Chapter 22

406 30 1
                                    


                       CHAPTER 22

Jhon Paul  Lim Levinson

Sa naka lipas na  tatlong araw na puro lectures at discussion lang ang ginawa namin. No'ng friday ay may surprise quiz 100 items! Talagang piga ang mga utak namin dahil halos lahat na subject ang nagpa-quiz.

At sa loob na tatlong araw na 'yon ay palaging pumupunta si Zayn. Hindi ko alam kung Sila Badeth at ang kaibigan niya ang pinuntahan niya o si Badeth lang talaga?

Pakiramdam ko talaga may gusto siya kay Badeth sa girlbestfriend ko. Hindi ko tuloy maiwasan na magselos. Pero hindi ko iyon pinahalata sa kanila maliban lang sa mga kaibigan ko na kilala na ako.


Nakikita ko kay Badeth na masaya naman siya lalaki na 'yon na kaibigan nila. Masaya na ako sa tuwing nakikita siyang masaya.

Paano kung magustuha rin siya ni Zayn?

Paano kung ligawan siya ng lalaki na 'yon?


Kung mangyayari man 'yon may karapatan ba ako na pigilan si Badeth na magpaligaw?

Wala naman 'di ba?

Boybestfriend lang naman ako.

Pero paano ang matagal ko nang tinatago na nararamdaman para sa kaniya?


Pero kung sa kaling magyari man 'yon susuportahan ko siya bilang kaibigan niya. Gano'n naman talaga 'di ba?

At kung mangyari man 'yon kailangan ko nang mag-move on sa nararamdamn ko sa kaniya.

Fuck!

Tangina inisip ko pa lang ang sakit sakin na! Paano pa kaya kung mangyayari na?

May lakas lang ako nang loob para aminin sa kaniya ang nararamdaman ko gagawin ko. Pero tangina lang wala eh!

Takot ako na baka 'pag umamin ako sa kaniya at wala naman siyang nararamdaman sa akin baka layuan niya lang ako. Ayoko nang gano'n! Kakabati nga lang namin tapos mauuwi na naman kami sa gano'n?

Napailing nalang ako at natawa sa mga naiisip ko.

"I think I'm crazy." Nasabi ko nalang sa sarili ko.

Maya maya lang ay may kumatok kaya agad kong binuksan ang pinto.

"Your tito,tita and your cousin is here. What are you doing here in your room it's already 1 PM in the afternoon. Do you have a problem Paul?" Sabi ni Mommy.

"Nothing mom, don't worry. Susunod na po ako. Maliligo lang po ako." Sabi ko.

"Okay, if you have a problem tell me okay?" Sabi ni Mommy.

"Okay Mom, thank you." Sabi ko.


Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Sinuot ko ang bracelate na binigay sa akin noon.



"Kuya Paul! I miss you." Sigaw ni Keziah nang makita ako sabay yakap sa akin.

"Hi! I miss you too" Sabi ko naman. Humiwalay na siya. Binati ko naman si tito at tita na galing pa nang probinsya. Binati naman nila ako. Puro papuri ang naririnig ko. Hindi naman bago sa akin 'yon.

Nag-usap muna ang parents ko at ang parents ni Keziah.


"Nga pala sa bakasyon okay lang ba na dito muna si Keziah? Balak ko kasi na dito siya pag-aralin sa manila. Dahil may senior high na next year." Sabi ni Tita. Si tita at Daddy ay magpinsan.


Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon