Simula
Him
I was looking for something when my mom called me.
"Luna, come here. We have a new neighbor, they're from Korea. Give our welcome present to them." ngumiti sa akin si mommy at hinalikan ang aking noo.
Nagtaka naman ako kaya sumilip ako sa bintana at nakita ko ang isang batang lalake na nakatalikod habang may bitbit na box papasok sa kanilang bahay. Habang ang isang babae ay kinakausap ang driver ng truck. It must be his mom.
Nanlaki ang aking mata ng biglang tumingin sa gawi ko ang batang lalaki kaya nagulat ako at agad na hinawi ang aming kurtina. Huminga muna ako bago lumabas sa aking kwarto at pinuntahan si mommy sa labas.
"Bigay mo ito anak, iwelcome natin sila bilang kapitbahay." hinaplos ni mommy ang aking buhok. Tumango naman ako at hinanap ang aking tsinelas pang labas bago tuluyang lumabas ng bakuran.
"Magandang umaga po." yumuko ako at inabot ang dala kong pagkain. Ngumiti naman sa akin ang babae at tinapik ang aking braso.
"Kamsahamnida. Aw! Sorry dear... thanks for the present my dear. We are so pleasure to stay here..." napangiti rin ako ng sabihin nya iyon at tinanong ang aking pangalan.
"You can call me Luna po." tumango naman ang matandang babae.
"Wala kaming dala kahit ano... We didn't expect na sa unang araw pa lang ay may mag wewelcome na sa'min.." nahihiyang ngumiti ang matandang babae.
I smiled a bit. "It's fine po..."
"You can call me Mrs. Jeon, if you have a free time kayo ng parents mo I would like to invite you sana bukas, para sa dinner." tumango-tango naman ako at ngumiti ulit.
"Sasabihin ko po sa kanila..." tumango naman si Mrs. Jeon at nang magpapaalam na ako ay biglang lumabas ang lalaki na nakita ko kanina.
"Oh, Luna! Here's my son, you can call him Jungkook.."
Napakurap ako nang magtitigan kami. Ang puti nya! Nag-usap silang dalawa ng kanyang nanay sa lenggwaheng hindi ko maintindihan. Lumingon naman sa akin ang matandang babae at ngumiti. Mahahalata mong hindi talaga sila taga rito. Tuluyan na akong nagpaalam at ng aalis ako ay biglang nag salita ang batang lalaki.
"Wait..." napahinto ako at napabaling sa kanya. Nakaramdam naman ako ng hiya ng makitang nakaharap sya sa kanyang nanay na nagsasalita at siya na mukhang napatingin lang sa akin dahil napahinto ako.
"Mauna na po ako... Kinagagalak ko po na maging kapitbahay namin kayo." nag bow ako at tumalikod na. Napapikit ako ng mariin at patakbong bumalik sa bahay. Nakakahiya!
Kinabukasan ay pumunta ang mga kaibigan ko sa aming bahay upang bumisita at pag usapan ang nalalapit na pasukan namin. Sinalubong ko naman sila sa gate ng makita ko silang isa-isang bumaba sa iisang sasakyan.
"Malapit na ang pasukan natin!" sigaw ni Bea. Ngumiti naman ako at tumango.
"Ayoko pang mag pasukan..." ani Kalel na ngayon ay kumakain ng sitsirya.
Pinayagan ako ni mommy na papuntahin ang mga friends ko rito sa bahay dahil wala naman akong kasama kundi si Manang.
"Boring mo naman, Kalel." tumatawang sambit ni Cindy.
Ngumiti lang ako sa kanila habang pinapanood silang mag-ingay. Nang masagi ng aking paningin ang labas ng bintana namin at napatingin ako sa tirik na araw pabalik sa kanya.
Tanghaling tapat nag didilig sya? Inabot ko ang aking baso at tumungga ngunit ng pag lingon ko ulit sa kanya ay nasamid ako.
Nag katitigan kami! Nag taas pa sya ng isang kilay ng mapansin nyang nasamid ako.
