Kabanata 2

42 7 0
                                    

Kabanata 2

Water

Bumuntong hininga ako, pero sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko dahil kapag kausap ko siya naiilang ako. Nangyari na ito kay Bea bakit kailangan pang mangyari din sa akin ito? Wala pa naman akong uniform o damit na extra sa locker.

"I didn't notice you." aniya. Napatingin naman ako sa kanya at sa hawak niyang cup na naglalaman ng tubig.

"Try kong gawin sayo?" bigla kong sabi na ikinagulat ko pero agad akong nakabawi.

"Jungkook, bro!" napatingin sa akin yung kasama ni Jungkook at sa aking likod bago ito bumulong sa kanya.

"Luna! Okay lang yon, di rin naman siya tumitingin sa dinadaan niya. Excuse me," sabat ni Kalel bago ako hilain. Nag katitigan kami ni Jungkook bago bumaba ang tingin niya sa aking braso papunta kila Cindy.

Sumunod naman si Bea sa amin at humanap ng ma-uupuan.

"Di mo tinarayan?" taas kilay na tanong ni Bea. Umismid ako at humalukipkip. Ang lamig!

"Okay lang yan, buti nga sayo tubig. Juice sa akin." nakatitig niyang sambit bago tumayo.

"Papalit lang ako, sabihin mo kila Cindy at Kalel kapag hinanap nila ako."

Iritable akong tumango at umirap. Bakit nga ba ako natameme kanina? Pinagmasdan ko si Cindy na kausap si Jungkook kasama ang tumawag sa kanya.

"Init naman ng ulo niyo." ani Kalel sabay lapag ng tray sa lamesa namin.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at tumingin sa sandwich.

"Si-"

"Nagpalit ng uniform."

Binigay niya sa akin ang sandwich at nilagay sa tabi ko ang juice.

"Di ka kumibo? Na gwapuhan? Di ka naman ganyan ah, nag tataray ka sa iba e," aniya at bahagyang natawa.

Kumunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. Ako? May gusto? Kay Jungkook? Oo, gwapo siya but... not my type.

"Tss, huwag ngayon, Kalel. Kapag ako na pikon hindi mo gugustuhin."

Malakas siyang tumawa at inasar-asar pa ako.

"Cindy! Kausapin mo sila, ang init ng ulo."

Umupo na si Cindy sa tabi ni Kalel, tinignan ko siya at tinaasan ako ng kilay.

"Ano sabi niya?" napasinghap naman si Cindy at tumingin sa akin.

"Jungkook? Ah, di raw siya kasi tumitingin sa dinaraanan niya. So, ganon."

Hindi na lang ako kumibo. Di ko need ng sorry niya.

"Bea!" Si Kalel

"Hindi ka ba magpapalit?" tanong niya. Umiling ako at kumagat sa sandwich na ibinigay ni Kalel.

"May extra ako, gusto mo ba?"

"No need, wala naman akong mantsa sa damit." she shrugged and asked Kalel where is her food.

"Sa harap ka natapunan. Mas mainam kung mag papalit ka medyo nakikita sa suot mo bra mo..." I know. Pero ayoko. Hindi ko na lang siya pinansin at hindi na rin naman siya kumibo.

"Alam mo tama si Kalel, I can see your boo-" na putol ang sinasabi ni Bea dahil kay Cindy.

"Wag niyo nang pilitin. Gusto naman niya yan at katawan naman niya. Gusto niya yatang mabastos, so let her be." nagkatinginan kami saglit pero nag iwas na akong ng tingin. Hindi ko nagustuhan ang kanyang sinabi kaya hindi na ako kumibo. Napansin iyon ni Kalel kaya ginagawa niya ang best niya para patawanin kami.

Dreaming Of You | (BTS Series #1)Where stories live. Discover now