Kabanata 4

30 7 0
                                    

Kabanata 4

Science

Kagat ko ang aking kuko habang nag lalakad sa hallway. Napapaisip kung paano ko iiwasang maencounter si Jungkook kaso bigla akong napaupo dahil sa isang bola na tumama sa aking ulo. Napahawak ako roon at agad hinanap kung sino iyon.

"Oh, sorry! Lakas kasi ng hangin." biro niya. Napakunot ang aking noo dahil mukhang pamilyar siya sa akin, yung kaibigan ni Jungkook! May ibang meaning para sa akin ang pagkasabi niya.

"Anong hangin? That is intentional, boy. There's no wind," iritado kong sambit at mangha naman niya akong tinignan at nag lahad ng kamay sa aking harapan upang tulungan ako. Sa inis ko tinapik ko iyon at hinayaan ang aking sarili na tumayo.

Napakatikom naman siya ng bibig at binawi na rin ang kamay na nilahad sa akin.

"By the way, I'm James," lumabas ang dimples niya ng ngumiti siya.

Nag taas ako ng kilay. James? Probably, Lia's fling.

"I know you, ikaw yung natapunan ni Jungkook kahapon na hindi makakibo dahil natameme." he smirked. Napakuyom naman ako ng kamao! What the hell... He waved his hand at me and walked away. Umiling ako at nag patuloy na sa paglalakad. Ganon din ba ang tingin ng iba sa akin? Na natameme sa harap ng transferee! Hanggang sa makapasok na ako sa loob ng classroom yon pa rin ang iniisip ko. Ayoko namang ganon ang iniisip ng ibang estudyante sa akin.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa dyan walang kibo," pansin sa akin ni Kalel. Napanguso ako at humarap sa kanyang upuan tsaka bumuntong hininga.

"Nung natapunan ako ng tubig ano ba itsura ko non?" nag taka naman si Kalel sa tanong ko.

"Huh?"

"Seryoso kasi, I need your honest answer..." natawa si Kalel at hinawakan ang gilid ng aking upuan.

"Okay... Mukha kang tanga ron na hindi kumikibo. Natameme ka ba sa gwapo?"

Ngumiti siya sa akin at ginulo ang aking buhok. Umirap naman ako nag pangalumbaba. Natatame? Sus, asa kayo.

"Baliw, hindi. Kilala ko kasi siya, na mental block lang ako na sa ganon pa kami nag kita sa school." nag

"Kaya nga sinabihan kita kahapon na hindi ka naman ganyan sa iba. Nantataray ka."

Tumayo naman si Kalel sa kanyang upuan at napalingon naman ako sa pintuan ng makita ko si Bea na pumapasok at kasunod niya ang babaeng transferee sa section namin. Nanliit ang aking mata upang mabasa ang nakalagay sa name tag niya.

Nag angat ako ng paningin at napaawang ang aking labi dahil mukhang pamilyar ngunit hindi ko matandaan kung saan ko narinig. Nag katinginan kami saglit ngunit mabilis siyang nag iwas ng tingin at umupo sa kanyang upuan.

"Ayokong marinig ang sasabihin mo Kalel. Allergy ako sa iyo kaya pwede ba? umalis alis ka nga dyan, di ka nakakatulong sa magandang araw ko." bahagyang tinulak ni Bea si Kalel gamit ang hintuturo niya.

"Anong allergy, Bea? Kaya ba gusto mo ako?" asar ni Kalel.

"What? Kadire. Umalis ka nga dyan, sagabal talaga sa buhay araw-araw." hinayaan ko na lang silang mag-usap na dalawa at nag paalam na mag c-cr.

"Bilisan mo na lang, malapit na mag klase." paalala nila. Tumango naman ako at tumayo na at dumiretso sa pintuan, at lumabas na.

Hinawakan ko ng bahagya ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin at tumatama iyon sa aking mukha. Pinagmamasdan ko pa ang langit habang naglalakad papunta sa restroom. Maaraw ngunit malakas ang hangin, mga estudyanteng nakaupo sa mga damuhan at mga nag tatawanan.

Dreaming Of You | (BTS Series #1)Where stories live. Discover now