha nila. Si Rachelle na namumulala at si Arrah at Cris naman ay parang hindi makapaniwala sa nakita nila. Natawa nalang ako sa mga mukha nila. Epic.

Naalala ko si kuya Micheal, alam kong siya ang nakita nila. Kahit ako hindi pa rin makapaniwala.

"Hi Tita Jackelyn." Sabi nilang tatlo nang makalapit sila sa amin. Lumapit sila kay Mommy at humalik sa pisgi nito.

"Maupo muna kayo gagawa lang ako ng makakain niyo." Sabi ni Mommy.

"Thanks tita," sabi naman nila. Tumango lamang si Mommy at pumunta ng kusina.

"Aga niyo ah, anong meron?" Natatawang tanong ko. 

"Ano pa ba? Tutulongan ka sa plano mo ngayon darating na kaarawan mo, Remember?" Natatawang sabi ni Cris. Kaya nagtawanan kami.

"Pero ang aga naman masyado, saglit lang naman natin pag-uusap 'yon. Wala ba kayong family bonding?. Sabi ko. Kaya natigilan naman sila sa sinabi ko.

"Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko." Sabi ni Cris.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Andiyan kuya ko sa bahay kasama pinsan ko na si Kyle." Sabi niya. Ano naman ang hindi kapanipaniwala do'n?

"Tapos?" Tanong ni Arrah.

" 'Yong pinsan ko kasi na si Kyle kaibigan niya pala  si Ace 'yong kaibigan ni Paul, andoon siya kanina sa bahay." Paliwanag niya. Si Ace? What a small word.

"What?" Sabay na sabay naming tanong.

"Anong what?" Natatawang sabi niya.

"Pareho lang pala tayo eh, kaya ko umaalis agad sa bahay dahil andoon din si James, 'yong kaibigan ni Paul.  Gulat ako ng malaman kong ninang niya si Mommy. Like what the hell?" Sabi niya hindi makapaniwala. Si James? Ninang niya ang Mommy ni Arrah? Ano bang meron ngayon?

"Really?" Natatawang sabi ko.

"Ikaw naman Rachelle ano naman ang hindi kapanipaniwala ang nangyari sayo." Tanong ko sa kaniya.

"Hindi rin kayo maniniwala sa sasabihin ko." Naiiling na sabi niya.

"Bakit? Ano naman ang sayo? 'Wag mong sabihin na si Sky 'yan?" Natatawa kong tanong.

"Exactly, siya nga." Tumatangong sabi niya. Fuck the what? Kaya napatingin kami sa kaniya.

"Seriously?" Gulat na tanong ni Cris.

"Yup, kaibigan siya ng pinasn ko. Kaya nagpaalam na agad ako sa kanila na pupunta dito dahil naiilang ako na nasa bahay siya. Ano bang nangyayari sa atin?" Sabi niya. Napabuntong-hininga nalang siya.

Tahimik pa rin kami sa mga nalaman namin. Sino bang hindi magugulat sa na laman namin? Paano nangyari?

"Alam niyo bang kilalang-kilala ng pamilya ko si James? Tapos ako hindi ko siya kilala noon, at ngayon lang." Natatawang sabi ni Arrah. Natawa na rin kami.

"Ayoko na magsalita, dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko alam kong bakit." Sabi naman ni Cris.

"Ikaw Berna hindi ba pumunta dito si Paul?" Natatawang tanong ni Rachelle kaya napatingin sila sa akin.

"Hindi naman, pero tulad niyo hindi rin ako makapaniwala na makikita at makikilala ko ang anak ni Tito na si Mich-este Kuya Micheal." Natatawa at naiiling kong sabi. Kaya naglakihan ang mga mata nila na para bang may naalala. Natawa naman ako.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon