Kabanata 3

31 7 0
                                    

Kabanata 3

Shirt

Napakurap ako sa biglaang pagsabi ni Jungkook parang ang dali lang sa kanyang sabihin yon? Hindi ba siya nahihiya? Kasi kung ako, hindi ko kakayanin sabihin iyon harap-harapan. Can't we just pretend that we're on a good terms? Nagpaalam na ako sa kanila na mag papalit at dumiretso sa aking kwarto. Nagbuntong hininga ako at humalukipkip. Ayoko nang bumalik don, naiilang na tuloy ako! Pero bakit ko ba ginagawang big deal ang sinabi niya?

Pilit kong hinanap ang aking bag para makapag simula na akong magbasa at pag-aralan ang posibleng maging lesson namin kinubukasan nang bigla akong napapikit ng makalimutan ko ang bag sa kusina! Nag dadalawang isip pa ako kung lalabas ba ako o hindi, but it's my house!

Inis akong lumabas sa kwarto at hinanap si manang upang tanungin ang bag ko kung pwede niyang makuha sa kusina. Naririnig ko ang tawanan nila mommy ngunit di ko makita si manang.

"Manang? Patawag si Luna please," rinig kong banggit ni mommy pero ilang minuto ang lumipas at halos nilibot ko na yata ang bahay namin pero hindi ko makita si manang kaya na pagdesisyunan kong lumabas at pumunta sa paborito kong pwesto kung saan lagi kaming nag-uusap ni William sa phone.

Nanlaki naman ang aking mata dahil nakita ko si manang sa tabi na hawak ang aking bag. Ngunit nagulat ako dahil nang akmang tatawagin ko na siya ay may nagsalita sa aking likuran.

"What are you doing?" mabilis akong lumingon at nakita ko si Jungkook sa aking likod na nakapasok ang dalawa niyang kamay sa bulsa!

Kumunot ang aking noo at bahagya siyang natulak.

"Huh?"

Tumingin siya sa aking damit pabalik sa akin.

"What are you doing here?" taka naman akong nakatingin sa akin. What am I doing here?

"Dito ako nakatira? Kaya I'm supposed to be here?" nagt aas siya ng kilay at tinikom ang kanyang bibig upang pigilan ang kanyang tawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman ah.

Humalukipkip siya at tumango na lang.

"Are you alright?" napakurap ako at nag-iwas ng tingin.

"Yeah." narinig ko ang kanyang pag buntong hininga.

"Here," may inabot siya sa aking white shirt.

"Anong gagawin ko rito?" kunot-noo kong tanong.

"Natapunan kita kanina and I don't like saying sorry if it's not that serious." my jaw dropped when he said that and then umalis!

Aba, ang kapal ng mukha!

"Really, Jungkook? Really?!" sigaw ko na gusto niyang marinig. Ang sama ng ugali! Tamang rason na pwede akong magkasakit dahil natuyan ako ng malamig na tubig! And yet, di siya mag sosorry? Dahil hindi naman daw seryoso? Pinapatawa ba ako ni
to o sadyang utak abo lang ang meron sa kanya? My jaw clenched at tinitigan ko ang white shirt niyang binigay sa akin.

Tss! Binato ko sa kung saan ang ibinigay niya sa akin at diretsong pumasok sa harapan ng bahay. Naabutan ko pa siya at malakas na dinunggol at inirapan bago pumasok muli sa aking kwarto! Matutulog yata akong may sama nang loob sa isang tao. Damn him. May itsura nga, di naman maganda ang ugali.

Kinabukasan, maaga akong nagising kaya nagkaroon pa ako ng oras na hanapin ang name tag ko dati kaysa bumili ng bago. Naligo na ako at nag-ayos upang maaga akong makapasok. Nag uniform na ako at nag lagay ng extra sa aking bag kung sakaling may mangyari na naman ngayon sa akin sa school.

"Hija... gising ka na ba?"

"Opo, manang! Saglit na lang po," rinig ko nag yabag ni manang paalis sa harap ng aking kwarto kaya nag madali akong isuot ang necktie at lumabas ng kwarto.

"Luna... sumabay ka na sa akin kumain. Buti na lang at naabutan mo ako," ngumiti naman ako at hinalikan sa pisngi si mommy.

"Morning, mommy."

"How's your first day of school?" napanguso naman ako sa aking naalala.

"Maayos naman po. Mag kaklase pa rin kami nila Cindy,"

"Wow! mainam iyan but don't rely on them too much huh," I smiled a bit. She's right. Kailangan kong hindi maging depende sa anumang bagay at lalo na't hindi na ako pabata dahil patanda na ako. Malapit na akong mag eighteen at 2 years na lang iyon kung kaya't mainam na matuto na akong tumayo sa sarili kong paa.

"Sabi ni Jungkook, sobrang pagod ka raw kahapon kaya hindi ka na namin pinakatok kay Manang, hindi ka kumain kagabi..." napaisip ako sandali. Sobrang pagod?

Umiling ako.

"It's fine, mommy."

"Anak... your daddy will go home too soon. He wants you to finish your grade 10 with highest honor but... I don't want you to feel pressured by that. Pinag-usapan na rin namin ang pag-aayos ng passport mo, just in case na pag-aralin ka namin sa ibang bansa." natahimik ako ngunit nagsimula na akong kumain habang nakikinig kay mommy. Pa minsan-minsan ako naman ang nag kwekwento sa aming dalawa at ng tapos na akong kumain nag paalam na akong papasok at sinabing maghihintay na ng taxi sa labas.

Biglang tumawag sa akin si William at bigla akong naawa dahil halatang hindi siya nakakatulog na maayos.

"William?"

"Katrina... Good morning. Papasok ka na ba? Should we drop the call?" ilang segundo ang lumipas na hindi ako kumibo dahil pinagmasdan ko ng matagal ang kanyang mukha.

Bumuntong hininga ako at pinanood lang siyang tumayo at pinakita si tita na ngayon ay mahimbing ang tulog at maraming nakalagay sa kanyang katawan at bibig.

"Nasa hospital ka pa rin?" tanong ko. Binalik na niya ang cam sa kanyang mukha at tumango naman siya.

"Tumataas ang bill ni mama... Hindi ko na alam gagawin ko dahil gusto pa ni mama na makita kaming maging successful. Ayaw niya rin akong pahintuin,"

Nag alala naman ako sa kanya at sinabihan siyang mag pahinga na dahil may pasok pa siya bukas at klase. Kahit anong advice naman ang ibigay kay William hindi niya ito tinatanggap at iyon ang pinaka ayoko naman sa kanya. Matigas ang ulo.

"Okay... Ikaw mag baba ng tawag..." sa isang malalim na boses. Tumango naman ako at nag paalam na bago patayin ang tawag. Pag tapak ko pa lang sa labas ng aming gate na pahinto ako ng makita ko si Jungkook na dahan dahan pinulot ang shirt na binigay niya sa akin na tinapon ko. Bigla akong nakaramdam naman ng guilty ng mag tama ang aming mga mata.

"You don't like shirt? Then what do you want?" seryoso siya, walang ngiti sa kanyang mga mata. Nag iwas ako ng tingin at hindi na siya pinansin ng may taxi nang huminto sa aking harapan at umupo na ako roon. Tinanong naman ni manong kung sasabay si Jungkook ngunit mukhang alam niya na maiinis ako kapag mag kasama lang kami ay humindi siya kay manong kahit alam niya sa sarili niya na late na siya. Sus, kunwari gentlemen pero fuck shit pala. Kairita, di ko alam pero naiinis ako kapag nakakasalamuha ko siya or nakikita. I don't hate him, its just I don't like his presence because it makes me uncomfortable and feel insecure!

Dreaming Of You | (BTS Series #1)Where stories live. Discover now