Kabanata 6
Good Thing
Nakatingala ako ngayon sa kisame ng aking kwarto habang nakahiga. Hindi mawala sa aking isipan ang usapan namin ni Jungkook noong isang linggo. Pagkatapos non hindi na kami muli nagkita at nagkasabay sa paglalakad o sa pag aabang ng taxi. Bumuntong hininga ako at tumayo na upang pumunta sa aking cabinet at kinuha ang shirt na binigay niya sa akin. Ibabalik ko pa ba ito o hindi na?
Lumingon ako sa aking bintana na katapat ng kwarto ni Jungkook at nakita kong nakapatay na ang kanyang malaking ilaw at ang nag sisilbing ilaw na lang ay ang kanyang lampshade sa study table niya, maaninag 'yon kahit may kurtina.
"Katrina? Huwag masyadong magpupuyat anak ha?" napalingon ako at agad na itinago ang damit sa ilalim ng kumot ng biglang bumukas ang aking pintuan at pumasok doon si mommy na may dala-dalang gatas at tinapay.
"Tumawag daddy mo... hindi na kita pinakausap dahil alam kong busy ka sa pag-aaral..." inilapag ni mommy ang gatas at tinapay sa aking table at lumapit sa akin upang halikan ang aking noo.
"I love you, anak." ngumiti sa akin ito at yinakap muna ako ng mahigpit bago lumapit sa pinto.
"I love you, mommy.." tipid itong ngumiti sa akin bago tuluyang sinarado ang aking pinto.
Kukuhanin ko na sana ang damit at ibabalik sa cabinet ng umilaw ang aking laptop at nakita ko ang message ni William sa facebook. Kumurap ako at dahan dahang lumapit sa upuan at umupo upang basahin ang message niya.
William: Are you still awake? I can't sleep. Mama is getting better... and Julianne got suspended from her school.
Nanlaki ang aking mata sa aking nabasa at agad nag tipa ng mensahe. Pa umaga na sa kanila ah?
Katrina: What happened to Julianne?
William: Napaaway siya sa anak ng isa sa stockholder sa school nila tungkol kay... mama. I got called out from her Dean about it and she receive the suspension.
William: I am so stressed. Tito is helping us financially but I don't think it is good, I don't like people pitying us. I can still make a solution about it.
Napahinto ako. Daddy is helping them?
Katrina: William... don't be. Daddy is willing to help your family, please take it. Besides, Julianne need to transfer hahayaan mo lang ba siya?
Biglang lumabas ang pangalan ni William at bumungad sa akin ang pagod niyang mukha. Bumuntong hininga siya habang nakatingin sa baba. Sa totoo lang naaawa ako para sa kanila...
"I'm sorry, did I disturb you?" tinignan ko siya ng matagal hanggang sa tumingin na siya sa akin at makita ang walang tulog na kanyang mga mata.
Umiling ako at tumingin sa baba upang pigilan ang luhang nagbabadya ng tumulo sa aking mga mata pero para silang mga traydor na tuloy tuloy tumulo.
"No... ayoko lang kitang nakikitang parang gusto mo na sumuko..." nag-angat ako ng tingin.
"Bumibigay ka na ba? Paano na lang future mo at ni Julianne?" nag-aalala siyang nakatingin sa akin.
"Katrina..."
"Pupuntahan kita dyan, hindi mo ako mapipigilan. Dyan na ako mag-aaral, kakausapin ko sila mommy and daddy." kinuha ko ang tissue sa tabi ng aking laptop at pinunasan ang aking mga luha ng biglang nahulog ang pamone sa aking buhok kung kaya't bumagsak ang ilan sa aking braso.
Nahagip ko ang tingin ni William na mahinahon ang tingin sa akin na parang ako ang nag papatanggal ng pagod at sakit sa kanyang mga mata.
"Ayokong sumugal..." bulong niya na narinig ko pero hindi ko na pinansin.