Chapter 8

647 28 0
                                    

                    CHAPTER 8

Bernarditha Dela Cruz

Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng gumawa kami ng eksena ni Paul sa school. Noong araw na kinausap niya ako para pakinggan ang kaniyang sasabihin. Tulad nga ng sinabi ko hindi ko pa kayang pakinggan ang mga sasabihin niya, kasi alam kong masasaktan lang ako sa mga sasabihin niya. Lalo na, na alam kong simula noong nasa France pa siya ay naging girlfriend niya si Leah Amor, ang matalik kong kaibigan. Isa 'yun sa mga dahilan kung bakit hindi ko pa siya kayang pakinggan.

Bakit si Leah pa? Sa dinami daming babae sa mundo bakit si Leah pa? Bakit ang bestfriend ko pa? Bakit? Mga katanungan sa aking isipan.

Kaya naging bestfriend ko sila Leah dahil mga bata palang kami ay kaibigan ko na siya, siya lang ang nag iisang kaibigan ko. Hanggang sa nag aaral kami ng kinder,grade one, at grade two mgakasama kami. Mas lalo kaming nagkasundo ng malaman ko na hindi niya pa nakita ang kaniyang Daddy, katulad ko hindi ko pa nakita ang Daddy ko. Ang pinagkaiba lang ay nasa ibang bansa ang kaniyang Daddy, ako naman hindi ko alam kung na saan.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil pareho ko silang matalik na kaibigan. Pakiramdam ko tinatraydor nila akong dalawa.

Pero mas nasasaktan ako sa katutuhan na may nararamdaman ako kay Paul. Simula noon hanggang ngayon. Umasa ako noon na sana pareho kami ng nararamdaman. Pero simula ng malaman ko na naging sila, pumasok sa isip ko na bilang isang kaibigan, kababata o kapatid na babae lang ang turing na sa akin. Kaya simula rin noon hindi na ako umasa na magiging kami sa pagbalik niya.

Nalaman ko ang tungkol sa kanila noong sinabi ko sa mga kaibigan ko ngayon ang tungkol sa pagkakaibigan ni Paul at Leah. Kinwento ko sa kanila simula ng makilala ko si Paul at Leah. Lahat-lahat na sabi ko sa kanila noong nasa grade eight palang kami. Simula grade 7, grade 8 hanggang sa gumraduate kami ay magkabigan na kaming apat. Noong sinabi ko sa kanila na hinadi ito nagparamdam sa akin simula ng pumunta ito ng France, sabi nila hanapin ko raw sa Facebook. Facebook?

Flashback

"Almost two years na siyang hindi nagparamdam sayo?" Gulat na sabi ni Cris sa akin.

Nandito kami kami ngayon sa bahay nila Arrah. Halos magkakatabi lang ang bahay namin dito sa Heaven Village. Dito rin kami nagkakilalang apat at iisa lang ang pinapasukan namin na paaralan malapit lang din dito sa Heaven Village.

"Oo" yun lang ang na sabi ko.

"Ano naman ang dahilan niya kung bakit hindi na siya nagparadam sayo?" Sabi ni Rachelle

"Hindi ko nga alam eh, hindi ko alam kung papaano ako siya tatawagan o itetext wala na akong number niya. Hindi naman kasi siya nagrereply sa text at tawag ko eh, kaya tinapos ko na yung lumang sim kung saan andun number niya." Mahabang sabi ko. Nakatingin lang sila sa akin

"Pinanganak ka ba noong sinauna Badeth? Anong silbi ng Facebook aber?" Sabi ni Arrah na parang hindi makapaniwala.

"Oo nga, pwede mo naman siyang hanapin sa facebook, imposible namang wala siyang facebook diba?" Sabi ni Cris.

"Ano pa inaantay mo? Buksan mo na ang facebook account mo tapos search mo pangalan niya. Lalabas agad yun." Sabi ni Rachelle

"Wait ngalang anong facebook pinagsasabi niyo, eh wala naman ako non" sabi ko . Nagulat ako ng sabay sabay siang simigaw.

"What?" Sabay nilang tanong.

"Bakit?" Tanong ko naman.

"Anong bakit? Pinanganak ka nga noong sinauna" sabi ni Arrah. Natawa kami sa sinabi niya .

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon