Kabanata 7
Rain
I licked my lower lip. Nag simula na akong kumain at hindi na hinintay ang pag dating nila Bea. Pagbalik nilang dalawa ni Kalel ay tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila habang pilit inuubos ang pagkain sa aking harapan.
"Binilhan mo pa rin ako? Tss."
"Sinabi ko na sayo diba? Bakit kasi hindi ka nakanig,"
"Excuse me, sino kaya ang ang makulit dito na bumili pa rin kahit narinig naman ang aking sinabi. Ang kuripot mo kasi kaya paano ako maniniwala sayo?"
"Bea, be thankful that Kalel brought you your favorite food nag rereklamo ka pa, hindi ka pa naman nakakabili ng sa iyo." si Cindy. Iritado naman si Bea na humarap sa kanya.
"Shut up, kung gusto mo bilhan mo rin ako para makasama ka rin sa usapan namin ni Kalel at para may ambag ka rin sa pag-uusap namin?" ani Bea. Napatikom naman ako ng bibig, naspeechless sa sinabi ni Bea. Mainitin na talaga ang kanyang ulo at normal na sa kanyang ganunin kami pero makatotohanan ang lagi nyang sinasabi.
"Thanks, Kalel. Na appreciate ko naman ito. Small things are matter to me." humarap sya kay Cindy. "Next time, huwag kang sumabat sa usapan lalo na't hindi ka kasama, sweetie. Don't get hurt, it's just a fact." Bea smiled sweetly at tumayo na, siguro may balak pang bilhin.
"Don't mind Bea, Cindy. She's just acting like herself again.'" ani Kalel.
Tumikhim naman si Cindy at tumayo na rin ako. Napaangat naman ng tingin sa akin si Kalel.
"Mauna na ako sa room," narinig ko naman ang pagbaba ni Cindy sa kanyang tinidor.
"Mauna na kami ni Luna sa room. Goodbye, Kalel. Pakisabi na lang kay Bea," she chuckled and held my arms. Siguro upang pigilan ako sa pag-alis.
I awkwardly smiled at them. Ano pa ba nag dapat pag-usapan namin ni Cindy?
"What do you need?" kunwaring nagulat sya pero agad din nawala ang ekspresyon niya na 'yon.
"About you and Jungkook. What is your relationship with hi-" I cut her off.
"I've already told you, Cindy. Nakakapagod kung paulit-ulit sasabihin ang useless na tanong," bumuntong hininga ako at tinanggal ang nakaangkla niyang braso sa aking braso.
"If you like him, then do an effort. Hindi yung kapag may nakita ka nang hindi mo gustong makita, you will confront it even you're not his girlfriend."
Nag kunwaring nagulat si Cindy at napahinto s'ya habang ang dalawang kamay at nasa kan'yang bibig. I looked at her, emotionless.
"Really, Luna?" she smirked. "May alam ka ba sa amin?" she teased me by slightly slapping my face.
"Oh sweetheart, you don't know anything. Malay mo, girlfriend na ako. Kabit ka lang? Be careful next time, watch your words." she smiled sweetly at me. Nauna na s'yang maglakad pabalik sa classrom habang ako naman ay walang masabi.
Pigil hininga akong bumalik sa classroom. Hindi nagpakitang apektado sa sinabi ni Cindy, pero hindi naman talaga ako naapektuhan. Lutang akong bumalik sa aking desk ng nadunggol ko si Celestine.
"Oh sorry!" ani ko. Hinawakan ko naman ang kan'yang braso at tila'y nagulat siya kaya agad ko itong binitawan.
"Hindi ko napansin, may iniisip lang. Sorry, I'll be careful next time."
"It's fine, I'm sorry rin..." sabi niya gamit ang mahina at mahinahong boses niya bago nakayukong lumabas sa classroom. May ilang minuto pa bago muling mag simula ang klase. Bumalik naman na ako sa aking upuan at nagsimulang mag lipat na lang ng mga lectures.
"Shut up Kalel! I'm pissed, pwede ba bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo? Nakakapikon na," rinig ko ang malakas na tawa ni Kalel at pagpasok nito sa classroom dala-dala ang isang strawberry dutch milk at nilapag ito sa aking desk.
"Masyadong mainit ulo mo Bea. Kung ayaw mo, itapon mo na lang binili ko sa'yo." ani Kalel sa seryosong tono. Kumunot noo naman ako, at natahimik naman si Bea.
"Hindi bagay sayo Kalel. Stop that act," sambit ni Cindy at inilabas niya ang kan'yang chanel foundation powder.
Hindi naman kumibo si Kalel hanggang sa magsimula na ang klase at matapos ito. Pasulyap-sulyap naman si Bea sa amin, alam kong ramdan niyang wala sa mood si Kalel ngunit ayaw niyang humingi ng tawad.
Nag dismissed na ng klase at isa-isa nang tumayo lahat. Masasayang tawanan at ingay ang maririnig pagkalabas ng aming teacher.
"So, let's go na?" masayang tanong ni Bea, to enlighten our mood.
"May service ako ngayon. Ihahatid ko na si Luna, mauna na kayo ni Cindy." kinuha naman ni Cindy ang kan'yang bag at ginalaw niya ang balikat. Tahimik naman akong nakikinig sa kanilang usapan.
"If that so, and then, Bea let's go."
"Do we have a problem Kalel?" tanong ni Bea. Binalewala ang sinabi ni Cindy.
"Nothing," kinuha na ni Kalel ang kanyang bag at nilagay niya ito sa kanang balikat niya. Sinubukan ni Bea sundan si Kalel ngunit hinawakan ko ang kamay nito upang pigilan siya.
"Stop, you chasing him is not the solution. Nagtatampo 'yan kasi binilhan ka n'ya ng food pero nagalit ka,"
Binawi naman ni Bea ang kan'yang kamay at nagkabit balikat ito.
"Hindi na siya nasanay sa ugali ko! Na appreciate ko naman, but gano'n lang talaga ako." she pouted her lips.
"Say sorry to him, mag explain ka rin,"
Tumikhim si Cindy. "Let him muna, gawin n'ya gusto niya. Hayaan niyi munang maging gano'n si Kalel."
Iritado akong tinignan ni Bea pero ngumiti lang ako at tinapik ito sa balikat bago sila lampasan ni Cindy.
"Mauna na ako," tumingin ako kay Cindy. Tumango naman ito sa akin.
Naabutan ko si Kalel na hinihintay ako sa labas ng classroom at may dalang nakabukas na payong. Tinignan ko ang ulap, at mukhang uulan nanaman yata.
"Sumabay ka na sa'kin. Ihahatid na kita sa bahay n'yo. Uulan na Luna," hindi naman na ako kumibo at tumango na lang ako. Saktong paghawak ko sa kan'yang braso ang biglang buhos ng malalakas na ulan. Patakbo naming ginawa ang pagpunta sa silungan kung saan antayan naman ng service na malapit lamang sa station ng taxi. In that scenario, I saw him. Nagkatinginan din kami bago malipat ang kan'yang paningin kay Kalel.
Mas lumakas lalo ang patak ng ulan kasabay ng pagrami ng estudyante sa gawi nila Jumgkook kumpara sa'min dahil mas malapit ang lalakarin o tatakbuhin ang pwesto nila Jungkook.
A group of boys went to his place and tapped his shoulder. Ngayon ko lang s'yang nakitang ngumiti... Bunny smile.
"Lumalakas pa yata ang ulan. Mukhang mahihirapan ang kotseng sunduin tayo rito, mas mataas ang lupa sa istasyon ng taxi kumpara rito," binuksan muli ni Kalel ang payong.
"Patilain na lang natin ang ulan..."
"Hindi pwede, gagabihin tayo, may quiz pa tayo bukas." biro ni Kalel. Natawa naman ako at hinawakan muli ang kanyang braso. Kinuha naman niya ang aking bag bago kami muling tumakbo at sumilong kung nasa'n sila Jungkook.
"Bro! Kalel, kumusta ba?"
Napatingin naman ako sa kanila at naabutan ko si Jungkook na mariin ang tingin sa akin habang inaasar siya ng mga kaklase niya sa babae.
"Type ka nga raw ng pinaka maganda sa batch natin,"
"Kung ako sa'yo, ask her out na!" biruan nila ngunit pangiti-ngiti na lang si Jungkook na hindi labas ang ngipin.
"Hi Luna! you still looked fresh kahit basang basa na,"
"Alaga ko ba naman bro," asar ni Kalel. Kinurot ko naman ito at nakitawa na lang din. Alam naman siguro ni Jungkook na biruan lamang ito dahil alam naman nilang lahat na mag kaibigan lang kami ni Kalel.
"Are you dating her?" natahimik. ang lahat ng itanong ito ni Jungkook. I licked my lower lip at tinignan ang kanyang nakatingin na mata sa akin.