Kabanata 1

45 7 1
                                    

Kabanata 1

Transferee

Ilang linggo ay nagsimula na ulit ang pasukan at panibagong pakikitungo ang aking gagawin kung sakaling malagay ako sa ibang section. Bumaba na ako sa taxi at dumiretso sa main gate, ang mga estudyante ay mga nag kukulumpunan sa isang sulok kung saan nakasulat sa isang bond paper ang aming pangalan kasama ang aming section ngayong taon.

Bumuntong hininga ako at humakbang palapit sa billboard. Nakipag siksikan ako ng kaunti upang makalapit lamang do'n. Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa makita ko ang aking baitang at sinimulan ang paghahanap sa aking pangalan.

"Yes!" rinig kong sigaw ng nasa likod ko.

Mga nagtawanan ang nasa gilid ko at nagngitian dahil sa sayang magkakasama pa rin sila.

"Sabi ko di tayo maghihiwalay ngayong taon."

Sumimangot naman ako at tinignan muli ang akin. Maiinis na sana ako kasi andaming bagong pangalan sa aming year kung kaya't nahirapan akong isa-isahin. May narinig pa akong bulungan sa aking likod.

"Si Luna ba 'yon? Kaibigan nila Cindy?"

"Oo, wag tayo maingay baka marinig tayo."

"Edi bigatin din?" tanong ng isa.

"Ewan. Di ko naman iyan nakikitang hatid sundo ng kotse e, baka social climber..."

"Shh!" di ko sila pinansin kahit naririnig ko ang malakas nilang boses. Tumigil lang sila dahil may sumuway sa kanila at ng mahanap ko ang aking pangalan na kasama ng pangalan ni Cindy sa science section o advance section na kanilang tinatawag ay bigla akong natuwa!

"Excuse me!" sigaw ko at pumilit na lumabas sa maraming tao at nag simula na akong tumakbo nang mabilis.

Tinitignan ko ang mga pangalan ng section na aking nadadaanan at ng makita ko ang aking section ay dali dali kong binuksan ang pintuan ng room at ang unang bumungad sa akin ay isang malamig na hangin na nagmumula sa aircon.

Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko sila Cindy na nakatingin sa akin at kumaway ng bahagya bago tumingin kay Bea na nakangiti sa akin.

"Hello there!" bati ni Kalel at inakbayan ako. Inilapag ko na ang bag ko sa katapat nilang upuan at naki upo na ako sa kanila.

"May bago tayong kaklase na babae," ani Bea habang pinapaikot ang dulo ng kanyang buhok.

Nalingon ako ng masamid si Kalel.

"Mainam na marinig. Sawa na ako sa inyong mukha, gusto ko bago naman." aniya.

"Trust me, Kalel. Pati rin kami sawa na sa mukha mo." saad ni Cindy na ikinatawa namin.

"Well said, Cindy." lumingon siya sa akin at kumindat. "I know right, sweetie."

"Shut up, hindi kayo nakakatuwa," inasar-asar ni Bea si Kalel ng biglang may isang maputing babae ang pumasok at umupo sa bakanteng upuan sa harap.

Suminghap si Bea at naki usisa naman si Kalel. "You know her, Bea?"

Napalingon kaming pareho ni Cindy sa kanya. Mabilis naman kumunot ang kanyang noo at umiling. "No way." she rolled her eyes.

Napatingin ako sa babaeng transferee na nakaupo sa harapan namin habang naka talikod. I observed her quietly, light brown ang kanyang buhok. Naiintindihan kong si Bea ang pinaka mataray sa amin at hindi friendly kung kaya't mabilis siyang mainis kapag may bago kaming kaklase dahil sa 'adjust'​ na gagawin muli.

"Hello..." bahagya siyang nagulat at napalingon sa akin. Ngumiti siya sa akin at magsasalita na sana ng biglang pumasok ang teacher.

Napangiwi ako sa sakit ng bigla akong hinila ni Bea. Ano bang problema nito?

"Don't talk to her, Luna!" giit niya. Kumunot ang aking noo kaso nag iwas siya ng paningin.

"Kailan ka pa naging friendly sa iba?" tanong ni Cindy at humalukipkip. Napatikom naman ako at napatingin sa likod ulit niya. Kilala kasi kami dahil kay Cindy, siya lagi pinanlalaban sa aming classroom kapag kailangan ng muse at si Kalel naman ay sa quiz bee habang si Bea ay top 2 sa amin. Average lang ako samantalang sila ay mayaman talaga at kilala ang pamilya. Nag papasalamat ako dahil pinili pa rin nila akong maging kaibigan.

"Ha! Luna is changing, can't you see girls? Gayahin niyo kasi huwag mag pakabitch." siniko ko si Kalel na inirapan naman nila Cindy.

Natahimik lang kaming lahat ng may pumasok sa isang pintuan at iniluwa roon ang isang magandang babae na may dala dalang mga libro.

"Good Morning, Class. My name is Rosalina Fernandez but you can call me ma'am Rose," pakilala niya sa amin.

"Gusto ko sana kayong makilala isa-isa, but I guess you're not a kid anymore.." mahina siyang tumawa at tumingin sa amin isa-isa.

"Since mag sisimula pa lang ang pasukan at wala pang id...." nag-isip siya saglit ng sasabihin

"Maybe, you can use a name tag? Para hindi tayo mag kalituhan sa isa't isa." bahagya siyang ngumiti at sinabi sa amin ang expectations niya for us. Bumaling ako sa bintana at pinanood ang mahinahong paglipad ng mga puno dahil sa hangin.

"That's all for today, class. Alam ko namang di pa kayo ready sa biglaan na klase." pag kasabi niya biglang tumunog ang school bell, hudyat na break time na namin. Nagsitayuan naman na ang mga kaklase ko at sari-sariling kuhanan ng gamit.

Pinagmasdan ko si ma'am Rose na masaya kaming pinapanood na lumalabas. Ang pansin ko sa kanya ay mahilig siyang mag biro.

"Hindi ka ba lalabas?" tanong ni Kalel. Para akong natauhan at tinignan sila Cindy na nakaabang sa akin. Tatayo na sana ako ng mahagip ng aking mata ang transferee na babae na mag-isa sa kan'yang upuan habang natatakpan ng kan'yang buhok ang kan'yang mukha. Hindi ko na lang siya pinansin dahil naiirita nang tumatawag sa akin si Bea.

Mabilis na akong tumayo at sumabay sa kanila. Diretso ang aking tingin nang biglang madunggol si Bea nang isang estudyante at natapunan ang kanyang uniform ng ka-onting mantsa.

"What the-"

"Sorry! Nagmamadali kasi ako." napasinghap ako dahil tinampal ni Bea ang kamay ng babaeng balak punasan ang kaniyang uniporme.

"Bea..." hawak na ni Kalel ang braso ni Bea habang tinawag ni Cindy si Bea. Napalingon ako sa paligid at kahit papaano ay may nanonood dahil na dadaan sila sa gawi namin.

Nauna na ako sa kanilang mag lakad at hindi na sila sinabayan.

"Tara na. Sayang ang oras, tumatakbo." bumuntong hininga si Kalel ay sinabayan na ako sa pag lalakad.

"Hirap niyo talagang kontrolin." iiling-iling nasambit ni Kalel sa aking gilid. Napangiti ako at nakatingin sa gawi niya ng nakapasok na kami sa loob ng canteen.

"Ayaw mo 'yon?"

Natigilan ako dahil bigla akong hinawakan sa braso ni Kalel pero mas nagulat ako dahil may tumapon na malamig sa aking mukha. Inis akong lumingon pero hindi ko inaasahan kung sino ang naka tapon sa akin ng tubig.

"Transferee?"

Rinig kong bulungan sa gilid.

"Ang gwapo! May lahi yata siya e,"

"Halata naman! Baka Koreano. Gusto kong mag palahi..." hagikgik ng isang babae sa aking gilid. Nag salubong naman ang aking kilay dahil sa mga kabastusan na aking narinig. What was that for? Praising him in a inappropriate manner?

"Are you alright?" biglaan niyang tanong. Bahagya pa akong natawa bago sagutin ang kanyang tanong.

Ano sa tingin niya? Okay pa rin kahit na natapunan ng malamig na tubig sa mukha? Siya kaya tapunan ko para malaman niya ang sagot ko. Ano gusto niyang isagot ko? That "Oh, it's fine. Matutuyo rin naman ito." or "Okay lang, di mo naman sinasadya just be careful next time." Hell no, I am not a saint or what. Napaka common sense kasi ng tanong niya kaya nakakairitang sagutin.

Dreaming Of You | (BTS Series #1)Where stories live. Discover now