Kabanata 5
Umbrella
Bitbit ko ang aking mga libro habang nag lalakad sa antayan ng taxi. Malakas ang hangin kanina kung kaya't kahit mainit, hindi naman ramdam. Napapikit ang aking isang mata dahil sa muling pag hangin na malakas at pag lipad ng alikabok.
Sinubukan kong tumingin sa ulap at nakita ko itong makulimlim. Kailangan ko nang makapunta sa waiting shed para sana kahit umulan hindi ako mababasa. Hindi ko naman pwedeng gawing pang takip ang aking mga libro dahil hindi sila pwedeng ma basa ng ulan.
Bahagya akong napatalon dahil sa kulog kung kaya't patakbo akong pumunta sa waiting shed.
"Wag ka sanang uulan..." matagal pa bago dumating ang taxi at kung uulan wala akong dalang payong, ang option ko na lang is hintayin tumila ang ulan hanggang sa makauwi.
Pero ang tanong... hanggang kailan uulan?
"Oh, si ball girl," napa-angat ako ng tingin dahil sa aking narinig. Hindi kalayuan sa akin si Jungkook pati na rin ang nag ngangalang James na siya rin ang tumawag sa akin na ball girl.
Ball girl?
Nag-iwas ako ng tingin at hindi na lang sila pinansin. Pinagmasdan ko ang mga estudyanteng lakad takbo ang ginagawa upang hindi maabutan ng ulan.
"Di ka ba nahihirapan sa Pre-cal? Kauumpisa pa lang ng klase ganyan na ang bungad sa atin." rinig kong sambit ni James.
"I'm not fluent in tagalog. I'm trying my best tho," kasi di niya maintindihan kapag nag e-explain.
Hindi ko sila pinansin at hinayaan na lang mag-usap habang ako ay nag-aantay ng taxi.
"Uy... Katrina..." napalingon ako sa tumawag at napa kunot ang noo. Who is this?
Patingin tingin siya sa aking likod. Nag taas ako ng isang kilay. Probably, kilala ako na hindi ko naman kilala. Papansin lang. Nag ngingisngisan sila ng kasama niya. Probably, her friend.
"Bye, bro... ingat ka na lang." napabaling ako sa kanila ng marinig ko ang boses ni James. Nag katinginan naman kami ni Jungkook habang papasakay na siya.
"Gusto mo bang sumabay?" nag kabit-balikat ako at tumingin sa aking likod. Sino ba kausap neto?
"H-ha? May service ako Jungkook..." nag tataka akong napatingin sa babae.
Hihintayin ko na lang ang next na taxi. Hindi naman siguro ako maabutan ng ulan. Narinig ko ang pag-ismid ni Jungkook.
"That's great... but I'm talking to Luna." my eyes widened open and looked at him with a shock. Ako? at kailan pa kami naging close?
Napahiya naman ang babae at marahas siyang hinablot ng kaibigan niyang babae.
"Alis na tayo! Hindi ka niyan papansin... si Luna ang napansin... pabida kasi." rinig ko.
Aba! kapal naman yata. Pahakbang na sana sa direksyon ng dalawang mag kaibigan na biglang kasabay ng pag buhos ng mga patak ng ulan ang muling pag tawag sa akin ni Jungkook.
"Luna, get in!" napa iling ako at patakbong sumakay, at bago lumakas ang buhos ng ulan, naisara na ni Jungkook ang pinto ng taxi.
Hindi ako kumibo at tumingin na lang sa labas ng bintana. Wala rin sa aming parehas na kumibo.
"Anong village po?"
"Eastridge Subdivision po," ako na ang nag salita. Nag katinginan kami ni Jungkook at nag taas siya ng kilay. Inirapan ko naman siya at nag kabit balikat.
Malamig sa loob ng taxi lalo na't malakas ang ulan.
"Are you cold?" umiling pa rin ako kahit na nilalamig.
Ilang minuto ang lumipas ng biglang nag preno ng malakas si manong. Nagulat ako at napasinghap ng hinawakan ni Jungkook ang aking braso na mahigpit upang hindi tumama ang aking sarili sa upuan ni manong.
"Okay ka lang ba?"
Papikit-pikit ako at hindi nakakibo. Inis na lumingon si Jungkook sa manong.
"What's wrong?"
"Nako, Hijo... pasensya na. Mukhang nasiraan pa tayo sa gitna ng kalsada." nanlaki ang aking mata sa aking narinig at ng makabawi sa pagkagulat ay binawi ko ang aking braso kay Jungkook. Nakita kong napatingin sa akin si Jungkook ngunit hindi ko na lang siya pinansin.
"Wala na po kaming masasakyan, manong. Malakas pa po ang ulan, saan po kami makakahanap ng masasakyan?" medyo may pag kainis kong tanong. Hindi ba niya chineck ito, bago siya mamasada?!
"Tatawag po ako ng iba para sila na lang po mag hatid sa inyo.. pasensya na hija at hijo. Di ko naman inaakalang masisira ngayon ito." mag sasalita pa sana ako ng sumingit si Jungkook.
"No need po, dito na lang po kami bababa. " nag abot ng bayad si Jungkook sa manong at napakamot naman ng noo si manong. Binuksan ni Jungkook ang kanyang payong ng binuksan niya na rin ang pintuan. Sumunod na rin ako sa kanya at sa kanyang pwesto na rin ako dumaan.
Napakapit ako sa aking sarili dahil sa sobrang lamig. Kinuha naman ni Jungkook ang aking gamit at hinayaan ko na siya. Itinuro niya maliit na cafe at agad ko naman itong naintindihan. Bahagya kaming nababasa dahil maliit lamang ang payong na kanyang dala.
Pinag buksan naman niya ako ng pintuan at pinauna. Nag hanap naman ako ng uupuan namin at nahagip ng aking mga mata ang iilang estudyante galing sa ibang school na pinag uusapan si Jungkook. He steal my attention when he brushed backward his hair at medyo kumapit ang uniform na suot niya sa kanyang katawan dahil medyo mabasa.
"You want coffee?" tanong sa akin ni Jungkook ng makalapit.
"Yes, please." nag abot ako kanya ng bayad kaso hindi niya kinuha.
"My treat," pagkasabi niya ay inabot niya sa akin ang t-shirt na kanyang binigay.
"There's a restroom here, maybe you must change your uniform. It's wet." napatingin ako sa aking uniporme at bahagyang nakikita na ang aking balat dahil sa pag kabasa.
Bumuntong hininga ako at tumayo na. He's right, nakikita ko na rin ang pink kong bra. Nakatulala ako sa salamim dito sa restroom ng cafe at pinagmamasdan ang sarili, wala ng kaayos-ayos ang aking buhok pati na rin ang aking make-up.
Napanguso ako sa suot ko dahil sa dumi na nakadikit dito. Ganito pala ang purpose kung bakit napunta pa hanggang school itong bigay niyang t-shirt. Hindi naman totally na basang basa ang aking uniform dahil may nakapatong pa itong blazer, pero bahagyang nasisilipan na ako. Nag simula ko nang suklayin ang aking buhok at ayusin ang bangs bago mag polbo, pag katapos pilit kong pinagkasya ang uniform sa bag na dala.
Isang pasadang tingin muli ang iginawad ko sa salamin bago ako lumabas at naabutan ko si Jungkook na nakaupo sa aming lamesa habang nasa harap niya ang aking order. Nakaharap ang kanyang pwesto mula sa aking tinatayuan at habang ang aking pwesto ay patalikod kung kaya magkaharap kami ni Jungkook. He caught my eyes immediately and he sipped on his drink while watching me intensely walking towards him. Napatikhim naman ako at umupo.
"Thank you..." mahina kong sabi.
Ibinaba naman niya ang kanyang order at bumuntong hininga.
"Drink your order while it's hot." tumingin siya sa labas at nanatili pa rin na malakas ang ulan.
"We should wait for another taxi na lang sana. Hindi ako pwedeng gabihin..." I said while sipping my drink.
He clenched his jaw and looked at his watch.
"Don't worry, I'll explain to your mom kung bakit nadelay ka ng kaunti sa pag uwi,"
"No thanks, I can explain it to her alone." nagkatinginan kami ngunit nag iwas na ako ng tingin at kinuha isa-isa ang aking libro na nakapatong sa lamesa. Medyo nabasa ito pero dahil mukhang iningatan naman niya.
"Medyo nabasa book mo, I'm sorry."
"Okay lang, nababasa ko pa naman." ramdam ko ang kanyang titig ngunit hindi ko iyon pinansin.
"That guy... it is your boyfriend?" na tigil ako. Who? Kumunot ang aking noo.
"Who?"
"Yung lagi mong kasama."
Humalukipkip ako at bumuntong hininga. Why is he asking me this? Dahan dahan akong umiling at pagkailing ko ay wala na siyang sinabi pang muli.