Chapter 27

423 15 7
                                    


                        CHAPTER 27

Bernarditha Dela Cruz

Bago ako pumasok sa kotse ni Zayn ay tiningnan ko muna si Paul na nakangiti pero nakita ko sa kaniyang mata ang hindi ko maipaliwanag. Hindi ko maintindihan parang nakikikita ko sa kaniyang mata ang lungkot.

Gustuhin ko mang sumama sa kaniya gaya ng sinabi niya kanina pero pumayag na ako na sasama ako kay Zayn. Hindi naman ibig sabihin ay papayag na akong ligawan ni Zayn dahil lang sumama ako sa kaniya ngayon.

Sumama ako dahil may dahilan ako.  Ayokong mang isipin niya na sumama ako dahil pumayag ako na magpaligaw. Pero kung 'yon ang isipin niya wala akong magagawa. Sasabihin ko nalang sa kaniya ang totoo.

"Saan tayo pupunta?" Naka ngiti kong sabi kay Zayn habang nagmamaneho ito ng kotse.

"Sa lugar kung saan hindi mo pa na puntahan." Sagot niya. Na pa nguso naman ako.

"Saan nga? Baka kung saan mo ako dalhin ah?" Sabi na para bang kinakabahan. Natawa naman siya sa sinabi ko.

Ang gwapo niya talaga! Lalo na kapag naka ngiti.

"Malalaman mo mamaya. Wala akong gagawin sayong masama. Parang hindi mo naman ako kilala. Ako lang 'to si Zayn! Ang crush mo! Hahaha..." sabi niya kaya natawa naman ako.

"Ang corny mo! Parang tanga lang." Natatawang sabi ko.

"Kinilig ka naman!" Sabi niya pa.

"Hindi kaya! Ang corny mo kaya! Para kang ewan." Natatawang sabi ko naman.

"Mag-drive ka na nga lang! Baka mabangga pa tayo." Sabi ko sa kaniya.

"Okay ma'am." Sabi naman niya na ikinatawa ko.

Tumingin nalang ako sa sa bintana na kotse niya kung saan ako nakaupo. Iniisip ko kung ano ang ginagawa ni Paul ngayon.

Noong muli ko siya nakita ay hindi na siya nawala sa isip ko. Akala ko na wala na ang nararamdaman ko sa kaniya sa panahon na wala siya. Pero ng muli ko siyang makita ay bumalik nalang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi na siya nawala sa isip ko simula noon.

Noong panahon na wala siya ay may nagugustuhan ako pero hanggang do'n lang. Katulad nalang kay Zayn siya ay kaibigan ko. May crush ako sa kaniya at sabihin na nating may gusto ako sa kaniya pero hanggang do'n lang.   

Dahil wala akong magawa binuksan ko nalang ang cellphone ko at nag-facebook nalang. Mukhang malayo ang pupuntahan namin.Binuksan ko ang messenger ko nang mag-chat si Cris sa GC namin.

"Hotdog Lover"

Hotdog 1 (Cris): choi balitaan mo kami ah?! Kwento mo samin ang gagawin niyo! BWHAHAHA

Nata nalang ako sa sinabi niya.

Hotdog 2 (ako): hahaha.. sge men. Hayop na to! Wala naman kaming gagawin. Hahaha...

Hotdog 3 (Rachelle): sino na naman ang abnormal ang nag-set ng neckname ko? Oy men berna balitaan mo kami ah?! Pasalubong namin!

Natawa nalang ako. Napaka swerte ko sa kanila. Simula noon hanggang ngayon ay buo pa rin kami. Hindi ko inaasahan na tatagal kami ng ganito. Simula noon sila lang ang kaibigan ko na naging karamay ko sa lahat ng bagay. Hindi ko inakala na makakahanap pa pala ako ng mga kaibigan na katulad nila. Kasi sa panahon ngayon bilang nalang ang mga totoo sayo.

Hotdog 4 (Arrah): ingay niyo may kalandian ako dito! Hahaha...

Hotdog 2 (ako): sge pag-uwi ko kwento ko sa inyo. Mga chismosa! Hahaha... Arrah Tanaol may kalandian. Sino ba yan? Hahaha..

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon