Chapter 17

428 23 0
                                    

                       CHAPTER 17

Jhon Paul Lim Levinson

Maaga ako na gising ngayon kahit sabado dahil may lakad kami ngayon ng pinsan at kaibigan ko. Kakatapos ko lang maligo at nakapagbihis na rin ako. Pagkalabas ko ng kwarto ko ay kakalabas lang din ni Sky ang pinsan ko.

"Morning insan." Sabi ni Sky na bagong ligo rin.

"Morning din insan, anong mukha 'yan insan?" Natatawang tanong ko. Kasi naman parang  may problema na hindi pa nasusulusyonan.

"Nothing insan," tanong niya naman. Alam kung meron 'yan hindi niya lang sinsabi dahil nahihiya siya.

"Ano nga? Sabibin mo na babae ba 'yan?" Biro ko pa. Baka naman babae talaga 'di ba?

"Kilala mo si Blight 'di ba?" Tanong niya. Blight? Ex niya?

"'Yung ex mo? Oh ano naman?" Tanong ko. Sabi na eh.. babae na naman.

"Kinukulit na naman ako, gustong makipagbalikan." Sabi niya na umiiling pa. Ang kulit talaga ng babaeng 'yon.

"Oh tapos?" Tanong ko pa.

Hindi na nasagot ni insan ang tanong nang makarating kami sa dining area. Na abutan namin si Mommy at Daddy na nagbe-breakfast. Umupo ako sa tabi ni Daddy at katapat ko naman si Mommy. Si insan naman ay tumabi sa akin.

"Goodmorning Mom ang Dad." Sabi ko.

"Goodmorning tito at tita." Sabi naman ni Sky.

"Goodmorning" sabi naman ni Mommy At Daddy.

Kumuha na ako ng fried rice, hotdog at bacon. Napapangiti nalang ako sa tuwing kumakain ako dahil sa hotdog at itlog nalala ko kasi si Badeth. Bukas na pala birthday nun. Ano kaya magandang regalo? Mamaya nalang pupunta naman kami sa mall.

Pagkatapos kumain ni Mom at Dad ay nagpaalam na ito na papasok sa trabaho. Kaya kami nalang ang naiwan ni insan at ang dalawa naming katulong dito sa bahay.

Nandito kami sa sala ng pinsan ko nanonood ng Slam Dunk. Naalala ko ang sinabi ni insan kanina kaya na isipan kong tanongin ulit.

"Insan ano ulit 'yung tungkol kay Blight 'yong ex mo?" Tanong ko ulit sabay tingin sa kaniya. Maasar nga. Baka ako naman asarin nito? Subukan niya lang.

"Wala," sabi niya habang nakatingin pa rin sa pinapanood namin.

"Nakipagbalikan sayo? Bakit ayaw mong balikan?" Tanong ko pa.

"She cheated on me insan, ano pang dahilan para balikan ko siya? Alam mo 'yan insan." Seryusong  sabi niya.

Bakit ba kasi naghahanap pa ng iba kung meron na?

Bakit hindi nalang sila makontento sa isa?

Bakit kailangan pa ng reserba?

Hindi pa ba sapat ang isa para maghahanap pa ng iba?

Bakit?

Mga tanong sa aking isipan.

"Mahal mo pa ba? Kung 'Oo, kausapin mo kung 'hindi' naman kausapin mo pa rin. Closure ang kailangan niyo insan para maging maayos kayong dalawa." Sabi ko. Galing ko talaga mag-advice. I'm proud of myself. Natawa nalang ako dahil sa papuri ko sa aking sarili.

"Naisip ko na rin 'yan insan. Siguro kung magkikita na kami ulit. Mahirap naman kung ime-message ko lang siya masmaganda kung sa personal ko siya kakausapin. Eh.. nasa France siya matagal-tagal ko pa siya makakausap. Pero salamat insan ahh.." sabi niya sa' kin.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon